Chapter 5

2093 Words
[SIENNA] It's the day, Lavender's birthday, naglalagay nalang ng mga dekorasyon ang lahat. Habang nag-aayos sina Sienna sa may garden ay lumapit sa kanila si Lavender na kasunod ang mga tao na hindi nila kilala. Tingin niya ay ito ang ang papalit sa kanila muna ngayon "Ate Sienna tara na at bibili na tayo ng susuotin niyo para mamaya.", sabi ni Lavender sa kanya sabay angkla sa kanya. "A-Ah eh s-sige.", sabi niya naman. Hindi pa rin siya makapaniwala na maganda na ang trato sa kanya ni Lavender. Higit pa doon ay nai-ilang siya dahil lalabas sila na nakapalda siyang mahaba at ito ay ang uniporme pangkatulong. Pag lumalabas lang sila ay nakamaong at simpleng t-shirt ang suot nila pero ngayon ay dahil sa kamamadali ay hindi na niya nagawang magpalit pa ng damit. Nang sila ay nasa dress shop ay nai-ilang siya sa mga taong nakatingin sa kanila. Mali. Kay Lavender pala nakatingin ang mga tao. Sino ba naman ang hindi mapa-patingin dito. Sa murang edad palang nito ay mapa-pahanga ka talaga sa angking ganda nito. "Guys, tara na at titignan natin kung ano ang isusuot mo para mamaya.", wika ni Lavender sa kanila. Kasama nila din sina Nay Sonia, Liling at iba pang kasambahay, "At syanga pala, ito si Tita Lani. Pinsan ni daddy." "Nice to meet you all. Let's go to the wardrobe.", yaya ni Tita Lani. Pumunta na sila sa wardrobe at namangha silang lahat sa mga magagandang damit na nakita nila. "Pumili lang kayo ng gusto niyo.", wika pa ng ginang. "Sige tita. Ikaw na ang bahala kay ate Sienna. Dito nalang ako maghihintay.", sabi ni Lavender at umupo sa single couch at doon nalang hihintayin nalang silang lahat na makapili. Naghanap na ang mga ito. Ngunit, si Sienna ay tila hindi pa makapamili. Napansin naman siya ni Liling. "Bakit hindi ka pa pumili?", tanong nito sa kanya. "Hindi ko alam kasi kung ano ang babagay sa akin.", sagot niya dito, "Mauna ka ng tumingin. Titingin ako sa kabila, Ate." Pumunta siya sa kabila. Maraming magagandang damit ngunit hindi talaga siya makapili dahil hindi niya alam kung babagay ba ito sa kanya. "Wala ka pang mahanap, iha?", tanong ni Tita Lani. Tumingin siya dito, "Wala pa po. Marami pong magagandang damit ngunit hindi ko po alam kung bagay po ba sa akin." Ngumiti ito sa kanya, "Hindi mo malalaman iha kung hindi mo susukatin." "Halika, ma-upo ka muna diyan. Ako na maghahanap ng sa iyo. Marami pa namang nagsusukat.", wika nito sa kanya. Na-upo muna siya. Nakatingin lang siya sa fitting room na mga kasama niyang nagsusukat. Nakita niya si Liling na lumabas ng fitting room. Naka-suot ito ng EVER-PRETTY Halterneck Backless Sequin Bodice Mesh Dress na above the knee na kulay peach. Namangha siya sa suot ni Liling. Bagay na bagay ito dito. "Sienna.", napalingon siya ng tawagin siya ni Tita Lani. Lumapit ito sa kanya na may bitbit na itim na damit. "Here. Try this one.", lahad nito sa kanya. Kinuha niya naman ito at pumasok sa fitting room. Unang binigay sa kanya ay Flounce Sleeve Mesh Yoke Flare Dress na above the knee na kulay black. Sinuot niya na ito. Namangha siya dito ngunit tila maiksi ito sa kanya. Nai-ilang siyang tignan ang kanyang sarili sa salamin dahil sa hindi siya sanay na magsuot ng mai-ikling palda. Kung tutuusin nga ay hindi pa ito ang pinakamaiksi. "Sienna? Tapos ka na ba?", tanong sa kanya ni Tita Lani sa labas ng fitting room. "Opo.", sagot naman niya dito at lumabas na ng fitting room. Nang makalabas siya ay kita niya ang pagkamangha nito. Nakita niyang tinawag ni Tita Lani si Lavender. Pati ito ay namangha. "Oh my god! So gorgeous!!", manghang sabi ni Lavender sa kanya. Pilit niya namang binababa ang palda ngunit pinigilan siya ni Tita Lani. Sinabi nitong above the knee ang dress at baka masira. "Sorry po. Maiksi po kasi.", sagot niya dito. "Tita, wala po ba kayong below the knee? I think Ate Sienna is not comfortable to this kind of dress.", tanong ni Lavender kay Tita Lani. "Okay. I'll find something.", wika nito at umalis muna ito. Naiwan silang dalawa ni Lavender. Sinabi nitong bagay sa kanya angsuot niya ngunit sinabi niya dito na masyadong maiksi. Gustuhin man ni Lavender iyon sa kanya ngunit ayaw niya dahi tila baka makitaan siya pagsuot niya iyon. Maya-maya pa ay bumalik na si Tita Lani na may dalang mga damit. Marami ang binigay ni Tita Lani na dress para hindi na ito babalik at pipili pa ng paisa-isa sa mga cabinets. Pumasok na ulit siya ng fiiting room. Inuna niyang suotin ang kulay navy blue Contrast Polka Dot Foldover Circle Dress na below the knee. "Sienna. Are you done fitting the dress?", tanong ulit ni Tita Lani. "Opo Mam Lani.", sabi ni Sienna at lumabas ulit ng fitting room. "You see. You look pretty in that dress.", manghang sabi nito, "Make-up nalang ang kulang sa iyo." "Let's do the make-up first, Tita? Just a simple one para makita muna natin ang babagay talaga kay Ate.", suhestyon ni Lavender. "Good point, Lavender.", sabi nito sa pamangkin. Minake-up-an na siya. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya aayusan. Maganda talaga siya. Hindi lang siya nag-aayos dahil wala naman siyang iniisip kundi ang pamilya niya lang. Hindi na niya na-isip na mag-ayos ng sarili. Tama na sa kanya ang maong at simpleng t-shirt lang ang suot niya. Nang matapos siyabg makeup-an ay pinasukat ulit siya ng panibagong damit. Bumagay ito sa kanya ngunit tila hindi pa kuntento ang mga ito sa mga damit niya na isinuot. Natapos na ang iba sa pagsusukat ngunit siya nalang ang hindi pa tapos. "It's too plain.", sabi ni Lavender. Pagod na siyang magsukat ngunit ayaw niya namang magreklamo dahil ito ang pumipili ng babagay sa kanya. Pumasok ulit siya ng fitting room. Isa nalang na dress ang naiwan. Ito ay kulay puting EVER-PRETTY High Low Hem Lace Prom Dress. Napatingin siya sa salamin. Sobrang ganda ito at malambot ang tela. Lumabas siya ng fitting room. Lahat sila ay namangha. Pati si Liling ay napa'wow'. "OMG!!! Your so pretty, ate. This is the one.", excited na sabi ni Lavender. "Oh my ghad!!! You are so gorgeous. You look like a goddess. I think this is it.", excited na sabi ni Tita Lani at lumapit sa kanya, "What do you think guys?" Lahat sila ay sumang-ayon. Siya naman ay nakampante dahil hindi na siya magsusukat ulit. "Thank you, Tita Lani. Sobrang natuwa sila.", wika ni Lavender. "No problem, iha. I'll be there, later.", wika ng tita nito. "We have to go now, tita. We have to buy shoes pa para sa kanila.", pagpaalam nito. Tila nanlaki naman ang mata ni Sienna sa sinabi nito. Hindi naman pwedeng damit lang ang bibilhin nito sa kanila kundi ay dapat may susuotin din sila sa kanilang paa na pa-partner sa dress nila. Mukhang marami na naman akong susukatin. *** Sumapit ang gabi ay nagsimula nang magpatugtog. Nagsisidatingan na rin ang mga bisita. Halos mayayaman ang makikita sa mansyon. Mga kilalang pulitiko. Mga kaibigang artista. Ito ang mga taong inimbita. *** [SIENNA] Alas-sais na ng gabi at hindi pa rin nagpapalit ng damit si Sienna. Nahihiya siya dahil ang mga tao sa mansyon ay ang mga mayayaman. Pinagmamasdan niya ang ibinili sa kanya ni Lavender. Nagdadalawang-isip siya kung susuotin niya ba ito o hindi. 'TOK' 'TOK' 'TOK' Napalingon siya sa pinto. Agad niya naman itong binuksan. Laking gulat niya na si Lavender ito. Lahat ay nakabihis na. Tanging siya nalang ang hindi pa nagpapalit. "Ate. Nakapag-ayos ka na ba?", sabi nito sa kanya. Nakasuot ito ng kulay pink na EVER-PRETTY Cold Shoulder Pleated Detail Satin Prom Dress. At ang buhok nito ay half-up with soft curls. "Hindi pa.", sagot niya dito. Umupo ito sa kanyang kama, "Malapit na mag-umpisa bakit hindi ka pa bihis?" "Nahihiya kasi ako. Baka magalit lang ang iyong mommy dahil kasama kami sa inimbitahan mo. Nahihiya rin ako dahil puro mayayaman ang kasama namin. Baka pagtawanan lang nila kami o kaya naman ay laitin kami.", nag-aalalang sabi ni Sienna. "Huwag mong isipin si mommy. Akong bahala sa kanya.", sabi nito sa kanya. 'EEK' Napatingin sila sa pinto ng bumukas ito. Bumungad dito si Nay Sonia na nakasuot ng MIUSOL Lace Bodice Asymmetrical Rugfle Hem Dress. "Mam Lavender. Hinihintay na po kayo doon.", wika ni Nay Sonia. "Sige po.", sagot naman ni Lavender at tumingin ito sa kanya bago umalis, "Change your clothes na. Magpa-padala ako dito ng magmemake-up sa iyo at mag-aayos ng buhok mo." Lumabas na ito at tanging silang dalawa ni Nay Sonia ang naiwan. "Anak, magbihis ka na.", utos sa kanya ng ina. Wala na siyang magawa kundi magbihis. Nagpalit na rin siya ng damit. Natapos na rin siyang makeup-an. Naghihintay sa labas ng kwarto sina inay Sonia at Liling. Lumabas na si Sienna sa kwarto. Manghang-mangha sina inay Sonia at Liling dahil napakaganda ni Sienna. Hirap nga lang siya makalakad ng maayos dahil hindi siya sanay magsuot ng matataas na takong. Ang suot niya ay ang metal bead decor open toe ankle strap sandals na ang taas ng takong nito ay 3 inches. Nagkaroon na rin siya ng paltos sa likod ng paa niya. Nilagyan niya ng band-aid ang magkabilang paa para hindi na sumakit habang naglalakad siya. Pilit pa rin siyang naglalakad ng maayos makapunta lang sa kanilang lamesa. Bawat lakad niya ay tumitingin ang mga nadadaanan niya. Na-iilang siya. Hindi niya alam kung nilalait na siya sa mga titig nito o ngayon lang sila nakakita ng mahirap na naka-suot ng mamahaling damit. Marami siya naririnig na kung ano-ano. Mapa-english, tagalog o ano pang dialect na hindi naman niya maintidihan. Nang makarating sila sa kanilang lamesa ay na-upo na sila. Sa pinakadulo, sila upang hindi sila makita ng mommy ni Lavender. *** Nag-umpisa na ang party. Nasa harapan na rin si Lavender kasama ang mga magulang. Masaya ang lahat. Mga nagpa-palakpakan. Hindi mapapansin sina Sienna dahil ang pwesto nila Sienna ay sa bandang likod. Iyon ang ginawang paraan ni Lavender para hindi makapunta doon ang mommy nito. Kung sakali mang pumunta ito sa gawi nila Sienna ay gagawa nalang ito ng dahilan para hindi makalapit ang mommy nito. *** Oras ng kainan ay sinusulit nila Sienna ang mga pagkain na nasa lamesa nila. Lalong-lalo na si Liling na first time lang makakain ng mamahaling pagkain. "Ate Liling. Hinay-hinay lang sa pagkain. Hindi ka mauubusan. Madami pa iyan.", natatawang sabi ni Sienna. "Masarap, Sienna. Sulitin natin ito... Minsan lang makakain ng masasarap na pagkain. Ni hindi nga natin alam kung ano tawag dito.", sabi ni Liling habang punong puno ang magkabilang pisngi ng pagkain at sabay turo sa mga pagkain. Nagsi-tawa nalang silang apat. Kasama rin nila si Manong Dan. Si Manong Dan ay driver ng pamilya Walton. Kung tatantyahin ang edad nito ay nasa 40's na at matagal na itong naninilbihan sa mga ito. Isinama na rin ito ni Lavender. "Ladies and gentlemen, it's now, the 18th roses.", wika ng mc. Nakatingin lang sila sa harap. Nag-uumpisa ng sumayaw si Lavender kasama ang nag-abot ng rosas. Masaya siya para dito. Hindi niya akalain na mararanasan niyang um-attend sa ganitong magarbong okasyon. At higit pa roon ay nakakita pa sila ng mga artista. Matapos ang sayaw sa lahat ng 18th roses ay biglang nag-iba ang tugtog. Mga taong pumunta sa gitna upang sumayaw. Isang romantic song ang pinatugtog. Bigla siyang napatingin sa gawi nila Priam na nakasuot ito ng maroon na tuxedo. Iniisip niya na paano kung isayaw din siya nito? Ini-imagine niya palang na nasa bisig siya nito at magkasayaw sila ay kinikilig na siya. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang table. Isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at naka-fade haircut pa ito. "Excuse me? Can I dance with you?", maginoong tanong nito sa kanya sabay lahad ng kamay nito. Hindi niya akalain na sa isang mahirap na katulad niya ay may mag-aalok ng sayaw sa kanya. Tumingin siya kina Liling wari'y humihingi ng tulong. Tumango lang sa kanya si Liling at malapad na naka-ngiti sa kanya. "O-Ok---", napatigil siya at akmang ibibigay ang kamay sa lalaki nang may magsalita ng may sumingit na isang lalaki. "Wait. I'm sorry, dude but I'm with her and I am her first dance.", wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD