Chapter 40

2693 Words

[SIENNA] Pumunta si Sienna sa kwarto ni Priam. Hindi nga siya nagkamali at nandoon nga ang binata. Nakita niyang nakahiga ang binata at nakapatong ang isang braso ng binata sa mukha nito. Umupo siya sa gilid ng kama kung saan nakapwesto si Priam. "Bakit ka ganun kanina? Bakit mainit ang ulo mo?" Malumanay na tanong ng dalaga. "Wala lang ako sa mood." Walang kagana-ganang sagot ng binata. "Imposibleng wala.. Imposibleng walang dahilan kung bakit ka nagka-kaganyan." Wika ng dalaga at inalis nito ang brasong pinantakip ng binata sa mukha nito. Nakapikit pa rin ang binata. "Priam.. Imulat mo ang iyong mga mata. Tumingin ka sa akin." Utos ng dalaga. Iminulat naman ng binata ang mata at tumingin kay Sienna. Inulit uli ni Sienna ang tanong. "Bakit ka ba nagka-kaganyan?" Ulit ni Sienna.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD