[PRIAM] "So I have to go...", wika ni Leon. Tumango siya dito, "Stay safe, dad." Nasa labas na sila ng Coffee Shop ni Leon. Nagpaalam na sila sa isa't isa. Hinintay niya munang makasakay ang ama sa sasakyan at maka-alis ito. Nang makaalis na ang sasakyan ng ama ay siya naman ang punta niya sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto at na-upo sa driver's seat. 'KRIIING' 'KRIIING' Tunog ng kanyang cellphone. Agad niya naman kinuha ang ito mula sa kanyang bulsa at tinignan kung sino ang caller. Lavender. "Hello. Bakit?" (Punta tayo ng amusement park.) "Huh? Sino kasama?" (Sila kuya Eros.) "Okay. Pauwi na ko." (Okay sige. Bye.) Pagka-baba ng tawag ay agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at umuwi na sa mansion. *** [SIENNA] "Ate Sienna? Naka-ready na kayo?", tanong ni L

