[SIENNA] Walang nagawa si Sienna kundi ay papasukin si Priam sa munting barong-barong tinitirhan nila. Nakatingin siya kay Priam na tinitignan ang buong loob ng bahay. Napalingon naman siya kay Lola Gee dahil napansin ng matanda na hindi lang kilala ni Sienna si Priam ay kundi mas higit pa doon. Tingin nito talagang magka-kilala ang dalawa. At napansin nito na may pagka-kahawig kay Leana sa binata. Lumapit sa kanya si Lola Gee at bumulong. "Kahawig siya ni Leana. Siya ba ang ama ng anak mo?" "Opo.", sagot naman niya dito. "Mahabang istorya, Lola Gee." ". Sir, kain ho tayo. Pasensya na ho at ganito lang ho bahay namin." Pagpasensya ng matanda. "Okay lang ho. Kumain na ho ako..." Sagot ni Priam at tumingin kay Sienna. "Sienna, pwede bang mahawakan at mabuhat ko ang anak natin?" Pagpapa

