“Pumili ka na. Saan sa mga beach na ‘to ang gusto mo?” Napalingon ako kay Gelo na mukhang hindi naman nakikinig sa sinasabi ko at mukhang mas nagcoconcentrate pa sa ginagawang pagyakap sa akin mula sa likuran. Kakatapos lang naming magdinner kahit na panay ang reklamo n’ya dahil nabitin kanina! Paano naman akong makakapagconcentrate sa gusto n’yang gawin namin kung ang isip ko ay nag-aalala na baka malipasan na naman s’ya ng gutom at mauwi na naman sa hospital! Kaya kahit na halos hubad na kami pareho kanina ay pinatigil ko muna para makakain na muna s’ya. At ngayon ngang tapos na kaming kumain at sinabi ko sa kanya ang gusto kong lugar kung saan kami magcecelebrate ng first anniversary ay nagrereklamo pa rin s’ya. “Let’s just go back to Japan for our first anniversary. You told me you

