“Hinde na, alam kong marami ka pang gagawin dito hihintayin nalang kita makabalik ng Italy” nakangiting sabi ni stella “ok lang tapos naman na ako sa mga mahahalaga kong gagawin sa opisina iiwan ko nalang dito si stephen para maasikaso nya ang mga maiiwan ko pang trabaho sa kompanya” sabi din ni oliver “sigurado ka ba? hinde mo naman kailangan mag madali baka magka-problema ka pa sa kompanya nyo nyan” May pag aalalang sabi ni stella “Yes I’m sure, kaya na ni stephen yon at kong sakaling magka-problema man pwede naman ako bumalik dito agad May private plane naman ako na magagamit anytime, remember?” pag-papaliwanag ni oliver “ok” maikling sagot ni stella at napabuntong hininga nalang Wala na s’yang nagawa pa kun’di ang sumang-ayon nalang kay oliver “wag kana mag-alala ako na ang bahala kayang-kaya ni stephen ang mga trabahong iiwan ko sa kanya at isa pa hinde naman ito ang unang beses na iniwan ko sya para asikasuhin ang kompanya ko” agad na sabi ni oliver ng mapansin na parang nag aalala si stella. agad naman sumimangot si stella dahil sa sinabi ni oliver “so, lagi mo ito ginagawa?” iritabling tanong ni stella kay oliver “ang alin?” kunot noong tanong din ni oliver “iwanan ang trabaho at ipagkatiwala ang kompanya sa mga tauhan mo para sa babae, ilang babae na ba ang sinamahan mo?” naluluha na sabi ni stella “tsk, bakit pa ba ako nagtanong alam ko naman ang sagot” naiiyak na sabi ni stella at tatalikod na sana pero agad s’yang kinabig ni oliver palapit sa kanya niyakap sya nito ng mahigpit Hinde naman umalma si stella dahil gusto din naman nya ang ginagawa nito kahit pa galit sya dito ilang saglit pa ay kumalas na si oliver sa pagkakayakap kay stella hinaplos nito ang pisngi ng dalaga at pinunasan ang iilang butil ng luha sa mata nito sa’ka dinampian ng mainit na halik sa labi ang dalaga “wag kana mag selos dahil wala ka naman dapat ika selos” nakangiting sabi ni oliver habang nakatitig kay stella “hinde ako nag seselos, Bakit ako mag seselos sino ba ako sayo Wala naman diba?” naiinis na sabi ni stella. “mahalaga ka sakin” nakangiting sabi ni oliver “tsk!” masungit na sabi ni stella at umismid lang, napangiti nalang si oliver dahil dito huminga muna ito ng malalim bago nag salita “ikaw lang ang una at huling babae na paglalaanan ko ng panahon at oras” nakangiting sabi ni oliver habang hinahaplos ang pisngi ni stella “Wala akong pakialam gawin mo lahat ng gusto mo hinde kita pipigilan” masungit na sabi ni stella at tinabig pa nito ang palad ni oliver na nakahawak sa pisngi nya “are you sure hinde mo ako pipigilan?” makahulugang sabi ni oliver sabay kindat tinaasan lang ito ng kilay ni stella at tinitigan ng masama “hey! chill I’m just kidding” natatawang sabi ni oliver, huminga muna ito ng malalim sa’ka nagsalita “just trust me, ok?” seryusong sabi ni oliver huminga muna ng malalim si stella sa’ka tumango nalang bilang sagot “matulog na tayo?” malambing na sabi ni oliver tumango lang ulit si stella medyo naninibago sya sa mga kinikilos ni oliver pero ayaw naman nya ito bigyan ng ibang kahulugan kaya binabaliwala nalang nya ang nararamdaman nyang pagbabago ng trato sa kanya ni oliver o baka nga dahil lang iyon sa mahalaga sya para sa binata dahil kailangan sya nito para sa mga plano nya. masuyong hinalikan muna ni oliver si stella sa labi sa’ka niyakap ito ng mahigpit at parang ayaw nya na itong bitawan dahil baka bigla nalang ito mawala kapag binitawan nya “good night stella———“ malambing na sabi ni oliver at saglit natigilan ito iniisip nya kong dapat ba n’yang bigkasin ang mga salitang nasa isip nya pero parang May sariling utak ang bibig nya at kusa itong bumuka at nag salita binigkas ang mga katagang “I love you” biglang sabi ni oliver na ikinagulat ni stella maski sya ay nagulat din sa sarili nya “he loves me?” tanong ni stella sa isip nya at hinde makapaniwala sa narinig nya parang biglang tumigil ang mundo bumagal ang takbo ng orasan nag babaan ang mga anghel at bituin sa lupa slow motion ang lahat ganyan ang pakiramdam nya ng marinig ang sinabi ni oliver hinde sya makagalaw at makapag salita nakatitig lang silang dalawa sa isa’t isa “go-good night” nauutal na sabi ni stella at mabilis na nag talukbong ng kumot natawa nalang si oliver at niyakap ito ng mahigpit “good night” nakangiting sabi ni oliver napangiti nalang din si stella hinde nya alam kong ano ba talaga ang meron sila walang kasiguraduhan ang relasyun nila nalilito sya sa nararamdaman nya pero mas nangingibabaw sa kanya ang saya masaya sya na marinig na mahal sya ni oliver simpling litra maikling salita pero mahalaga ang kahulugan nakatulog silang dalawa na magkayakap at masaya hinde alam ni stella kong ano ang mga mangyayari sa kanila pagbalik nila ng Italya pero umaasa sya na sana kahit ano man ang mangyari at pag-daanan nila sana makayanan nilang dalawa ng magkasama.
Magtatanghali na ng magising si stella hinde nya alam pero nagiging payapa at mahimbing ang tulog nya kapag kayakap si oliver napansin nya nitong mga nakaraang araw na magkasama at magkatabi silang natutulog ni oliver ay naging payapa at mahimbing ang tulog nya mabilis sya nakakatulog sa mga yakap ni oliver na animo’y hinihili sya hinde na nya kailangan pa uminom ng gamot para lang makatulog sya hinde narin sya nagkakaroon ng mga masamang panaginip at nagigising sa madaling araw dahil sa masamang panaginip na lagi nangyayari sa kanya naging komportably sya kay oliver pakiramdam nya ay ligtas sya at walang masamang mangyayari sa kanya pag kasama nya ang binata alam n’yang hinde sya pababayaan nito.