[SIENNA] "Inay..." Iyon lang ang sabi niya sabay ang paglakad takbo niya sa kanyang ina. Niyakap niya ang kanyang ina ng sobrang higpit. "Inay.. Patawad po..." Iyon lang nasabi ng dalaga at humagulgol ito. "Tahan na anak..." Pag-aalo ng ina. Ngunit naghiwalay din sila sa pagyakap ng umiyak si Leana. "Ito na ba??" Paninigurado ng ina. Tumango lang si Sienna. Napalingon naman sila ng may tumili sa likod ni Inay Sonia. Si Lavender. "Omg!!! Ito na ba yung pamangkin ko??" Pagkalapit ni Lavender ay agad nitong binuhat ang bata. Tumigil naman ang bata sa pag-iyak. "Myghad!! She likes me..." Masayang sabi pa nito. Natawa naman sina Sienna. Tumingin naman si Lavender sa kuya niya na nakatayo lang sa main door. "Why are you there, brother??.... Dito ka kaya. Para kang inapi ha..." Sabay

