Chapter 4

2216 Words
[LAVENDER] Pagkatapos nila mag-usap ng kuya niya ay agad niyang pinuntahan si Sienna upang makapaghingi ng tawad dito. Naabutan niyang si Sienna ang naghuhugas. Hinintay lang nitong matapos sa paghuhugas para makapag-usap sila ng maayos. *** [SIENNA] 'LaLaLa' 'LaLaLa' Kanta ni Sienna habang hinuhugasan ang huling plato at inilagay sa lagayan na patuyuan. Nang matapos na si Sienna ay aalis na siya sa kusina para ituloy ang paglalaba. Ngunit paglingon niya ay laking gulat niya nang makita niya si Lavender na nakatayo sa may pinto ng kusina. Wala siyang nakikita na kung anong balak na masama sa kanya. Hindi rin ito mukhang galit. Yumuko siya upang hindi makita ang mukha nito at naglakad palabas ng kusina ngunit bigla siyang tinawag nito ng makalagpas na siya sa dalaga. "Sienna.", tawag nito sa kanya. Lumingon siya dito. Hindi pa rin siya makatingin. Nadala na siya dito sa mga ginawa nito kaya naman ay iiwas na siya at baka saktan na naman siya nito. "M-mam Lavender m-may kailangan po ba k-kayo?", pilit na inaayos ang pagsabi ni Sienna. "Wala naman. Gusto ko lang magsorry sa lahat ng ginawa ko sayo. Sorry dahil muntik ka pang mamatay ng dahil sakin. Naiinis ako dahil mabait si daddy sa inyo. Lalo ka na dahil ako puro sermon nalang ang inabot ko. Naiinggit ako dahil hindi man lang niya napapansin ang mga ginagawa ko.", wika nito sa kanya. Bigla siyang napatingin dito. Ang isang katulad ni Lavender ay humihingi ng tawad sa kanya? Parang hindi siya makapaniwala pero ayaw niya na magpadala dito. "I... I mean it, Sienna. Totoo na humihingi ako ng tawad. I-I know how stupid I did to you but now, here I am... saying sorry to you.", sinseridad na wika nito sa kanya habang nakataas pa ang isang kamay na parang nanu-numpa. "O-Okay lang p-po. H-Hindi ko naman p-po a-alam na n-nagkakaganon ka p-po pala d-dahil wala sa iyo ang a-atensyon ng d-daddy mo p-pero ang t-totoo a-ay may paki-alam s-siya s-sa iyo. M-Mahal ka p-po ng d-daddy mo... K-Kaya m-mahal siya ng m-mga taong nasa p-paligid niya ay d-dahil sa k-kabutihang i-ipinapakita niya sa mga tao. K-Katulad mo, g-gusto niya ka l-lang protektahan d-dahil siguro sa n-nakikita niya na ibang p-pag-uugali mo ay s-sinesermonan ka. P-Para iyon sa ikabubuti mo at d-dapat kilalanin mo muna ang isang tao. H-Huwag mong tignan kung anong e-estado p-pero kung ayaw niya sa iyo ay h-hayaan mo nalang d-dahil marami pa naman ang makikilala mo.", pahayag niya dito. Ngumiti ito sa kanya at lumapit. Nagulat siya ng hawakan nito ang dalawang kamay niya. "Thanks Sienna. Sorry talaga...", naka-ngiting sabi ni Lavender, "So friends?" At mas hindi niya inaasahan ay gusto pa siya nitong maging kaibigan. Hindi naman siya mapagtanim ng galit kaya naman ay tinanggap niya na ito. "Friends." Naka-ngiti din sabi niya dito ngunit nawala din ang ngiti niya at napalitan ng lungkot ng maalala nito ang mga kaibigan ni Lavender. Iniisip niya na pag nalaman ito ng mga kaibigan niya ay baka matamahin siya ng mga ito. "What's wrong, Sienna?", tanong ni Lavender. Kita niya dito ang pag-aalalang mukha ni Lavender. Naninibago man siya ngunit sa isang katulad ni Lavender ay marunong din pala itong mag-alala. "A-Ano... N-Naalala ko kasi iyong mga kaibigan mo. Baka matahin ako.", saad niya. "Huwag kang mag-alala. Mabait sila. They won't bite you. Minsan dalhin ko sila ulit dito.", aniya nito. Bigla naman nawala ang pag-alalang nara-ramdaman niya. "Hmm... By the way. Can I call you Ate Sienna since you are 3 years older than me? Is it ok with you?", tanong ni Lavender. "Oo naman. Masaya ako kasi may tatawag na ulit sakin na ate.", sagot niya dito ngunit nalungkot na naman siya ng maalala niya ang mga kapatid, "Matagal na kasi na hindi kami nakakauwi sa probinsya. Nami-miss ko na rin ang mga kapatid ko." "Ganun ba? Ako muna ang little sister mo ngayon. Huwag ka na malungkot. Smile na, ate. Makikita mo rin ang mga kapatid mo, soon.", nakangiting sabi ni Lavender, "Nakalimutan kong sabihin... Lahat kayo i-invite ko sa birthday ko." Nagulat siya sa sinabi nito dahil pati silang kasambahay ay inimbitahan ngunit isa lang naman silang mahirap na makikisalo sa mga mayayaman. "Naku, hindi na. Isa pa, isa lang naman kaming kasambahay at hahalo pa kaming mahihirap sa birthday mo. At isa pa, kung iimbitahin mo kami ay walang mag-aasikaso sa mga bisita.", dahilan niya dito. Natawa naman ito sa kanya, "Don't worry, Ate. Akong bahala." Ano pa ba ida-dahilan ko? Alam ko na! "Salamat talaga, Mam Lavender pero pag nalaman ito ng mommy mo. Kami ang mala-lagot sa kanya. Isa pa, wala kaming mga magagandang damit na susuotin.", dahilan niya pa. "As I've said, don't worry. Sa gabing iyon ay hindi kayo mapapansin ni mommy. Ang pa-pansinin lang niya ay mga kaibigan niya. At huwag ka mag-alala sa susuotin niyo. Bukas na bukas ay mamimili tayo.", excited na sabi nito. Bigla niyang na-isip na wala siyang pambili dahil hindi sapat ang pera niya. Bawat sahod nila ng Inay Sonia niya ay pinapadala nila sa mga kapatid niya para sa pag-aaral at pagkain ng mga ito. "P-pero w-wala akong pambili ng magandang damit.", Nag-aalalang sabi ni Sienna. "Don't worry ate. Ako na rin ang bahala.", Sabi ni Lavender. Wala na talaga siyang magawa at pumayag nalang. Matapos ng kanilang pag-uusap ni Lavender ay naglaba muna siya. Nang matapos naman siya ay pumunta na siya sa maid's quarter. At saktong nandito sina Nay Sonia at Liling. "Anong nangyari? Bakit ganyan mukha mo? Bakit naka-ngiti ka?", tanong ni Liling sa kanya. "Kasi nagka-usap kami ni Mam Lavender. Humingi siya ng tawad sa akin tapos inimbita tayo niya sa birthday niya bukas.", saad niya dito. "Sus... Naniwala ka naman dun. Baka may binabalak talaga 'yun. Nakatago lang sungay nun.", inis na sabi ni Liling sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Bigla na naman siyang napa-isip. Bigla na naman ay tila bumalik ang kanyang pangamba. Hindi ko na-isip iyon. Baka ipahiya niya lang kami. "Hindi pa huli ang lahat, Sienna. Tumanggi ka na ngayon.", wika pa nito. "Anak, tama si Liling. Huwag kang magpadalos-dalos. Lalo na't maraming mayayaman bukas.", sang-ayon ng ina kay Liling. Biglang nalungkot na naman siya, "S-Sige po. Kaka-usapin ko siya ngayon." Lumabas siya ng kwarto at hinanap si Lavender. Napagpasyahan niya na pumunta sa kwarto nito. 'TOK' 'TOK' 'TOK' Bumukas ang pinto at kita niya sa mukha ni Lavender ang pagkagulat. "Ate? Halika, pasok ka.", anyaya nito sa kanya at pinapasok siya. Nang makapasok na siya ay namangha siya sa loob kwarto nito. Hindi pa siya naka-kapasok sa kwarto nito dahil ang naglilinis dito ay si Liling. Mayroon itong queen size bed na ang sapin ay kulay light pink na ang nasa gilid nito at ay ang side table na may lampara at cleopatra sa harap ng kama niya. At dalawang single couch sa harap nito at pagitan nito ang maliit na bilog na lamesa. "Ate? May kailangan ka?", nag-aalalang tanong nito sa kanya habang umupo sa cleopatra. Umupo siya sa single couch, " A-Ano... Hindi ko matatanggap iyong pag-iimbita mo sa amin.", iwas niyang tingin dito. "Bakit?", tanong nito sa kanya na may bakas sa boses nito ang lungkot, "Dahil ba sa nagawa ko? I know... Hindi mo ko mapagka-katiwalaan dahil sa nagawa ko pero ito iyong way ko to repay my sins." Itabi mo muna, Sienna ang awa. Isipin mo ang sinabi ni Liling. Itabi mo muna, Sienna ang awa. Isipin mo ang sinabi ni Liling. Ipinikit niya ang kanyang mata, "S-Sorry Mam Lavender pero hindi talaga. Alis na po ako.", bilang paggalang niya dito. Hindi niya na ito hinintay pang sumagot. Tumayo siya sa kanyang kina-uupuan at nagma-madaling lumabas at hindi na lumingon pa. Paumanhin, Mam Lavender. Kailangan ko lang protektahan ang aking sarili. *** [LAVENDER] Samantala, naiwan si Lavender na nakatulala sa sinabi nito. Nangingilid ang mga luha. Walang anu-ano'y lumabas siya ng kanyang silid at pumunta sa kwarto ng kuya niya. 'TOK' ' TOK' 'TOK' Katok niya sa pinto ng kuya niya. Wala pang ilang segundo ay pinagbuksan na siya ng pinto. Nagulat sa kanya ang kuya niya ng makita ang mukha niya. "What happen?", tanong ng kuya niya at bahagyang binuksan ang pinto para makapasok si Lavender. Pumasok naman siya at naupo sa may paanan ng kama. "I don't know what Sienna thinks. She did not accept my invitation.", malungkot na sabi niya. "I guess... Because of the trauma that she got.", sabi nito ng umupo sa isang single couch. "Paano ko mababayaran ang pagka-kamali ko, kuya?", desperadong tanong niya. "Siya lang ba ang nagawan mo ng masama?", tanong nito sa kanya habang nagbabasa ng dokumento. Biglang niyang naalala ang mga nagawa niyang kalokohan noon. Napagtanto niya na hindi nga lang si Sienna ang nasaktan niya noon kundi pati na rin ang mga ibang kasambahay. "What to do?", paghi-hingi niya  ng saklolo sa kuya niya. "You have to apologize to them also.", wika nito. "All of them?!", gulat na tanong niya dito. Tumingin sa kanya ang kuya niya at tinaasan siya ng kilay nito, "You silly, of course. Ano pa nga ba?" Sa dami ng kalokohang ginawa sa mga ito ay handa siyang lunukin ang pride niya para lang mapatawad ng mga ito. "Okay.", wika niya dito, "Thanks kuya. Susundin ko ang payo mo to make everything right." Lumabas siya ng kwarto at pinuntahan ang mga kasambahay para magsorry ngunit sa laki ng bahay ay isa-isa niya itong hahanapin. Makalipas ang ilang oras sa paghahanap sa mga ito ay nakapag-sorry na siya sa mga ito at iniisip niya kung kanino pa siya hindi nakakapag-sorry. Sino pa ba? OMG! I forgot Nay Sonia and Liling. Hinanap niya ang mga ito. Nauna niyang nakita si Liling na naglilinis sa pool. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti siya dito ngunit biglang kinuha nito ang mga panglinis at akmang aalis na. Hinabol niya ito at pinigilan. "Liling, wait.", pigil niya. Tumingin ito sa kanya. Alam niya na hindi ito katulad ni Sienna ngunit desidido pa rin siya upang itama ang pagkakamali. "Ano.ho.ang.ma-ipaglilingkod.ko.sa.iyo.,Mam.Lavender?", may diing tanong nito sa kanya na halatang sarkastiko ang pagsambit ni Liling. "W-Wala naman. G-Gusto ko lang h-humingi ng p-paumanhin sa nagawa kong k-kasalanan sa inyo.", sinseridad niyang sabi dito. Nagulat siya ng taasan siya nito ng kilay, "Anong meron?" Tila hindi na-isip nito kung sino ang kausap pero ngayon ay tila parang normal lang na pag-uusap nila bilang pantay na pagtingin sa pagkatao sa isa't isa. "I know... It's kinda weird pero I've realize what I did to all of you. Well, specially for Sienna. And I am sincerely say sorry to you. I... I promise that I will treat you better.", pagsu-sumamo niya dito. "Promise mo na hindi mo na aapihin si Sienna?", tanong ni Liling sa kanya na sinisigurado nito na wala na talaga siyang balak na gawan ng masama si Sienna. "Promise.", sabi niya dito habang tinaas ang isang kamay na parang nanu-numpa. "Sige... Basta pag may ginawa kang masama kay Sienna ay hindi ka namin mapa-patawad.", sabi nito sa kanya. Tumango siya dito, "Promise. And by the way, gusto ko kayong i-invite sa birthday ko bukas. Iyon ang bayad ko sa mga nagawa kong masama sa inyo. And also, sagot ko lahat even your dress." Pumayag naman ito at naging maayos na sila. There is only one left... Nay Sonia. Mabilis niya naman nahanap ang matanda dahil natanong niya kay Liling kung nasaan ito. Nasa kusina siya ngayon at pinagma-masdan ang matanda na nagluluto. "Miss Lavender, ano po ang kailangan mo?", tanong nito sa kanya habang busy ito sa pagluluto. "Wala naman po, Nay Sonia. Gusto ko lang po mag-sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Sienna. Sana po ay mapatawad niyo ko.", wika niya dito. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti ito, "Maraming salamat. Para na kitang anak, kaya ang gusto ko sa iyo ay maging mabuting tao ngunit hindi namin napansin na nilamon ka ng inggit dahil sa pagiging mabait sa amin ng iyong ama. Tandaan mo, mahal ka niya. Anak ka niya kaya alam niya kung ano ang mas ikabubuti para sa iyo. Kung anuman ang nasa isip mo na kami ay masama ay nasa sa iyo 'yun kung ano ang pananaw mo pero hindi lahat kami na nasa mababang estado ay masasamang tao. Iyon ang tatandaan mo." Napaluha siya sa sinabi ng matanda. Nakatatak na sa isip niya ang sinabi ng mommy niya ngunit hindi niya na-isip ang sinabi ni Nay Sonia. "Akala ko po kasi... At iyon po ang sabi ni mommy sa amin na ang mahihirap ay hindi dapat kaawaan dahil kaya sila nagta-trabaho ay dahil kailangan nila ng pera para sa kanila.", kwento niya dito. "Osya... Huwag ka na umiyak. Alam kong mabuti kang bata.", sabi nito sa kanya habang pinupunasan ang pisngi niya na may luha. "Thank you po, Nay Sonia. I also invite you sa birthday ko tomorrow.", sambit niya dito. "Ah oo. Nabanggit nga sa amin ni Sienna.", saad nito. "Great! Aasahan ko po kayong lahat.", masayang wika niya dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD