Chapter 40: Behind the Mask

2214 Words

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa at saka tinext kay Al ang lahat ng nalaman ko. Pagkatapos ay dire-diretso akong naglakad papunta sa Student Council office kung saan naghihintay yung tatlong posibleng suspek gayundin si Detective na mukhang abala sa pakikipag-usap sa cellphone. Hinintay ko muna itong matapos bago ako lumapit sa kanya at saka sinabi dito ang kaibahan ng handwriting ni Black Sheep sa sulat ni Mr. Ryuu. “Kung ganun, hindi nga siya si Black Sheep,” tumatango pang sabi ni Detective. “Si Al, hindi mo yata siya kasama?” “May icheheck pa daw po siya kaya sinabi niya sa’king mauna na dito.” “Ahh ganun ba…” Huminga ako ng malalim at saka ibinalik ang tingin sa tatlong nananahimik sa loob ng kwarto. Nasisiguro kong isa sa kanila ang may kagagawan ng malagim na sinapit ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD