Bandang hapon ng Sabado ay sinundo ulit ako ni Gelo sa bahay. Buong maghapon yata s’yang tulog dahil mukhang hindi nakatulog sa pad kasama ang mga kaibigan n’ya. Ngayon ay galing s’ya sa condo unit n’ya sa Young Bucks Society building na exclusive lang sa mga member ng club. Doon na s’ya madalas umuwi mula noong palaging umaalis papunta sa ibang bansa ang Daddy at Mommy n’ya. Si Kira naman kasi ay palaging sa condo n’ya din umuuwi at minsan ay kay Damon kaya walang kasama si Gelo sa bahay nila kaya doon na sa YBS building naglalagi. Mas malapit din ‘yon sa LEF na s’yang naging advantage sa kanya dahil madalas ay ginagabi na s’ya sa pag-uwi. “What did you do today?” usisa ni Gelo nang magkahawak-kamay kaming sumakay sa elevator ng YBS building paakyat sa unit n’ya. “Naglaba lang at natulo

