“Mahal ko–” “Go back to your game, Damon. I don’t wanna talk to you!” singhal ni Kira kay Damon pero hindi nagpapigil si Damon at tinabihan s’ya sa couch at agad na niyakap. “Ano ba! Don’t touch me!” reklamo ni Kira habang hinahawi ang braso ni Damon. “I’m sorry. I thought you’re streaming your favorite korean drama tonight, that’s why I decided to play…” nagkakamot sa pisngi na paliwanag ni Damon. Tumayo ako at iniwanan sila doon at saka nilapitan si Gelo na tahimik lang na pinapanood akong lumalapit sa kanya. “Ikaw…” nanliliit ang mga matang sita ko sa kanya nang tuluyang makalapit. “I already warned her not to barge in every weekend. She’s not listening to me…” sabi n’ya at pasupladong umingos kaya hindi ko alam kung matatawa ako o ano. “Ah… kaya tinawagan mo si Damon para sundan s

