[LILING] Kinabukasan, nasa loob ng maid quarters sina Liling at Sienna. Habang nagtitiklop ng mga damit si Liling ay saka naman ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad niya namang kinuha ang cellphone at tinignan kung sino ang nag-text. From: 0928******* Hi. This is Nicholo Norris. :D Napakunot-noo naman si Liling kaya nireplyan niya naman ito. To: 0928******* Wala po akong kilalang Nicholo Norris. From: 0928******* Ohh. Is this Sienna Hernandez? Napa-isip siya bigla. Siguro ito yung nakausap ni Sienna nung sa baby section. To: 0928******* Hehe. Kaibigan niya po ito. Saglit lang at ibibigay ko yung cellphone. Tatawagin niya na si Sienna na busying busy nanonood ng t.v. "Sienna. Yung Nicholo Norris. Nag-text. Magpakilala ka na ikaw ito ah dahil ibibigay ko na muna cellphone ko

