CHAPTER 7

1078 Words
"Jhianna, andiyan ka na pala. Tamang-tama kasi nakausap ko kagabi iyong kaibigan ni Luke," ani Jenny. "Talaga? Anong sabi niya Jenny?" excited na tanong ni Jianna. "Heto." Sabay abot ng attache case kay Jhianna. Nabigla si Jhianna sa inabot ni Jenny nang buksan niya ito. Tumambad sa kaniya ang napakaraming pera. Sa buong buhay niya ngayon lamang siya nakakita mg ganun karaming pera kaya hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. "Saan galing ito Jenny?" nagtatakang tanong ni Jianna. "Galing iyan sa kaibigan ni Luke. Limang milyon iyan Jhianna, unang bayad daw iyan para sa trabaho mo sa kaniya. Ibinigay niya na para maipaopera mo na daw ang nanay mo," saad ni Jenny. "Talaga? Maipapagamot ko na si inay Jenny, gagaling na siya. Maraming salamat Jenny, ipapadala ko na ito kaagad para masimulan na ang operasyon niya," umiiyak na saad ni Jhianna. "Pang unang bayad pa lamang iyan Jhianna, alam mo ba kung magkano ang handang ibayad niya sa'yo Jianna kapag nabigyan mo siya ng anak?" sabik na tanong ni Jenny. "Magkano Jenny?" nasasabik ding tanong ni Jhianna. "Dalawampung milyong piso Jianna!" halos sumigaw na sagot ni Jenny. "Talaga Jenny, ganoon niya kagustong magkaroon ng anak?" natutuwa ngunit di makapaniwalang saad ni Jhianna. "Oo Jhianna, kaya siguraduhin mo na fertile ka sa oras na may mangyari sa inyo. Yayaman ka na Jhianna at masaya ako para sa iyo dahil magbubunga ng maganda ang pag sasakripisyo mo para sa nanay mo," umiiyak nang saad ni Jenny. Napakasaya niya para sa kaibigan dahil kahit na napakalaki ng pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon ay sigurado naman na maganda ang kalalabasan ng lahat at tiyak niyang hinding-hindi ito magsisisi dahil sa desisyong ipagbili ang kaniyang sarili mailigtas lamang ang kaniyang pinakamamahal na ina. Masayang nagyakap ang magkaibigan dahil sa magandang mangyayari sa buhay ni Jianna sa kabila ng napakatinding pagsubok na pinagdaanan nito. "Ang lahat nang ito ay dahil sa iyo Jenny dahil hindi mo ako nakalimutan kahit na nga nagkalayo tayo sa isa't isa. Isa kang tunay na kaibigan Jenny dahil hindi mo ako pinabayaan," saad naman ni Jhianna habang umiiyak at nakayakap kay Jenny. "Deserve mo iyan Jhianna dahil napakabuti mong anak, handa kang mag sakripisyo kahit pa nga puri at dangal mo ang kapalit mailigtas lamang ang iyong ina sa nakamamatay na sakit. Isa kang napakabuting anak kaya dapat lang na makaranas ka ng marangyang buhay Jianna," umiiyak pa ring saad ni Jenny. "Oh! Siya, tama na iyan pag dadramang iyan Jhianna, ang isipin natin kung paano mo maibibigay sa tiya mo iyang pera," natatawang ani Jenny para matigil na ang pag eemote nilang dalawa. "Oo nga, paano nga kaya?" sagot naman ni Jhianna. "Ganito, sasamahan kitang maihatid iyan bukas Jhianna. Aalis tayo ng madaling araw para makabalik lang ulit tayo ng Maynila," saad ni Jenny. "Talaga? Sasamahan mo ako Jenny?" natutuwang saad ni Jhianna. "Oo naman Jianna, para mabisita ko rin kahit papaano ang nanay mo at maipaliwanag na hindi kita pababayaan dito sa Maynila," sagot ni Jenny. "Salamat Jenny," sagot naman ni Jhianna na biglang tumamlay at tila ba may iniisip na problema. "Oh! Anong pa bang problema Jhianna? Bakit bigla ka ata namroblema ngayon, kung kailan may pampaopera na ang nanay mo saka ka malulungkot diyan?" takang-tanong ni Jenny. "Ang iniisip ko kasi Jenny, paano pag nag tanong sila kung saan galing ang pera, anong isasagot ko?" tila namomroblemang sagot ni Jhianna. Tila napaisip din si Jenny sa sinabi ni Jianna. "Oo nga ano? Magtataka nga sila kung paano ka nakaipon kaagad ng ganiyan kalaking halaga!" wika ni Jenny na medyo namroblema din sa kung ano ang sasabihin nila pag dating sa probinsiya. "Ah! alam ko na Jhianna, alam naman nila di ba na mayaman ang asawa ko, eh di sabihin natin na pinautang kita at huhulog-hulugan mo nalang ako para makabayad ka dahil may trabaho ka naman dito sa Maynila, di ba?" saad ni Jenny na napangiti dahil sa naisip niyang alibi kung sakaling magtanong ang mga kamag-anak ni Jhianna. "Oo nga Jenny, tama. Iyon na lamang ang sasabihin natin kapag nagtanong sila. Kung hindi magtanong eh di no talk nalang tayo," nakangiti ring saad ni Jhianna dahil tila ba nabunutan siya ng tinik dahil sa naisip ni Jenny. "Di ba ang galing ko?" natatawang wika ni Jenny na may kasamang pagyayabang. Kapwa na lamang sila natawa dahil sa kalokohan ni Jenny at tila kapwa bumalik sa alaala nilang dalawa ang kanilang samahan noong sila ay mga bata pa. Bata pa lamang kasi sila ay mag best friend na sila, magkapatid kung mag turingan. Hindi sila mapag hiwalay na dalawa kahit sa paaralan na pinapasukan, kung nasaan ang isa ay dapat naroon din ang isa. Kapwa din sila matalino at hindi nawawala sa honors. Silang dalawa palagi ang nangunguna sa klase, 1st honors si Jianna at palagi namang 2nd honors si Jenny ganunpaman ay walang inggit na nararamdaman si Jenny kay Jhianna kahit siya ay palagi lamang na pumapangalawa dito, masaya siya para sa kaniyang kaibigan kung ano man ang makuhang award nito. Magkasama din sila palagi kung gumawa ng homeworks, ng projects at sabay ding nag-aaral kapag may exam. Mag kaklase sila hanggang sa mag highschool silang dalawa. Nag kahiwalay lamang sila ng mag pasyang pumunta si Jenny sa Maynila para mag trabaho dahil sa hirap din sa buhay sina Jenny ay hindi na siya kayang pag aralin ng mga magulang kaya mas pinili niya na mag trabaho na lamang sa Maynila. Nang umalis si Jenny ay sobrang lungkot ang naramdaman nila dahil sa kanilang pag hihiwalay, dahil first time nilang mag hihiwalay. Hanggang sa bus ay umiiyak si Jenny dahil alam niyang mamimiss niya si Jhianna. Ganoon din si Jhianna kahit hindi niya na matanaw ang bus na sinakyan ni Jenny ay tinatanaw niya pa rin ito habang umiiyak. Mag kaganoon man ay patuloy pa rin ang buhay. Nagpatuloy ng pag-aaral si Jhianna habang si Jenny naman ay nag trabaho sa Maynila sa Kumpanya na pag-aari ng pamilya ni Luke. Dahil sa napakaganda nga ni Jenny ay kaagad nahulog naman ang loob ni Luke dito at napaibig naman ni Luke si Jenny. Kaya nang maging sila pag kalipas ng isang taon ay nag pakasal ang dalawa at pinapunta ni Jenny si Jhianna sa Maynila upang gawing Brides Maid. Ngayon ay muli silang nag kasama kaya naman napakasaya nila na karamay na muli nila ang bawat isa sa mga pagsubok na darating. Talagang ang tunay na kaibigan ay nasusubok ang tibay sa panahon ng kagipitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD