“So, pumayag si Kuya sa long engagement na gusto mo?” Nag-angat ako ng tingin kay Kira nang lumapit s’ya sa table ko at nakapameywang na ibinaba ang results ng exams ng mga applicants sa foundation. Tumango ako. “Pumayag pero parang hindi,” nakangiwi kong sagot nang maalala ang reaksyon ni Gelo noong sinabi ko ‘yon sa kanya. “Mukhang gusto na yata ng Kuya mo na magka-baby…” sambit ko at agad na nag-init ang mga pisngi nang tumawa si Kira. “Baka naiinggit sa mga friends n’ya!” natatawang komento n’ya. “Besides, our Dad has been bugging him these days. Alam mo na! Ayaw maputol ang lahi!” nakangising habol n’ya pa bago bumalik sa sariling table. Napalunok ako at naisip ang sinabi ni Kira. Hindi kaya napepressure na si Gelo kaya panay ang yaya sa akin na magpakasal? Pero kasi… hindi pa nama

