CHAPTER 5

1196 Words
Nang masigurado ni Jenny na nakapag pahinga na si Jianna ay kinatok niya ito sa kuwarto upang makausap. "Jianna, puwede ba akong pumasok?" anito. "Sige! pasok ka Jenny," sagot naman ni Jianna. Naabutan niya itong nakadapa sa kama at hawak-hawak ang larawan ng kaniyang ina. Nakaramdam ng awa si Jenny para kay Jianna, ramdam niya ang bigat ng pinagdadaanan nito. "Ayos ka lamang ba Jianna?" nag aalalang tanong nito ng mapansin na umiiyak si Jianna habang nakatingin sa larawan ng kaniyang ina. "Jenny, mabuting tao ba ang magiging ama ng anak ko?" tanong nito kay Jenny Nabigla naman si Jenny sa tanong ni Jianna. Mukhang pumapayag na ito sa trabahong ibinibigay niya "Pumapayag ka na sa trabahong binibigay ko Jianna, sigurado ka? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo eh puwede kitang tulungang maghanap ng mas marangal na trabaho," nag aalalang wika ni Jenny "Wala nang ibang choice Jenny, habang tumatagal ay lalong lumalala ang sakit ni inay. Kailangan na raw siyang maoperahan kaagad sabi ni tiya. Handa akong gawin ang lahat Jenny mailigtas lamang ang buhay ni nanay," umiiyak na wika ni Jianna. Awang-awa si Jenny sa kaibigan kung may magagawa nga lamang siya para matulungan ito. Niyakap niya na lamang ito upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman nito. "Sige Jianna, bukas ay tatawagan ko na si Brett kung kailan kayo puwedeng magkita. Kailangan ay fertile ka Jianna para kahit isang beses lamang ay mabuntis ka kaagad. Huwag kang mag alalala hindi kita pababayaan at walang makakaalam nito kundi tayong dalawa lamang," malungkot na wika ni Jenny. Hindi naman makapag salita si Jianna kaya umiyak na lamang siya, dahil alam niyang wala nang atrasan ang naging desisyon niya. Hindi siya makapaniwala na siya ang sisira sa paniniwala ng kaniyang pamilya. Ngunit wala siyang magagawa dahil buhay ng kaniyang ina ang nakasalalay dito. Mas pipiliin niya ang buhay ng kaniyang ina kaysa dangal na iningatan niya. "Sige na Jianna, magpahinga ka na. Kailangan mong matulog para kahit papaano ay makalimutan mo ang bigat ng pinag dadaanan mo," ani Jenny. Pagkasabi nito ay saka ito lumabas ng kuwarto ni Jianna. Naiwan naman si Jianna na hindi pa rin mawala sa isip ang kanilang pinag usapan. Handa na nga ba siyang mawala ang puri na pinaka iingatan niya? "Inay, para sa inyo po ang aking gagawin, sana mapatawad ninyo ako! Mas pipiliin kong magalit kayo sa akin kaysa mawala ka sa amin ni Faye. Mahal na mahal kita inay, patawarin mo sana ako sa naging desisyon ko," pagkausap nito sa larawan ng ina habang umiiyak. Dahil hindi siya makatulog ay napag pasiyahan ni Jianna na maligo na muna para kahit papaano ay makaramdam siya ng ginhawa. Pagkatapos maligo ay nag suot lamang siya ng underware at saka humiga sa kama at saka nag takip ng kumot. Siya lang naman sa kuwarto kaya palagay ang loob niya sa kaniyang suot. Sa pag iisip ni Jianna ay biglang pumasok sa isip niya ang kaniyang panaginip noong nasa bus siya. Iyong lalaki na hindi niya makita ang mukha at tanging boses lamang ang kaniyang naririnig. Ang boses na iyon ay narinig niya sa mall, doon sa lalaking nakabangga niya. "Hindi kaya..? Malayong mangyari naman ata na magkatotoo iyong lalaki sa panaginip ko. Pero itong trabaho na ibinigay sa akin ni Jenny parang may koneksiyon sa panaginip ko, hindi kaya sign iyon na iyon ang magiging trabaho ko, ang maging baby maker? Kasi ang sabi niya "I want a child!" Hindi kaya iyong lalaki sa panaginip ko ang magiging ama ng anak ko? Hay! naku, nababaliw na ata ako!" pag kausap ni Jianna sa sarili. Dahil sa kaiisip ay nakatulog ng mahimbing si Jianna. Umaga na ng siya ay magising. Bago siya lumabas ng kuwarto ay naligo muna siya, naabutan niya sa kusina si Jenny at ang asawa nito. "Good morning Jianna! Kumusta, nakatulog ka ba ng maayos?" pagbati ni Jenny. "Ok naman, nakatulog naman kahit papaano," maikling sagot ni Jianna. Nahihiya kasi siya sa asawa ni Jenny. "Halika na Jianna, sabayan mo na kami sa almusal!" pag aya naman ni Luke dahil nahalata niyang nahihiya sa kaniya si Jianna. Hindi na umimik si Jianna at umupo na lamang sa silya na katabi ni Jenny. Tahimik silang kumakain ng mag tanong si Luke. "Jianna, talaga bang pumapayag ka na sa inaalok namin sa iyo?" tanong ni Luke. Nabigla naman si Jianna sa tanong nito kaya hindi ito nakapag salita kaagad. "Ahm..." Hindi maituloy ni Jianna ang sasabihin at tumingin ito kay Jenny na tila ba humihingi ng tulong "Luke, ano ba? Mamaya na natin pag-usapan iyan, kumain muna tayo!" pagsita naman ni Jenny sa asawa. Para namang napahiya si Drake dahil sa kaniyang itinanong. "I'm sorry! Papunta kasi ako ngayon kay Brett at sigurado mag tatanong na iyon about diyan. Kaya gusto ko sanang malaman ang pasiya mo Jianna," nahihiyang saad ni Luke. "Ah, ok lang. Oo pumapayag na ako. Next week after ng menstruation ko puwede na, I'm sure fertile ako noon," nahihiyang sagot naman ni Jianna. "Good! Tiyak matutuwa si Brett niyan, super excited na nga noong tao eh. Pag uusapan na namin mamaya kung magkano ang ibabayad sa iyo. Don't worry hindi ka madedehado, sisiguraduhin ko sa iyo na hindi ka nagkamali sa desisyon mo. Isa kang napakabuting anak Jianna, handa mong gawin kahit ano para sa buhay ng nanay mo. Kaya ako ang bahala sisiguraduhin kong maipapagamot ni Brett ang nanay mo. Bago ka umuwi magaling na ang nanay mo," pag sisiguro naman ni Luke. Alam kasi ni Luke ang kuwento ng pamilya ni Jianna kaya saludo siya sa sakripisyong gagawin ng dalaga para sa kaniyang ina. Kaya sisiguraduhin niyang maipapagamot ni Brett ang kaniyang ina. "Salamat Luke dahil naunawaan mo ako. Nakakahiya man ay kailangan kong gawin para kay nanay. Sana nga lang ay mapatawad niya ako dahil sa aking gagawin. Ako ang pinakaunang sisira sa paniniwala ng aking pamilya dahil sa aking gagawin, pero kahit ganoon ay hindi ko iyon pag sisisihan kung ang kapalit naman nito ay ang pag ligtas ko sa buhay ni nanay," naiiyak na saad ni Jianna. Awang-awa si Jenny sa kaibigan, pero wala siyang magagawa kundi alalayan na lamang ito habang andito sa Maynila. Lalo na at alam sa kanilang probinsiya na nasa kaniya si Jianna. Kaya nangako siya sa sarili niya na hindi niya pababayaan si Jianna ano man ang mangyari. "Jianna sabihin mo lang kung nagbago ang pasiya mo ha, tutulungan kitang maghanap ng trabaho at tutulungan din kitang mag ipon para sa nanay mo," biglang sabi ni Jenny. Para kasing ayaw niyang ipagawa ang trabahong iyon kay Jianna. Matalik niya itong kaibigan mula pagkabata pero siya pa ang magpapahamak dito. Parang hindi niya yata kaya. "Jenny, huwag kang mag alala dahil hindi mo kasalanan ang naging desisyon ko. Huwag ka sanang makunsensya, malaki pa nga ang pasasalamat ko sa iyo dahil kung hindi dahil sa iyo hindi ako makakahanap ng pera na pampagamot kay nanay. Napakabuti mong kaibigan Jenny, tandaan mo iyan," saad ni Jianna. Napansin niya kasi na nag aalala si Jenny para sa kaniya. Pero buo na ang desisyon niya. Gagawin niya na ang trabahong ibinibigay nito. Handa na siyang maging baby maker!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD