Maagang nag byahe sina Jenny at Jhianna pauwi sa probinsiya at para maihatid ang pera na kakailanganin ng ina ni Jhianna para sa operasyon nito.
Kaya maaga rin silang nakarating sa ospital. Dire-diretso ang dalawa sa kuwarto kung nasaan ang nanay ni Jhianna. Naabutan nila ang kaniyang tiyahin at ang kaniyang kapatid na si Faye.
"Ate!" saad ni Faye sabay yakap sa kaniyang ate.
"Kumusta na si nanay?" tanong ni Jhianna. Sabay lapit sa kaniyang ina at hinalikan ito sa noo at niyakap. Kaya nilapitan siya ng kaniyang tiya para sagutin ang kaniyang tanong.
"Ok naman Jhianna, pero sabi ng doctor dapat daw ay sa lalong madaling panahon ay maoperahan na siya kasi baka hindi na makayanan ng mga gamot na tinuturok sa kaniya na pigilan ang kumakalat na cancer," malungkot na saad nito.
"Huwag ho kayong mag alala tiya ngayon din ay kakausapin ko ang doctor at ipapahanda si nanay para sa operasyon," sagot ni Jhianna, sabay iniabot ang attache case na may lamang pera sa kaniyang tiyahin.
"Tiya, ayan po ang pera na kakailanganin ni inay para sa operasyon. Kakausapin ko ang doctor para maihanda na agad ang lahat para sa operasyon," dagdag pa nito.
"Ate, saan ka kumuha ng ganiyan karaming pera?" takang-tanong ni Faye ng makita ang pera na ibinigay ni Jhianna sa kanilang tiya.
"Huwag niyo nang isipin iyon Faye, basta ang mahalaga ay maoperahan at gumaling si nanay," sagot naman ni Jhianna habang nakatingin kay Jenny.
"Sige Jhianna, kausapin mo na ang doctor para maihanda na ang lahat," singit naman ng kaniyang tiyahin.
"Opo, tiya. Jenny, halika samahan mo ako sa opisina ng doctor," wika ni Jhianna at hinila na si Jenny palabas ng kuwarto.
Hinanap nila ang opisina ng doctor at ng makita ay saka sila kumatok.
"Come in!" wika ng nasa loob.
"Good morning po doc," bati ni Jihanna.
"Yes, what can I do for you?" magalang na tanong ng doctor.
"Doc, ako po yung anak ni Vivian Rojas, ako po si Jhianna," pakilala ni Jhianna.
"Oh, yes miss Jhianna?" sagot ng doctor
"Doc, handa na po ang pera na kailangan ng nanay ko. Itatanong ko lang po sana kung kailan siya puwedeng maoperahan?" tanong ni Jhianna.
"As soon as possible miss Jhianna. Sa isang araw puwede na siyang operahan. ihahanda lang namin sya ngayon hanggang bukas pati ang mga gamot na gagamitin para sa operasyon nya. Kapag ready na lahat ooperahan na sya," paliwanag ng doctor.
"Mabuti naman po kung ganoon. Doc ano ho ba ang chance kapag naoperahan ang nanay?" tanong ni Jhianna.
"Well, malakas ang nanay mo at lumalaban sya. So malaki ang chance na malagpasan nya ang lahat at gagaling sya from cancer," masayang saad ng doctor
Halos hindi namn makapag salita si Jhianna dahil sa narinig. Masayang-masaya sya sa balita ng doctor. Kaya napayakap na lamang siya kay Jenny.
"Sabi ko sa'yo Jhianna eh. God is good all the time," saad naman ni Jenny habang hinahagod ang likod ni Jianna.
"Maraming-maraming salamat po doc, tutuloy na po kami. Sana po gawin niyo ang lahat para mapagaling ang nanay ko. Salamat po ulit," masayang saad ni Jhianna. Para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa sinabi ng doctor. At least hindi magiging sayang ang sakripisyong gagawin niya para sa kaniyang ina.
Masayang bumalik sina Jhianna at Jenny sa kuwarto ng ina ni Jianna.
"Tiya, malaki daw ang chance na makarecover si nanay pagkatapos ng operasyon sa kaniya. Sa isang araw daw siya ooperahan dahil ihahanda pa daw si inay pati ang mga gamot at mga gamit na gagamitin sa kaniyang operasyon. Masayang-masaya ako tiya para kay nanay, gagaling na siya," umiiyak na ani Jhianna at sabay yakap sa kaniyang tiya.
"Magandang balita nga iyan Jhianna. Malakas talaga ang power ng prayers anak," naiiyak na ding saad ng kaniyang tiya.
"Oo nga po tiya, maraming salamat po sa pagbabantay kay inay at kay Faye," sagoy naman ni Jianna.
"Ayos lamang iyon Jhianna dahil iyon lamang ang maitutulong ko sa inyong magkapatid. Bilib ako sa iyo Jianna dahil nakagawa ka ng paraan para makakuha ng malaking halaga para sa nanay mo. Hindi ko na itatanong kung saan galing iyon dahil may tiwala naman ako sa iyo Jjianna basta mag iingat ka lamang palagi doon ha," wika naman ng kaniyang tiya.
"Salamat po sa tiwala tiya. Hindi ko po ipapahamak ang sarili ko doon at andiyan naman po si Jenny, hindi niya po ako pinababayaan. Babalik din po kami sa Maynila tiya dahil may trabaho po ako doon. Ikaw na po sana ang bahala kay inay at kay Faye," bilin ni Jhianna.
"Ate, aalis ka na kaagad?" tanong ni Faye dahil narinig niya na nagpapaalam na si Jhianna sa tiyahin.
"Oo faye, kailangan. Kung kailangan mo ng pera humingi ka lang kay tiya ha wag mong pababayaan ang sarili mo faye, mahal na mahal ka ni ate," Saka ito lumapit kaya Faye upang yakapin ang kapatid dahil umiiyak na naman ito.
"Faye, kailangan kong umalis para kay inay. Huwag kang mag alala dahil gagaling na si nanay hindi ka na mag iisa sa bahay," pag aalo nito sa kapatid.
"Bakit ka pa aalis ate eh nakakuha ka naman na ng pera para kay nanay?" inosenteng tanong nito
"Faye iyong pera na dala ko ay utang ko iyon kaya kailangan kong magtrabaho para mabayaran ko yun," paliwanag naman ni Jhianna.
"Oo nga naman Faye, kailangan ng ate mo na mag trabaho para mabayaran yung pera na gagamitin ng nanay nyo sa operasyon," singit ni Jenny dahil naaawa siya sa magkapatid. "Huwag kang mag alala kapag nabayaran na ng ate mo iyon uuwi na rin si ate mo at magkakasama na ulit kayo, kaunting tiis lang ng lungkot makakayanan niyo rin yan Faye ha," dagdag pa nito.
"Opo ate Jenny, huwag niyo pong pabayaan ang ate ko sa Maynila ha," sagot naman ni Faye na tumigil na sa pag iyak dahil naunawaan niya na nag lahat.
"Oo naman Faye, hindi ko pababayaan ang ate mo. Kaya huwag mo ring pabayaan ang sarili mo dahil kailangan ka ng nanay mo dito ha," ani Jenny.
"Opo ate Jenny, maraming salamat po sa pagtulong kay ate," saad pa ni Faye.
"Oo Faye, pangako hindi ko pababayaan ang ate mo," biglang lungkot si Jenny at tumalikod na siya kay Faye para hindi nito makita ang lungkot niya dahil naguiguilty siya dahil parang mali ang mga sinasabi niya kay Faye dahil siya mismo ang nagbenta kay Jhianna. Pinigilan niyang umiyak para walang makahalata sa kaniya.
Nakita naman siya ni Jhianna kaya tinapik nalang siya nito sa balikat para medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil alam ni Jianna ang dahilan kung bakit naging ganoona ng naramdaman ni Jenny.
"Jenny ok lang yun," mahinang saad ni Jhianna. Saka niya ito iniwan at lumapit siya sa kaniyang ina para magpaalam ulit.
"Inay, aalis na po ulit ako. Huwag kang mag alala inay gagaling ka na po. Di ba sinabi ko sa iyo na gagawin ko ang lahat? Iyan na po inay may pera na tayo na pampaopera mo, gagaling ka na po!" umiiyak na ani Jhianna habang hawak-hawak ang kamay ng ina.
"Inay, lakasan niyo lang loob niyo ha laban lang kaunting tiis na lamang po at makakauwi na kayo. Magkakasama-sama po ulit tayo. Laban lang inay," saad nito at saka hinalikan ang ina sa noo. "paalam po nay, babalik na lang po ako uli," paalam nito.
"Tiya, aalis na po kami. Kailangan po kasi namin makabalik ulit sa Maynila ngayon. Faye, ikaw na bahala kay nanay ha. Tawagan nyo ako pagkatapos maoperahan ni nanay. Tiya ikaw na po sana bahala sa kanilang dalawa," bilin ni Jhianna sa tiyahin at kay Faye.
"Oo Jhianna, basta palagi ka sanang mag-iingat doon anak. Alam kong alam mo na ang tama at mali malaki ang tiwala ko sa iyo anak. Sige na mag iingat kayo," sagot naman ng tiyahin ni Jianna.
Bago umalis ay niyakap muli ni Jhianna si Faye.
"Ikaw na bahala kay nanay ha, wag mo siyang pababayaan. Mamimiss ko kayo," umiiyak na saad ni Jhianna habang yakap ang kapatid. Alam niya kasing matatagalan bago sila mag kita uli. Napakasakit para sa kaniya ang magpaalam at magsinungaling na babalik agad dahil alam niyang hindi iyon magkakatotoo dahil ang totoo ay matagal siyang makakabalik dahil kailangan niya munang mag dalang tao at manganak kung kaya matagal siya makakabalik ulit.
Gusto niyang mag sumbong sa ina at kapatid dahil sa bigat ng dinadala niya pero hindi maaari dahil alam niyang hindi siya mauunawaan ng mga ito. Kaya kailangan niyang sarilinin ang mga dinadala niyang problema basta ang mahalaga gagaling na ang kaniyang ina. Hindi na kailangan pang malaman ng mga ito ma ibenenta niya ang kaniyang sarili para lamang makakuha ng perang kailangan para sa kaniyang ina.