Umaga ng first anniversary namin ni Gelo ay nag-iwan ako ng message sa kanya at nakangiting nag-stretch para makapaghanda ng maaga sa pag-alis namin mamaya papunta sa beach kung saan ko napiling mag-celebrate kami ng anniversary. Hindi naman ‘yon masyadong malayo dito kaya mamayang before lunch pa kami aalis dahil may mga kailangan pa s’yang tapusin sa opisina. Two days and three nights kaming mawawala kaya kahit ako ay inayos na ng maaga ang mga dapat kong ayusin sa mga susunod na araw para kapag bumalik ako ay hindi mahihirapan si Kira. “Wala pa si Engineer?” Napalingon ako sa tanong ni Ate Mira na kakarating lang kasama ang mga anak. Sa totoo lang ay kanina pa ako nag-aabang ng message n’ya kung male-late s’ya ng dating dahil kadalasan ay hindi naman s’ya nale-late sa usapan. Madalas

