Chapter 26: Black sheep

1710 Words
“Noona, are we going to die?” I bit my lower lip as I looked at his scared face. I don’t know how to answer him dahil maski ako ay natatakot din sa kung anong pwedeng mangyari sa’min. I feint a smile and held his hand. “Don’t worry, it’s not yet your time,” napalingon ako sa katabi kong lalaki. His eyes were so distant it makes you think what kind of world he was seeing. If it was the same with what we, normal people see, I really wanted to know.   “Why?” tanong nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Napansin ko ang mga sugat sa braso niya at binti. Magsasalita pa lang sana ako nang makarinig kami ng sunud-sunod na mga yabag. Iniluwa ng malaking pintuan ang maraming lalaking nakasuot ng itim. “Sinong kukunin natin?” rinig kong tanong ng isa sa kanila. “Yung bubwit sa gilid!” sagot ng isa at kapagka’y napatingin sila sa direksyon namin. Napalunok ako at napahigpit ang hawak sa kamay ng batang nasa tabi ko. “N-Noona…” his voice breaks my heart. I bit my lower lip then looked at the man who was slowly approaching us. I turned my gaze at the only door in the room. It was blocked by the black men. “Hoy bata! Bitiwan mo yang bubwit na yan kung ayaw mong isama ka namin agad!” Napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap namin. Unti-unti itong naglakad palapit sa’min. “A-Anong gagawin mo?” “N-Noona… I-I’m s-scared…” nagsimula na itong umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Wag niyo na kong pahirapan pa! Akin na yan!” “No!” sigaw ko sa kanya. “Makulit ka ah?” isang malakas na sampal ang naramdaman ko kaya tumalsik ako sa isang gilid. Nabitawan ko tuloy yung batang yakap ko. “Awts! Let me go!” rinig kong sigaw ng bata. “Noona! Help me!” Pilit akong tumayo kahit sobrang sakit pa rin ng pisngi ko at ng likod kong tumama pa sa pader. “Bitiwan mo siya!” sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig. Nageecho sa buong kwarto ang mga iyak ng bata habang karga-karga nila ito palabas ng kwarto. Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo palapit sa mga lalaking nakaitim yung batang lalaking kanina pa tahimik. Pero mas nagulat kami sa ginawa nito. “Waaaaaahhhh!” palahaw ng bata. “Anong ginawa mo?” sigaw ng lalaking may karga sa bata at saka sinampal ang batang lalaki dahilan para tumalsik ito sa isang sulok. Nabitawan nito ang basag na boteng may bakas na ng dugo. Dahan-dahan kong tiningnan ang itsura ng batang karga-karga kanina ng lalaki. Kalunus-lunos ang itsura nito. His face was bleeding excessively. Unti-unti kong ibinalik ang tingin sa batang lalaking may kagagawan nito. And to my surprise, he was smiling. A smile with no regrets. A familiar smile. Is he… Nagising bigla ang diwa ko nang may maramdamang malakas na tumama sa ulo ko. Panaginip. Isa na namang masamang panaginip. Bahagya pa akong nakaramdam ng pagkahilo habang unti-unti kong dinidilat ang paningin ko sa buong kwarto. Masyadong madilim. Nasaan ako? Ipinikit ko ang mata ko at saka ko inalala kung anong nangyari sa’kin kanina. Oh right, I was kidnapped by men wearing black. Iginalaw ko ang mga kamay ko at saka ko narealize na nakatali pala ito sa likod. Naramdaman ko din ang pamamasa ng ulo ko. Binuhusan ba ko ng tubig? “I’m glad you’re awake now.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang bulto ng matangkad na lalaki ang bumungad sa’kin. I can’t see his face clearly dahil masyadong madilim sa pwesto nito. “Sino ka?” tanong ko sa kanya habang pilit inaaninag ang itsura nito. “Can’t you tell from my voice?” Natigilan ako sa sinabi niya at saka inisip kung sinong nagmamay-ari ng boses na naririnig ko ngayon. Wala. Walang pumapasok na pangalan sa isip ko. “D-Dapat ba kilala kita? Sino ka ba?” matapang kong balik-tanong sa kanya. Maya-maya pa’y nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kanya. Ano naman kayang trip nito at tumatawa mag-isa? Medyo weird. “Wala ka pa ring pinagbago. You still amused the hell out of me, Ericka.” I don’t know why but his voice sends chills to my bone. Hindi naman siya nakakatakot na katulad ng mga nasa horror films pero, there was something on him I cannot really tell. “Teka, i-ikaw din ba yung nagpapadala nung mga letters?” Naglakad ito palapit sa’kin kaya napalunok ako sa biglaang pagbaha ng kaba sa dibdib ko. Tumigil ito saglit at pagkatapos ay nagsindi ng sigarilyo. Saglit lang pero nakita ko ang mga mata niyang nakatitig sa’kin. “Yeah. I’m always watching you, Ericka. Always.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. Tumuloy ito sa paglakad papalapit sa’kin. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. “W-Wag kang lalapit,” halos pabulong ko ng sabi sa kanya. “Why? Are you scared?” Tiningnan ko ang paligid ko para magbakasaling may magamit na panlaban sa kanya pero wala akong makitang kahit ano. Bukod sa upuang inuupuan ko ay isang upuan at isang mesa lang ang nasa harap ko. Walang ibang kahit anong nasa loob ng madilim na kwarto. “Wag ka sabing lalapit!” sigaw ko sa kanya. Gusto ko ng maiyak sa sobrang takot. Pilit kong ginalaw ang upuan ko para lumayo sa kanya pero halos hindi din ako nakaalis sa pwesto ko. I feel so helpless and tired at the same time. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko pababa sa leeg at likod. Josh… AJ… asan ka na ba? Napasigaw ako nang inilang hakbang na lang nito ang distansyang pumapagitan sa’min. Nagpumiglas ako para hindi niya ko mahawakan. “Don’t touch me!” sigaw ko sa kanya nang akmang hahawakan niya ang balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ko sa sobrang takot. Takot sa posibleng gawin niya sa’kin. Takot sa posibleng mangyari sa’kin. “You know I won’t hurt you,” mahina niyang sabi. Napatingala ako sa kanya na ngayo’y nasa harap ko na’t nakatayo. Bagsak ang may kahabaan nitong buhok na medyo tumatakip sa mga mata nito. May matangos itong ilong at mapulang labi. “Ericka… I miss you,” Parang may kung anong kurot akong naramdaman sa puso ko sa sinabi niya. “I miss you so much that’s why I did this.” Hindi ako makapagsalita. Parang bigla akong napipi sa biglaang pagbabago ng tono ng pananalita nito. Teka, hindi kaya may dual personality disorder din ang taong ‘to? Hahawakan na sana nito ang pisngi ko nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinga naman ako ng maluwang nang bigla itong lumayo para sagutin ang tawag. “Yeah, this is Black Sheep,” napatingin ako dito sa tinuran niya. Black Sheep. So he was really that guy. Tumingin din ito sa pwesto ko kaya nagtama ang mga mata namin. “Call the wolves. We might be having some visitors later.” Parang may kung anong nag-uunahang pumasok sa isip ko. A past memory. Napapikit ako sa pagguhit ng hapdi sa ulo ko. “Eri, bilisan mong tumakbo! Malapit na siya!” “Pero p-pagod na ‘ko,” hinihingal ko pang sabi sa kanya. Halos habol ko na ang aking hininga dahil sa walang tigil naming pagtakbo mula pa kanina. Tagaktak na rin ang buong mukha ko sa pawis. Humahapdi na din ang mga binti ko na nagtamo na ng mga gasgas dahil sa mga talahib na nadadaanan namin. “Gusto mo na bang mamatay?” pasigaw na tanong niya habang nasa harap ko. Umiling-iling ako. Kahit sobrang sakit na ng mga binti ko ay hindi ko itinigil ang paghakbang. Lingon-likod ang ginawa ko habang tumatakbo kaya hindi ko napansin ang isang nakausling bato sa daraanan ko. Pabagsak akong napasubsob sa damuhan. “Eri!” rinig ko pang sigaw niya. Nakarinig ako ng mga putok ng baril. Mukhang nahabol niya na kami at malapit na sa kinaroroonan namin. Hindi na kami maliligtas pa. Nagsimula ng mag-unahan ang mga luha sa magkabila kong pisngi. “I-iwan mo na ko! T-tumakas ka na!” sigaw ko sa kanya pero nanatili lang itong nakatayo sa harap ko. “No!” inabot niya ang kamay niya sa’kin na may bakas pa ng dugo. Pagkaabot ko ng kamay ko sa kanya ay sabay pa kaming napalingon nang makarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril. We tried to step and run away. Pero mabilis na nakalapit ang nakakatakot na presensiyang naramdaman namin. Huli na ang lahat. We will be killed. Nanginginig na napatingala ako sa lalaking nasa harap namin. He swayed his hand that was holding a rifle. I closed my eyes. Napadilat ako nang ilang saglit pa ay wala akong naramdamang tumama sa mukha ko. Napasigaw ako nang makitang duguan na sa lapag ang lalaking humahabol sa’min. I saw someone approaching. Bigla na lang naputol yung sunud-sunod na imaheng pumasok sa utak ko. Pero may isang pangalang bigla na lang rumehistro sa isip ko. Isang pangalang hindi ko alam kung kanino. “Sean?”   JOSH’S POV Napamura ako nang mabuksan ang file na sinend sa’kin via e-mail ng isang unknown sender. It was a video clip and Ericka was on it, tied in a chair with messed up hair and few bruises in arms and face. Napakuyom ako ng kamao. Malalagot sa’kin ang kung sinumang may gawa nito sa kanya. Kinuha ko agad ang cellphone ko at sinubukang tawagan yung number na tumawag sa’kin nung nakaraan. “The number you have dialed is incorrect.”Napabuga ako ng hangin out of frustration pagkarinig sa sagot ng operator. Damn! Napabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang bigla itong magring. It was a call from an unknown number again. Walang pagdadalawang-isip na sinagot ko ito agad. “Did you like my gift?” pilit kong pinakalma ang sarili ko nang marinig ang boses na iyon. “Ano ba talagang kailangan mo? Where’s Ericka?” may diin kong tanong sa kanya. “Why? Did you miss her already?” I heard him hissed. “Ericka’s with me now. Akin muna siya, tutal matagal kaming hindi nagkita. Matagal kaming hindi nagkasama.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “What?” Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang yun? Did he know me and Ericka personally? Is he a part of Ericka’s past? Or mine? “If you want to blame someone, blame yourself. Kung hindi mo dinala si Ericka sa meeting place natin, hindi ko ‘to gagawin. This is your punishment.” “Hindi ko alam na nakasunod sa’kin si Ericka! And besides, ikaw ang hindi nagpakita sa meeting place!” “I don’t need your arguments Rilorcasa! If you want her back, find me. That is, if you can.” “What? No! Give her back! Hello—“ napasigaw ako sa inis nang ibaba na nito ang tawag. Damn it! “Ano bata? Mukhang may problema ka ah?” napatingin ako sa lalaking kakapasok lang ng room. It was Ephraim. Kasunod nitong pumasok ang iba pa naming kasamahan. “Yeah. Ericka was kidnapped and I need your help to find her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD