CHAPTER 6

1399 Words
"Yaya, punta po muna ako sa Maynila. Doon po muna ako baka mga one month sa condo ko sa Makati ha," paalam ni Brett sa kaniyang yaya. "Bakit anak, anong gagawin mo doon?" nagtataka namang tanong nito. "May importante lang po akong gagawin yaya. Ikaw na po muna ang bahala dito sa mansiyon ha at sinabihan ko naman si Mang Bert na siya muna ang bahala sa tubuhan. One month lang naman po ako mawawala," paliwanag dito ni Brett. "Sige iho, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka ha," anito. "Ok! Yaya, alis na po ako," paalam ni Brett. "Mag-iingat ka anak," muling paalala ng yaya ni Brett. Tumango na lamang si Brett at saka yumakap at humalik sa yaya bilang paalam nito at saka lumabas ng pinto at sumakay sa kotse bitibit ang isang maleta. Mula nang tawagan siya kahapon ni Jenny upang sabihin na pumapayag na si Jhianna sa alok niya ay tila ba nakaramdam siya ng excitement sa mga maaaring mangyari. Nagpawithdraw kaagad siya ng pera kay Luke upang ibigay kay Jianna bilang paunang bayad at para maipaopera na rin nito ang kaniyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon samantalang kumukontra siya kay Luke nang isuggest ang planong ito sa kaniya? Bakit ngayon ay para siyang batang napangakuan na bibilhan ng lollipop sa sobrang saya ng kaniyang nararamdaman? Kahit siya ay hindi niya maunawaan ang kaniyang sarili kung bakit parang excited siyang makita ang Jhianna na sinasabi nina Jenny. Kaya kahit na sa isang linggo pa naman daw ito puwede ay lumuwas na siya ng Maynila upang maihanda ang kaniyang condo dahil doon sila mag kikita. Mabilis na nakarating si Brett sa kaniyang condo sa Makati. Tinawagan niya ang manager ng condo at nag request ng mag lilinis nito. Maya-maya ay dumating na ang mag lilinis. "Good day po sir, ako po ang mag lilinis ng unit n'yo," pakilala ng babae na hindi pa naman katandaan. "Ah, ok! Pakilinisan ng maayos ang unit ha, mag spray ka rin kasi mukhang may daga na ata dito," sagot ni Brett at binigay niya din ang susi ng kuwarto at nagbigay ng iba pang instructions kung paano lilinisan ang kaniyang unit. "Aalis po muna ako manang habang nag lilinis ka kasi kanina pa ako bumabahing eh, punta muna ako sa mall," paalam ni Brett at saka sunod-sunod na bumahing dahil sa alikabok sa kaniyang unit. Medyo hindi niya kasi nabibigyan ng pansin nitong nakaraang buwan ang kaniyang condo dahil busy siya sa hacienda sa pag ani ng kanilang tubo. "Sige po sir, mabuti pa nga ho siguro kasi medyo makapal na po ang alikabok nitong bahay mo," natatawang anito dahil namumula na ang ilong ni Brett dahil sa kababahing. "Sige manang, alis na ako. Dadalhan na lamang kita ng meryenda mamaya pag balik ko," paalam nito. Dumiretso si Brett sa Mall upang marelax siya kahit papano. Dumiretso siya sa isang kainan sa mall dahil nagutom siya sa byahe niya kanina. Tamang-tama dahil saktong tanghalian na kaya beefsteak at sisig ang inorder niya dahil parang natakam siya sa sisig na nakita niya sa menu ng restaurant na iyon at syempre kanin at drinks. Medyo marami siyang nakain dahil masarap nga ang sisig dahil best seller daw iyon ng naturang restaurant. Nang mabusog ay nag pasiyang maglakad-lakad si Brett. Pumunta na rin s'ya sa supermarket para mamili ng mga kailangan sa condo kagaya ng sabon, shampoo, lotion at kung anu-ano pa na pangunahing kailangan niya na pansarili. Nang mapunta sya sa womens section ay napagpasiyahan niyanv mamili na rin ng mga gamit na pambabae dahil baka kailanganin din ito ni Jhianna. Namili din siya ng mga prutas, gulay, karne mga de lata at kung anu-ano pa na maaari nilang mailuto sa condo. Nang sa tingin niya ay ok na ay pumunta na siya sa counter upang bayaran ang mga kinuha niya. Nang mabayaran ang mga pinamili ay iniwan niya muna ang mga pinamili sa kaniyang kotse dahil naisipan niyang mamili ng mga damit. Nilibot ni Brett ang mga nakahanay na mga damit panlalaki at kumuha siya ng mga ilang piraso na pambahay dahil naalala niya na lahat na nadala niyang damit ay puro lang pala pang lakad. Pumili rin siya ng pang tulog na pajama at iba pa. Hindi niya napansin na napunta pala siya sa womens section dahil tanging sa mga damit lamang siya nakatingin. Nang hawakan niya ang isang pang tulog na pambabae ay hindi niya ito makuha dahil tila ba may umaagaw nito. Nang iangat niya ang paningin ay nakita niya na nakahawak din sa damit ang babaeng nakita niya sa mismong mall din na iyon. Natulala na lamang si Brett nang makita ang babae, tila ba wala siyang ibang nakikita kundi ito lamang. "Ay! sorry sir, sige po sa'yo na po ang damit," anang babae na siyang pumukaw sa diwa ni Brett mula sa pagkatulala sa mukha ng dalaga. "Ah! Sorry, sige sa'yo na miss! nabibiglang ani Brett. Lalo siyang nabighani sa dalaga nang ngumiti ito sa kaniya dahil animo'y diyosa sa ganda ang babae. "Ok! Thank you sir. Are you ok? tanong ng babae nang mapansin na hindi mapakali ang lalaki. "Ah! Yes, I'm ok. By the way I'm Brett, and you?" sagot ni Brett sabay pakilala ni Brett kay Jianna sabay abot ng kamay niya dito. "I'm Jia, nice to meet you! Sabay abot ng kamay ni Brett at nag shake hands ang dalawa. Ayaw niyang sabihin ang tunay niyang pangalan dahil hindi siya basta-basta nag titiwala sa kung sinu-sino. Napatagal ang shake hands ng dalawa dahil parang ayaw nang bitawan ni Brett ang kaniyang kamay. "Ehem!" saad ni Jhianna nang maramdaman na ayaw na bitawan ni Brett ang kaniyang kamay sabay bawi dito. "Sorry!" nahihiya namang saad ni Brett sabay bitaw sa kamay ni Jianna. "If you don't mind, let's have a coffee?" nahihiyang aya ni Brett. Nag aalala kasi siya na hindi ito pumayag. "Ok!" maikling sagot nito at napangiti si Brett sa tuwa dahil pumayag ito sa alok niya. Dinala niya ito sa isang coffee shop at doon ay ipinagpatuloy nila ang pagkilala sa isa't isa. "Saan ka umuuwi Jia, puwede bang malaman if you don't mind?" tanong ni Brett. "Dito lang din sa Makati, sa kaibigan ko," sagot ni Jhianna. Tumango-tango naman si Brett at naunawaan niya na parang ayaw pa siya pagkatiwalaan ni Jhianna kaya hindi na siya nagtanong kung saan mismo at kung sinong kaibigan. "Alam mo mula nang mabangga kita sa mall hindi ka na nawala sa isip ko Jia. Alam mo bang hinanap kita noon? Kaso hindi na kita nakita pero mukhang itinadhana atang makita kita ulit," banat ni Brett. Natatawa si Jhianna dahil mukhang pareho lang ito ng ibang lalaki na kesyo pagkakita pa lamang daw sa kaniya ay na love at first sight agad kaya sanay na siya sa mga kagaya no Brett kahit pa nga maitsura din ito ay ayaw niya pa ring mag tiwala. Pumayag lamang siyang sumama dito dahil ayaw niyang maging bastos dahil mabuti naman ang ipinapakita nito sa kaniya at mukhang hindi naman gagawa ng masama. Nagpapakatao lang siya kung baga. "Itinadhana agad hindi puwedeng nagkataon lang?" natatawang saad ni Jianna. "Iyon na nga Jia, nagkataon o itinadhana pareho lang yun." Sabay tawang ani Brett. Natawa na rin si Jianna dahil in fairness natutuwa siya kay Brett dahil hindi ito boring kasama kahit ngayon niya lang ito nakilala. "Puwede ka bang maging kaibigan Jia? Napakagaan kasi ng loob ko sa iyo eh mula pa nung una tayong magkita," sinserong saad ni Brett. Natuwa si Jhianna dahil infainess frienship ang inooffer nito at hindi agad bumanat ng kung anu-ano tungkol sa panliligaw. "Why not Brett, I think you're such a good guy," sagot ni Jhianna. "Talaga? So, friends?" saad ni Brett na may malawak na ngiti sa mga labi sabay abot ng kamay kay Jianna tanda ng pakikipag kaibigan. Gusto niya muna kasing maging kaibigan si Jhianna bago siya umamin ng kaniyang tunay na damdamin para rito. Gusto niya muna kasi itong kilalanin kung totoo ba ang kutob niya dito na naiiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya. "Friends," sagot naman ni Jhianna sabay abot ng kamay ni Brett na tanda ng pagpayag niyang maging kaibigan nito. Kapwa may ngiti sa mga labi ang dalawa habang hawak ang palad ng bawat isa. Walang kamalay-malay na mas malalim pa sa pakikipag-kaibigan ang magiging ugnayan nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD