Pagdating namin sa bagong bahay ni Architect Sven ay halos magkakasunod lang ang mga sasakyan ng mga kaibigan nila na nagsidatingan. Sabay-sabay na lumabas sa isang sasakyan ang magpinsang sina Vaughan Montecarlo at Triton Aldana. May isa pa silang lalaking kasama na mukhang kaedad lang ni Damon. Agad na nagbilin si Vaughan sa mga bodyguards n’ya at pinauna na ang dalawang kasama para makasabay sa amin papasok. Napatingin ako kay Gelo dahil mukhang pinag-usapan talaga nilang mag-iinuman sila ngayong gabi dahil kahit si Triton ay walang dalang sasakyan at mukhang sasabay lang kay Vaughan sa pag-uwi! “You’re here too, Axel?” narinig kong bati ni Gelo sa lalaking kasama nila Triton. Muntik ng mamilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi n’yang pangalan. Axel? Hindi kaya ito iyong kaibiga

