"Siya nga pala Jhianna, saan ka tumutuloy ngayon?" tanong ni Jenny. "May isa pa akong problema Jenny," ani Jhianna. "Ano iyon?" nag alala tanong ni Jenny. "Nang mapadpad ako dito sa Lucban ay dito ako napunta sa simbahan na ito. Nag dasal ako at humingi ng tulong sa Diyos. Pag katapos ay lumabas ako pero bigla akong nakaramdam ng hilo at biglang nag dilim ang paningin ko. Pag katapos noon wala na akong alam sa nangyari," kuwento ni Jhianna. "Tapos, anong nangyari sa'yo?" nag aalalang tanong ni Jenny. "Pag gising ko nasa kama na ako. Akala ko patay na ako kasi puro puti ang nakikita ko. Hanggang sa may nag salita sa may tagiliran ko. Isang doctor na nakakita sa akin sa gilid ng simbahan habang wala akong malay. Dinala niya ako doon at binigyan ng first aid," patuloy ni Jhianna. "Mabut

