[PRIAM] Nang makauwi sa pamamalengke sina Priam ay dumiretso na agad siya ng kanyang kwarto. Magpapalit na sana siya ng damit ng biglang tumunog ang cellphone niya. Binuksan niya ito at binasa ang message. Ngunit numero lang ang nakalagay. From: 0917******* Magkita tayo sa **** restaurant. 3pm. - Nicholei Norris. Familiar ang pangalan ng lalaki sa kanya. Agad namang nireplyan ni Priam ito. Ibinalik niya ang kanyang damit at lumabas sa kanyang kwarto. Nakasalubong niya naman ang kanyang ina. "Saan ka pupunta?", tanong nito. "I have a meeting with a client.", pagsi-sinungaling nito. "Okay? Umuwi ka agad ha. Para matikman mo ang specialty ko.", wika ng ina. "I will.", sabi niya dito at lumabas na ng mansion. Alas-tres ng hapon ay pumunta na siya kung saan sila magkikita ni Nicholei.

