Maingay na sa table nila Gelo dahil kanina pa sila nagsimulang mag-inuman. Okay lang naman sana ‘yon kung wala lang si Lexie sa table nila! Nag-iisa s’yang babae doon kaya hindi ko mapigil ang pandalas na pagsulyap sa table nila. At dahil nagyaya din si Architect Siobeh na uminom ay nasa isang round table kami malapit sa pool kasama si Engineer Mijares na willing din naman yatang uminom kasi nang yayain ni Architect Siobeh ay hindi naman tumanggi at tumango lang. “Hindi ka pa po yata kumain, Engineer Mijares. Gusto mo bang ikuha kita ng pagkain–” Agad na umiling s’ya at saka tipid na nginitian ako. “What’s your name? Ang alam ko lang girlfriend ka ni Gelo,” nakangiting tanong n’ya kaya nahihiyang ngumiti ako bago sumagot. “Ah… Mitz po…” sagot ko. Tumango s’ya. “Mitz pala,” komento n’y

