“Sinong hula mong may gawa nito?” “Ehh hindi pa naman ako sigurado…” Inilapit niya ang tainga niya sa’kin kaya wala na akong nagawa kundi ang ibulong dito ang nasa isip ko. “Tingin ko, ang may kagagawan ay si…” Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng hula kong may kasalanan at pati na din ang ginawa niyang trick. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha sa’kin at pagkatapos ay tumawa ito bigla dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. “Anong nakakatawa hijo?” takang tanong ni Detective sa kanya. Awtomatikong napaiwas naman ako ng tingin sa kanila at saka nagbaba ng tingin. I can feel their stares on us. “Haha wala Detective, may naalala lang ako bigla sa ibinulong sa’kin ni Ms. Ericka,” natatawa pa ding sabi nito. Napasimangot naman ako. Sabi na nga ba’t mukhang mali ang hula ko. Kaya nga a

