bc

HIS FORBIDDEN KRYPTONITE

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
second chance
badboy
single mother
heir/heiress
drama
bxg
city
small town
disappearance
enimies to lovers
rejected
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Patawarin mo lang ako at payagan na mahalin ka ulit, kahit sino sa pamilya ko hindi ko sasantuhin. Just give me a second chance, because even if our love is FORBIDDEN, I'll still chase it. Loving you is my KRYPTONITE—the one weakness I'm addicted to.. ”Gemini Alcantara won't pity someone if she knows na hindi siya kayang ipaglaban at paninindigan ng taong mahal na mahal niya, kahit pa sabihing ipinaglaban niya ang mahigit limang taon nilang pag-iibigan ni Knoxx. But what if after five years their paths collide again? Paano niya iiwasan ang lalaking hindi siya pinanindigan kung sa araw-araw ay palagi niyang nakakasama at nakikita ito? And what if Knoxx tries to enter her life again for the second time? Will she just let Knoxx come back into their lives even he is the reason why she became a sinner? Or will she just let herself wander away again and escape her past—again?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ayaw niya mang tignan ang resulta pero nilakasan niya ang loob na silipin ng dahan-dahan ang nakaguhit na linya. Two red lines mean, positive! Nanglambot at tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya ng makita ang resulta ng pregnancy test na ginamit niya. Nakalapag lang ito sa bunganga ng inuduro pero dahil nanginginig ang mga kamay niya kung kaya't natabig niya ito dahilan para mahulog sa tubig. Tears flowed down her face while slowly watching the pregnancy kit sink. Sa paglubog niyon ay samu't-saring katanungan agad ang nasa isip niya. Marami agad tumatakbo sa kaisipan niya. She is only twenty years old at marami pa siyang gustong makamit. Her goal is to be married at the age of thirty and be a mother of two children pero bakit sobrang inagahan naman? Gano'n na ba siya kabait para i-advance ng Diyos ang mga pangarap niyang iyon? Hindi ba parang kabaliktaran naman para sabihing—makasalanan lang talaga siya para ibigay ngayon sa kanya ang gano'ng klase ng biyaya? Yes, she is a sinner, but the offspring in her womb now can still be considered a blessing. Paano niya papanindigan ang ipinangako niya sa kanyang mga magulang kung ngayon pa lang na hindi pa siya graduate sa kursong gusto niya eh may laman na ang tiyan niya. Napaluhod siya sa flooring ng kanilang cr. Natataranta niyang inabot ang cellphone niya at tinawagan si Knoxx. Matagal ang pag ring bago ito at sinagot. Bumungad sa kanya ang inaantok pa nitong boses. She calms her self. Lumunok siya bago tumikhim. “Knoxx...” Kalmado niyang bungad. Umungot lamang ito. Tila nagising lang dahil sa tawag niya at halatadong inaantok pa. “Knoxx...I-Im..pregnant.” Kalamado ngunit bakas sa tinig niya ang panginginig. Pinalis niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. Narinig niyang parang bumangon ito dahil sa pagaspas ng kung ano. “W-What are you talking about, Gem? How? P-paano nangyari?” Sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya. Hindi ito makapaniwala at tila gulat-gulat. Naririnig niyang panay-panay ang pagmumura nito sa kabilang linya kaya hindi niya mapigilang umiyak. She knew it! Hindi pa ito handa! Pareho silang hindi pa handa! “Nag test ako ngayon and the two red lines are screaming the positive result! Knoxx...p-paano 'to? Mapapalayas ako ni Mama kapag nalaman niya na ikaw ang nakabuntis sa akin! Knoxx, please…help me fix this mess we made.” Halos pabulong niyang paki-usap kay Knoxx. “Damn, Gemini! Diba may pills ka namang iniinom? So it's impossible—” “I forgot to take the pills! Ilang beses kong nakakalimutan na uminom, Knoxx...” Garalgal ang boses habang nagpapaliwanag siya. Naka-ilang beses na rin siyang napapasuklay sa kanyang buhok dahil pakiramdam niya nabibirindi na siya! “P-paano 'yan? Shít. Hindi pwede! Hindi pwedeng masira ang tiwala sa akin ni Dad. Damn, Gemini!” Mariin nitong anas. Nayayamot at hindi makapaniwala. Natataranta at tila umurong ang pagiging lalaki nito nang malaman ang balitang inanunsyo niya. Pagak siyang tumawa habang pinapalis ang luhang sunod-sunod na lumalandas sa kanyang pisngi. “So, gano'n nalang? After you f**k me and impregnated me? Ang gago mo sa totoo lang! At ang tanga ko din dahil nagtiwala ako sa'yo! Yes, I'm guilty, I don't deny it pero pareho nating ginusto 'to Knoxx! So, who the hell are you to say those kinds of words? We've been for almost five long damn years! We love each other. Minamahal natin ang isa't-isa kahit bawal, dahil sa mga mata ng mga magulang natin, hindi tama. We've been through so many trials. Hindi tayo bumitaw, at ngayon na buntis ako, saka mo ako iiwan sa ere? Ang galing mo naman!” Natatawa ngunit naiiyak niyang wika. Walang boses siyang naririnig sa kabilang linya, subalit hindi nakaligtas sa panindig niya ang mabibigat nitong paghinga. Parang nabibingi siya sa bawat buga ng hangin nito na siyang umiiging sa tenga niya kung saan nakatapat ang kanyang cellphone. Naiiling siyang humugot ng hininga. Inayos niya ang kanyang sarili bago tuwid na tumayo. Nagmatapang siyang humarap sa salamin at tuwid na tinititigan ang sarili. “Love…” Mahinang tawag nito sa kanya. Awtomatikong naningkit ang kanyang mga mata. Kung dati kinikilig siyang marinig ang gano'ng kataga ngayong galit ang pumalit. Umiling-iling siya habang nakangisi na pinagmamasdan ang sarili sa salamin. “Love your ass! f**k you, Knoxx Alastair! You have no balls! Gago ka, tarantado at duwag!” Sunod-sunod niyang anas at saka pinatay ang tawag. Nagagalit siya at tila nababalutan ng kung anong maitim na hangin ang kaisipan niya dahil bigla niya na lang nilagay sa sink ang cellphone niya at saka pinatustusan ng tubig. Pinagmamasdan niyang malunod iyon sa umaangat na tubig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
315.0K
bc

Too Late for Regret

read
319.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
145.1K
bc

The Lost Pack

read
438.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
153.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook