FIVE YEARS LATER…
Five years have passed since that fateful night. Gemini's world crumbled, but life had to go on. Gemini is now twenty-five, a single mother living in a small apartment with her four-year-old daughter, Avery.
Nagtatrabaho si Gemini sa Allegra Events, a prestigious event planning company in the city. She's determined to give Avery the best life possible, despite the struggles.
Lahat kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang trabahuin para lang maibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan ng kanyang anak. It's been five years at sa limang taon na lumipas, kinaya niyang mabuhay ng siya lang ang nagtatrabaho. To pay her bills? Yes. To buy what she wants? Of course. To give everything that her daughter needs? Possible and yes.
Minsan tumatawag sa kanya ang kanyang Ina pero tanging okay lang ang palagi niyang sinasabi. Kahit ang Ina niya, walang alam sa anak niya. Kahit sino, hindi niya ipinaalam. It's forbidden and the fruit of their sins need to hide pero hanggang saan niya kayang itago ang katotohanan?
Lumalaki na si Avery at habang nagkaka-isip na ito, mas lalong lumalawak ang pagkakaintindi ng bata. Minsan na silang nag aangilan pero palaging balang-araw lang ang bukambibig niya.
Maliit ang mundo at bilog pa ito. Hindi niya masasabi kung kelan at kung saan sila magkakabanggaan ni Knoxx and while she tries to hide every secret she has, there's no possible way.
Maliit lang ang Cebu at ngayon na nagkaroon siya ng pagkakataon na malaman ang balita tungkol kay Knoxx, mas lalo siyang nangangamba.
And about Knoxx Alastair? He's now a powerful businessman, CEO of Alas Enterprises. His dad's company is thriving, but at what cost? He's always been driven, but lately, something's missing.
May kung anong kulang pa rin sa kanya. Na kahit anong gawin niya sa pera at yaman na meron siya, he is not fully happy. He is not complete, and that's the best word to emphasise his yearnings and sense of incompleteness.
Abala siya ngayon sa pagbibihis kay Avery dahil isasama niya ito sa opisina. May biglaang meeting na gaganapin sa Allegra building. Di umano may isang big client na kumuha sa kanila para mag organizer ng events.
“Hello, Gem, where are you? Konting minuto na lang at darating na ang kliyente natin!” Si Abby, right hand niya sa bawat proyekto na ginagawa nila.
In-on niya ang loudspeaker ng kanyang cellphone habang tinatali ang buhok ni Avery.
Kinagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya maiwasan na mataranta. It was a big project at once in a lifetime lang siya papaldo at pakiramdam niya, ito na ‘yon.
Tumingin sa kanya si Avery mula sa salamin na kaharap nilang mag-ina. Halatadong konektado rin sa anak niya ang katarantahan niya.
Then, Avery's eyes landed on her phone.
“Ninang, Abby, paki-wait niyo na lang po kami ni Mama. Huwag niyo naman po pag madaliin si Mama. She's only one at nandito pa akong anak niya na kailangan niyang intindihin po.” Ani Avery sa kabilang linya.
Gulat na gulat siya sa narinig niya. Nagtimpi siya na huwag mairita dahil kung minsan talaga, bigla na lang umaatake ang pagiging pilosopo ng anak niya.
Sa kabilang linya, narinig niya kung paano natawa si Abby.
“Oo nga pala. Nakalimutan ko na nandiyan pala si Avery, ganda. Sorry na po… Heto po, wait na lang po namin dito si Mama mo..”
Humagikhik si Avery na para bang, kilig na kilig pa sa narinig nito.
“Thank you, Ninang, Abby! We're there in five minutes!” Ani Avery.
Napailing na lang siya pagkatapos niyang tingnan sa salamin ang anak niya.
“Mama..walking distance lang naman po dito sa apartment natin ang office mo. Pwede po tayong maglakad kung gugustuhin pero dahil nagmamadali tayo, we can ride at taxi or grab po. Hindi mo po kailangan mag madali.” Then a glimpse of a smile forms on Avery's face.
Awtomatikong napawi ang nararamdaman niya na kung ano. Hindi naman sa tinatanggi niya pero talagang masasabi niya kuhang-kuha ni Avery ang pagiging bossy at pilosopo ng ama nito.
Hindi niya iyon ipagkakaila.
Dahil simula ng highschool siya at nag college, palagi niyang kasama si Knoxx. He knows Knoxx so very well. Limang taon rin silang magkarelasyon. Kahit ang mga hindi gusto at gusto ni Knoxx ay alam na alam niya. Lahat ng mga kinatatakutan at kahinaan nito ay alam niya.
Sa totoo, isa siya sa mga kahinaan ni Knoxx pero hanggang ngayon, tinatanong niya pa rin ang kanyang sarili kung bakit nagawa ni Knoxx na hindi siya panindigan at samahan sa laban na dapat silang dalawa ang haharap.
She cupped Avery's face. At sa puntong iyon, kitang-kita niya kung gaano kaganda ang anak niya. Kaso, mas lamang ang hawig nito kay Knoxx kumpara sa kanya. Di hamak na mas nakuha ni Avery ang mala-singkit na mga mata ni Knoxx. Given that Avery is Knoxx’s spitting image, it's likely her angel face contrasts with Knoxx's darker, more intense personality.
Bigla rin sinapo ni Avery ang mukha niya. Halos dumikit lang sa mukha niya ang kyut na mga palad nito.
Napangiti siya habang tinititigan kung gaano kaganda ang anak niya pero habang tumatagal ang paninitig niya sa mga mata ni Avery, mas lalo lang lumalabas ang imahe ni Knoxx.
Lumunok siya staka mabilis itong hinalikan sa labi.
“Bawas-bawasan ang kadaldalan, okay? I love you!” Aniya sa anak.
Inosenteng tumango si Avery staka kinagat ang mapula-pulang bibig.
“I will, po. I love you more than you love me, Mama!” Matamis na ngiti ang ipinataw nito sa kanya pagkatapos sabihin ang pinakamatamis na kataga.
Tama si Avery, in five minutes, nakarating agad sila sa Allegra Events building.
Pagkababa pa lang nila ng taxi, sinalubong agad sila ni Abby. Binuhat nito si Avery pagkatapos mag bless ng bata.
“Binago nila ang meeting place. Mas favorable at convenient sa kanila kung sa Alastair Enterprises pag-uusapan ang agenda..” Imporma ni Abby.
Alastair Enterprises…
Hindi siya nabibingi at hindi rin siya pwedeng magkamali. Alastair Enterprises, Knoxx handled company.
Sinong taga Cebu ang hindi makakakilala sa maingay at sikat na kompanyang iyon!
Nag-isang guhit ang mga bibig niya at kasabay niyon ay ang pagbaling niya kay Avery na walang kamuwang-muwang sa usapan nila.
“Then let's go.” Matapang niyang sabi, hindi man lang nagdalawang isip sa desisyon niya.
Kaagad na ngumisi si Abby, walang kaalam-alam kung ano ang nasa isip niya.
Kunsabagay, kahit sa opisina nila at ni kahit sinong katrabaho niya, kahit si Abby pa ito, ay walang alam sa kung sino siya at kung ano ang nakaraan niya.
Gamit ang company car, si Abby ang nagmamaneho papunta sa Alastair Enterprises. Nasa likuran si Avery at siya naman ay nasa fronseat. Avery is busy with her tablet, watching some educational movies while eating biscuits.
Pagkatapos niyang tingnan ang anak, napaisip siya sa kawalan. What if…magkita silang mag-ama mamaya? Posible iyon at sa isiping ‘yon, mas lalo lang siya nakakaramdam ng takot.
Hindi siya takot na makita si Knoxx. Mas natatakot siya na makita nito ang anak niya na anak rin nito.
Naramdaman ni Abby ang katahimikan niya kaya napabaling ito sa kanya matapos makipagsagupaan sa traffic.
“Tense?” Anito.
Agad na naagaw ang atensyon niya.
Umiling-iling siya saka ngumisi.
“Hindi. Iniisip ko lang na sana ma-close ko agad ang deal. Papaldo tayo kung sakali mapunta sa atin ang project na ‘yon.”
“Sus, ang isipin mo, kung sa iba sila nag inquire–mas lalong walang pag-asa na pumaldo tayo. Staka…you know the drill. Ikaw ang front face ng Allegra. Pinagkakatiwala na sa'yo ni Boss Xander lahat-lahat so be yourself. Huwag kang nega diyan!”
Bumuntong hininga siya para lang ilabas ang namumuong katanungan sa isip niya. Hindi siya pwedeng maging komportable o ipagsawalang bahala ang kakayahan niya dahil hindi niya naman talaga masasabi kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat kung si Knoxx na ang kaharap niya mamaya.
“Ikaw na muna ang bahala kay Avery.." Bilin niya bago sila bumaba ng sasakyan.
May pagtataka siyang tiningnan ni Abby ng makababa na rin ito. Usually, every meeting they have, kasama niya palagi si Avery at nasa tabi niya lang ito kaya ngayon na ibinilin niya ito kay Abby, pagtataka ang namuo sa mukha nito.
“Baka kasi umandar ang kadaldalan niya mamaya. Alam mo naman kung gaano ka respetadong tao ang kakausapin natin kaya mas mabuti nang sa'yo na lang muna siya.” Segunda niya.
Gets naman agad nito kaya inakay na ni Abby si Avery habang papasok sila ng Alastair Enterprises.
Her boss assigns her to lead the project. Kailangan mapahanga niya ulit si Xander hindi dahil wala itong tiwala sa kakayahan niya kundi gusto niya lang ipakita na kahit sa ganitong klaseng sitwasyon, kaya niyang i-close ang deal ng proyekto niya.
When they arrived at the high-rise building of Alastair Enterprises for their first meeting, Charlotte welcomed them. Pinapasok sila sa isang magarang meeting room.
Bumungad sa kanila ang isang malapad na flat screen TV. Buhay ito pero tanging logo ng produkto ang nakadisplay. Alastair Enterprises is giving a fresh twist to their crown jewel, Dried Mango Empire, as they undergo a major rebranding effort.
Kung paulit-ulit niyang ipapaliwanag sa mga kakilala niya, hindi naman kabawasan sa kanya na sabihing sikat talaga sa Cebu ang produkto ng mga Cabrera. Kahit noon pa man, kahit sa Maynila, sikat rin ito. Mas lalo na sa Cebu kung saan nagsimula ang business ng angkan ni Knoxx.
Marahan siyang umupo sa upuan na kahoy ngunit pwede na siyang manalamin dahil sa kinis ng furniture na iyon. Bahagya siyang napatuwid ng lumapat ang pang-upo niya sa upuan ng maramdaman ang lamig ng kahoy na nagmula sa buga ng aircon.
Sa gilid niya, isang upuan ang bakante mula sa kinauupuan ni Avery at Abby. Sa kabilang direksyon na halos kaharap niya lang umupo si Charlotte.
Ang tahimik ng buong kwarto at kung hindi lang dahil sa ugong ng aircon, mabibingi siya sa dagundong ng kanyang dibdib.
“By the way…I'm Charlotte, Mr. Cabrera's secretary.” Pakilala ng babae, ni hindi man lang umabot sa tenga nito ang ngiti na ginawa.
Para maging pormal, tumayo siya saka ipinakilala ang sarili. “I’m..Gemini Alcantara, event coordinator of Allegra Events.” Sabi niya saka naglahad ng kamay. Mataray na inabot ni Charlotte ang kamay niya at saglit na nakipag-shake hands. “And she is Abby Milandro, my assistant secretary,” pakilala niya kay Abby na ikinatayo nito saka inabot ang kamay ni Charlotte.
One shakes hands and then ends the conversation.
“Pakihintay na lang si–oh, Mr. Cabrera is here!” Biglang anunsyo ni Charlotte kaya halos manigas siya sa kanyang kinatatayuan ng idapo niya ang paningin sa lalaking naglalakad papasok ng meeting room. Abala ito sa hawak na cellphone at tila kabisado na ang bawat dinadaanan hanggang sa marating nito ang trono ng hindi man lang sila tiningnan.
Right there, Knoxx stood tall at the head of the table, his suit sharp as a razor, his piercing gaze commanding attention, and exuding an aura of absolute authority when they locked each other's eyes.
Biglang nag-iba ang buga ng aircon. Pakiramdam niya, parang nasira ang makina dahil binabanas siya!
Knoxx's face goes cold, then...raw when he lands his gaze on her. Biglang sumikip ang dibdib niya, naghahanap ng sapat na hangin para makahinga ulit ng maluwag.
Pinagpawisan ang mga palad niya kaya kinailangan niyang iikom ang mga kamay.
“G-good morning, Mr. Cabrera..” Si Abby. Nanatiling siyang nakatayo, hindi alam kung ano ang uumpisahan.
Nakita niyang tumango si Knoxx kay Abby pero parang dumaan lang iyon sa paningin niya. Kahit ang paglapit ni Charlotte kay Knoxx ay parang imahinasyon lang para sa kanya.
Pinilit na tumikhim ni Abby, agad na naagaw ang diwa niya.
Binalingan niya si Avery na tahimik lang ito habang nanonood sa tablet.
At ng ibalik niya ang atensyon kay Knoxx, nanumbalik ang kaba niya, naging pipi at hindi na ulit alam ang gagawin.
Pinilit niyang labanan na hindi lamunin ng kumunoy. She stands straight, tapos nilahad ang kamay sa harapan ni Knoxx. “I’m..Gemini Alcantara, the event coordinator of Allegra Events…”
Knoxx's gaze lingers, like he's seeing her for the first time in years. Parang mas pinipilit nito na tingnan siya na para bang…sila lang dalawa ang nasa loob ng kwartong iyon.
Ilang segundo ang dumaan ng bumalik ang diwa ni Knoxx. Patay malisya itong ngumisi saka inabot ang kanyang kamay. One touch of him, bumalik lahat ng alaala nila noong nakaraan. Isang lapat lang balat nito sa palad niya, awtomatikong gumapang sa kaibuturan niya ang lahat ng saya–sakit. Nagtimpi siya at pilit na itakwil ang namumutawi sa kalooban niya.
Knoxx's gaze lingered on her, his smile a slow burn. "Nice to meet you...Ms. Alcantara. I've heard you're the best event coordinator in the business, Ms Alcantara. But I've also heard you're a bit... unorthodox."
Her lips curved into a sly smile. Patuloy na magkahawak ang mga kamay nila. "Depends on who's judging, Mr. Cabrera."
Knoxx chuckled, low and husky. "I'll be judging, Ms Alcantara." The air thickened, and both of them locked in a silent challenge.
Kryptonite is back. Knoxx's presence is intimidating, like he's pulling her into a storm she barely survived.