“Okay lang ba sa kanila na uuwi ka na?” Curious na tanong ko kay Gelo nang tabihan n’ya ako sa likod ng sasakyan n’ya. Kanina pa nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa pinagawa sa akin ni Architect Siobeh. Kung alam ko lang na gano’n ang balak n’yang gawin ay baka hindi ako pumayag! Nakakahiya! Baka isipin pa ni Gelo ay inaakit ko s’ya kaya ako nagsend ng gano’ng picture! “Of course. Why would they mind? Don’t worry about them, hmm?” sagot n’ya at humilig palapit ng todo sa akin at hinalikan ako ng mariin sa gilid ng labi. Nilingon ko s’ya nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso n’ya sa bewang ko. “Anong dinahilan mo sa kanila?” tanong ko pa dahil nagsisimula na akong mailang dahil panay ang halik n’ya sa akin. “I told them I’m tired. I wanna call it a day,” sagot n’ya at humalik

