Kabanata 32 "Here" Kumain kami ng lunch sa nadaanan naming seafood restaurant before heading sa supermarket. Bumaba ako ng sasakyan at kinuha si Mapsy sa backseat. "You can just wait here," sabi ko kay Zede. "Sasama ako. I will carry the groceries." Nagsukatan kami ng tingin. Ako rin ang naunang nagbaba ng tingin. Tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad kasama si Mapsy. Kumuha ako ng push cart na inagaw din naman ni Zede. Siya ang nagtulak. Hinayaan ko na siya. Kinuha ko ang listahang pinadala ni Lola para malaman ang mga kailangang kunin. Una kami sa may cereal section. Habang kumukuha ng ilalagay sa cart kung anu-ano naman ang request ni Mapsy. Panay tuloy ang saway ko. "'Di ba you promise na kaunti na lang ang chocolates and candies na kakainin mo? You even gave some to your fr

