Hindi niya kinakaya ang tensyon. Saglit siyang nag paalam para pumunta sa washroom to wash away the tension between the two of them.
Limang taon silang hindi nagkita. Limang taon na puno ng poot ang puso niya dahil sa mga nakaraan niyang pilit niyang tinatakasan pero ngayon, kahit wala pang isang oras ng muli silang magkita ni Knoxx, parang kasing bilis lang din ng hangin para tangayin ang mga hinanakit niya.
Nanlalambot siya. Pero sa likod ng nararamdaman niyang kakaiba, pinipilit niyang ibalik ang galit sa lalaki.
Nagkukumahog siyang hugasan ang kanyang kamay na hinawakan ni Knoxx. Parang may nakakahawang sakit ito para sabunin niya ng sabunin ang mga kamay para mawala ang kahit anong dumi na nanggaling sa lalaki.
Pagkatapos niyang banlawan ang mga kamay, nanatili siyang nakatayo, kaharap ang salamin.
Pinagmasdan niyang mabuti ang repleksyon niya sa salamin.
Maganda siya. Bagay sa kanya ang simpleng make up na palagi niyang kinokoloreto sa kanyang mukha. Ang kanyang mga pilik matang malalantik, hindi ito natinag ng gamitan niya ng clip curler kanina. She has beautiful round eyes. Bumagay sa mga mata niya ang makapal niyang kilay na tila sumibol ng nasa ayon. Her jawline is screaming how beautiful she is. She has pouty lips. And lastly, her pointed nose that suits her.
Inayos niya ang kanyang bangs. Nilagay niya sa dating ayos nito. Hindi naman magulo ang buhok niya pero sinuklay-suklay niya pa rin ang mga nakalaylay.
Huminga siya ng malalim. “Si Knoxx lang ‘yon, hindi siya artista para kabahan ka!”
Hinayaan niyang sermonan ang sarili bago lumabas ng washroom.
Paglabas niya, gulantang ang namuo sa mukha niya ng makita niya si Knoxx na tila inip na inip nang nakatayo sa labas ng washroom.
Natigilan siya at pansamantala na namang hindi makahinga.
Bwesit. Nagpapaapekto na naman siya eh kakasermon niya lang sa sarili.
Knoxx's gaze lingered all over her body.
Lihim siyang napakislot dahil sa mainit na paninitig nito sa kanya. Ibang-iba na ito kumpara noon. Pero kunsabagay, limang taon ba naman na hindi siya nito nakita.
Nakita niya kung paano nag taas baba ang Adams apple nito.
“Did you always look this hot?” May diin na sabi sa kanya ni Knoxx, halatadong hindi nagugustuhan ang nakikita ngayon.
“Huh? What…do you mean?” Balik tanong niya dahil bakit hindi? Hindi niya ito maintindihan dahil kung siya ang tatanungin, palagi siyang nakasuot ng pormal lalo na kapag may kikitain siyang kliyente.
“I didn't know that you were the coordinator that Xander told me. Is he your boyfriend?”
Matabang nitong sabi. Labag sa loob at parang nang uuyam.
Hindi niya alam kung bakit sinasabi nito sa kanya ngayon gayong hindi naman tungkol sa kanya ang pinunta niya rito. At staka anong konek sa mismong agenda nila?
Tiningnan niya ang paligid. Nang makitang wala namang ibang tao, saka niya ibinalik ang atensyon kay Knoxx na masakit pa rin ang tingin sa kanya.
“Sa pagkakaalam ko, hindi personal na buhay ko ang pag-uusapan natin, Mr. Cabrera. I'm not here to talk with you about my personal life. Nandito ako para isarado ang deal para sa annual gala ng company mo.” May halong kapilosopohan ang sinabi niya.
Mas lalong nag-iba ang aura ni Knoxx. Kitang-kita niya iyon lalo na nung umigting ang mga panga nito.
Knoxx moves forward. Napaurong siya hanggang sa hindi niya namalayan na nakapasok na siya ulit sa washroom dahil nakabukas pa rin ang pintuan.
Huli na ng makaangil siya dahil naisara ni Knoxx ang pintuan ng ganun kabilis.
Knoxx corners her with his hard arms while she is pinned against the wall.
Namilog ang kanyang mga mata habang pinakikiramdaman ang iritasyon na umuusbong sa kanyang kalooban.
“Five years, Gemini.. But damn, you are still beautiful and fúcking hot.” May diin na sabi nito. Hindi niya alam kung papuri ba iyon o pambabastos.
Para siyang narindi kahit medyo mahina naman ang pagkakasabi nito.
Masakit niya itong pinantayan ng tingin.
And through his eyes, kitang-kita niya ang repleksyon niya doon. Matapang at hindi umuurong.
“Limang taon rin Knoxx, pero ganun ka pa rin! You are still the old you. Walang pinagbago, walang pagbabago ang lumalabas sa bibig!”
“Anong namamagitan sa inyo ni Xander? Who the f**k is he in your life, Gemini?!” Ngayon, galit na ang tono na lumabas sa bibig nito. Unti-unti na ring namumula ang mukha nito at tila nagpipigil lang na hindi bumuga ng apoy.
“He is my boss, and that's all, Knoxx! Walang namimigitan sa amin!” Depensa niya kahit hindi naman dapat.
Sa totoo lang, wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Xander. Xander is only his boss. Simula ng maging front face siya ng Allegra Event's, mas lalong naging malapit ang loob niya kay Xander pero hanggang doon lang ‘yon. Mabait sa kanya si Xander lalo na sa anak niya pero binabalik niya lang din ang kabaitan na pinapakita ng kanyang boss kahit pa alam niya na matagal ng nanliligaw ito sa kanya.
“So if he's just your boss, why does he keep making himself sound like you are his. Is he compensating for something?” Naniningkit ang mga mata na sabi nito.
“Ano bang paki-alam mo?” Mariin niyang sabi, ngunit may timpi sa boses niya.
Nasa teritoryo siya ni Knoxx at ayaw niya na mabalitaan niya na lang na top issue na pala siya dahil lang sa nangyayari sa kanila ngayon.
Nakuha niya ang galit nito kaya mas lalo siyang dumiin sa dingding ng kusa itong lumapit sa kanya.
Halos magtama ang tungki ng kanilang mga ilong. Nagsilbing hangin niya ang bawat hininga nitong ibinubuga. Para siyang naduduling dahil sa tindi ng lapit nilang dalawa.
“You left me…” Halos kapusan ito ng boses.
So, iyon ang dahilan kung bakit nayayamot ito?
Umikom ang mga kamay niya dahil sa galit ng maalala ang nakaraan nila.
Kung pipilitin niya na buksan ang nakaraan, may posibilidad na maungkat ang tungkol sa dinadala niya noon na naging dahilan kung bakit niya ito iniwanan. Ayaw niya na malaman nito ang tungkol kay Avery. Ayaw niya dahil paano kung basta nito kunin sa kanya?
“Paalisin mo na ako dito.. Hindi tungkol sa atin ang ipinunta ko dito kundi trabaho, Knoxx. At staka..wala ng tayo, matagal na, so don't talk about us anymore because I've forgotten you for a long time.”
“I will let you go pero pagkatapos ng meeting natin, mag-uusap pa rin tayo, Gemini. I won't let you close the deal without talking about us. Nasa akin pa rin ang desisyon.” Nang-uuyam na sabi nito saka siya binigyang daan para makalaya sa mga bisig nitong nagkulong sa kanya.