JOSH’S POV
“If you want to blame someone, blame yourself. Kung hindi mo dinala si Ericka sa meeting place natin, hindi ko ‘to gagawin. This is your punishment.”
He was there yesterday. When I went on that abandoned building, he was there and watching m y every little moves. He was probably hiding somewhere. Somewhere I overlooked.
Pero paanong iba ang nadatnan ko sa loob? Nagkataon lang ba na nagkaroon ng murder case sa lokasyong iyon nang araw na iyon? Hindi. Imposible. Imposibleng maging coincidence ang lahat.
Kung ganun, posibleng…
He planned it all along.
“So where do we have to start?” napalingon ako nang magtanong si Ephraim. Nasabi ko na nga pala sa kanila kung anong sitwasyon namin ngayon. Ericka was kidnapped by someone I can only call’Black sheep’ base na rin sa memorya ni Haja at ni Al na kusang humahalo sa sariling memorya ko. That ‘Black Sheep’guy was apparently someone involved either with Ericka or with my past.
“Don’t you have any clues like Ericka’s possible stalker?” tanong ni Rom.
“Ikaw p’re papasa kang stalker ni Ericka. Di ba lagi mong inii-stalk ang f*******: niya?” dire-diretssong sagot dito ni Red. Nagtawanan naman ang iba pa. Ako, I kept my poker face. Nang tumikhim si Ephraim ay nagsitahimikan naman silang lahat.
Binuksan ko ang e-mail ko at saka ipinakita sakanila yung video clip na ipinasa sa’kin ng kidnapper kanina. Maang na pinanood naman nila ang video clip na labinlimang segundo lang ang haba. Pagkatapos ay nakarinig ako ng malalalalim na buntong-hininga mula sa kanila.
“Bakit ikaw ang kinontak niya at hindi yung parents ni Ericka?” tanong ni Miggy. Napatingin naman kaming lahat sa kanita. “Isn’t it weird? Hindi ba kapag sa kidnapping case, malimit na tinatawagan nila ang parents para humingi ng ransom?”
“Yun ay kung pera lang ang habol ng kidnapper. Sa tingin ko kasi, may ibang dahilan ang kidnapper kung bakit niya kinidnap si Ericka at nagsend pa ng video kay Josh,” sabat naman ni Alvin.
“Teka, hindi kaya sa’yo talaga may galit yung kidnapper at kaya niya kinidnap si Ericka ay dahil gusto ka niyang pasakitan? Di ba ganun yung mga nangyayari sa mga movies?” komento naman ni Jade.
“Wait, there was someone who has grudge on Josh di ba?” napatingin kaming lahat kay Miggy nang patahimikin niya kaming lahat. “That gangster, Xander.”
“Ahh oo nga! Yung mokong na yun!” tumatangu-tango pang segunda ni Red. Nagbulungan din naman ang iba at kanya-kanyang sabi ng opinion.
“We have to get serious here,” natahimik kaming lahat nang pumasok sa loob ng conference hall si Camille. Mukhang naireport na agad dito ni Ephraim kung anong problema meron kami ngayon.Tiningnan niya naman ako at tinanguan.Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa mga kasama namin.
“This is not a game to guess who the kidnapper is. Ericka’s life is at stake so we have to get serious on our acts,” seryosong sabi nito. Inilapit ko sa kanya yung video clip at matapos mapanood ay ibinalik niya ang tingin sa’min.
“Wala ba kayong napansing kakaiba sa video?” tanong nito. She was now standing at the center at tinitingnan ang bawat reaksyon namin. She’s really emitting an authoritative aura.
“Madilim yung room?” sagot ni Rom.
“What else?” nakakunot ang noong tanong ulit ni Camille. Saglit na napuno ng katahimikan ang buong kwarto.
“Ericka was wearing a dress and today’s Sunday so ibig sabihin, she was probably kidnapped before or after going to church,” sa wakas ay pagbasag ni Miggy sa katahimikan. And she has a point. We can start gathering our clues by limiting the span of time. Nilapitan ko yung laptop ko at chineck yung time kung kelan ko nareceive yung e-mail—8:05AM.
“She was kidnapped before going to church,” sabi ko sa kanila at saka ipinakita ang time na naka-indicate sa e-mail. “She’s really not an early riser kaya nasisiguro kong pang 7:45AM mass ang pinlano niyang attend-an. Ang pinakamalapit na simbahan mula sa kanilaay ang St. Francis Church which is 10-15 minute-drive lang. Kung i-eestimate na 7:15 to 7:30 siya umalis sa bahay nila, bandang 7:30 to 8:00 naganap ang kidnapping. Ibig sabihin…”
“Kung naglakad lang si Ericka palabas ng subdivision nila, there was a high probability na sa loob ng subdivision siya nakidnap. At kung may CCTV ang gate ng subdivision nila, posibleng nakunan—“ hindi na naituloy ni Rom ang sinasabi nang biglang tumayo si Camille.
“That’s it!” lahat kami ay napatingin sa kanya. “Let’s go to their subdivision first!”
Matapos lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa subdivision nila Ericka. Agad kaming pumunta sa security office nila at saka nireview ang CCTV footage sa may gate. Mula dito ay napag-alaman naming walang sasakyang lumabas sa subdivision sa pagitan ng 7:00 at 8:00 ng umaga liban sa dalawang motorcycle at isang truck ng softdrinks. Tama ang hinala naming naglakad lang siya mula sa bahay nila.
“So hindi nga lumabas ng subdivision yung getaway vehicle ng kidnapper?” napapaisip na sabi ni Red.
“That’s obvious,” naka-crossed arms pang sabi ni Camille.
Kung ganun, nasa loob lang ng subdivision na ‘to ang pinagdalhan kay Ericka…
Isip Josh. Isip. Pumikit ako at saka pilit inalala ang naging pag-uusap namin ng lalaking yun kanina. I might find some clues as to where they can be found based on that call. Something peculiar. Something…
“Alam ko na!” sabi ko sa kanina. Napatingin naman silang lahat sa’kin. “During the call he made this morning, I heard a soft sound of a barking dog at the background. That means…” sinadya kong ibitin ang gusto kong sabihin para makita ang mga reaksyon nila. Mukhang nagets naman nila ang gusto kong sabihin.
We have to find a place with a nearby doghouse.
“Hindi ba parang masyado naman yatang maraming bahay dito sa subdivision ang may alagang aso?” angal ni Red.
“Oo nga, kung iisa-isahin natin yung mga bahay dito, anong oras naman kaya tayo matatapos?”segunda ni Rom.
“Hindi pa natin nache-check yung mga CCTVs sa mga nadaanan ni Ericka. Posibleng nakuhanan ang mismong act ng pagkidnap sa kanya at makakuha tayo ng clues na pwedeng idagdag sa sinabi ni Josh,” sabi naman ni Ephraim. Napatangu-tango naman kami.
“Let’s divide the group then,” sabi ni Camille at pagkatapos ay binigyan niya na ng assignment ang bawat isa sa’min. Ako, si Camille at saka si Rom ang naiwan para maghanap ng mga posibleng hideout ng kidnapper habang yung iba naman ay chinecheck isa-isa yung mga CCTVs na posibleng nakacapture sa mismong act of crime.
“I actually have an idea kung paano madaling mahahanap si Ericka, but I don’t know if this will work,” napatigil kami sa paglalakad nang biglang magsalita si Camille. She looks so serious.
“Ano yun boss?” tanong ni Rom dito. Saglit siyang tiningnan ni Camille at pagkatapos ay ibnilipat niya ang tingin sa’kin.
Parang may masama akong kutob dito ahh…
“I think, we can use his instinct to find Ericka,” napalunok ako sa sinabi niya lalo pa at dahan-dahan ang naging paglapit nito sa’kin.
“W-What do you mean?”
“You want to save Ericka, right?” nakangiti pa nitong sabi.
“Of course!”
“Then bare with the pain,” pagkasabi niya nun ay sinuntok niya ko ng malakas sa sikmura. Namaluktot ako sa sakit. How could a woman like her punch like this? Hindi pa man ako nakakabawi sa sakit nang suntukin niya ko sa mukha.
“Hey!” sigaw ko sa kanya nang bigla nitong alisin ang salamin ko.
“I’m borrowing this Josh. Tawagin mo na si AJ and tell him to save Ericka immediately,” rinig ko pang sabi niya habang dahan-dahang nanlalabo ang paningin ko.
Damn. Si AJ na naman?
Am I really not good enough to save her?
I want to save her as Josh and not as AJ. I want her to look at me as my true self.
“Eri…”
But they won’t let me…
ERICKA’S POV
Naalimpungatan ako nang may marinig na ingay mula sa kung saan. I tried to look around pero dahil masyadong madilim sa loob ay halos wala din akong makita.
Ano bang nangyayari?
Matapos akong kuhanan ng pictures nung lalaki kanina ay iniwan niya na ko dito sa loob ng kwarto. Ano naman kayang gagawin niya sa mga pictures ko? Hays.
Teka, hindi kaya… stalker ko talaga siya? Parang slideshow na nagplay sa utak ko lahat ng natanggap kong weird messages from him these past few weeks pati na rin yung weird text message.
Kinilabutan pa ako bigla nang maalala ang sinabi nito kanina.
“Ericka… I miss you,” Parang may kung anong kurot akong naramdaman sa puso ko sa sinabi niya. “I miss you so much that’s why I did this.”
Pinikit ko ang mata ko at pilit itinaboy ang mga pumapasok sa isip ko. Awtomatikong napadilat ako nang maramdamang nagbukas ang pinto. Iniluwa nito yung lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa din maaninag ng maayos ang mukha.
Bakit kasi ang hilig niyang tumayo sa against the light di ba? Tsk.
“That jerk is here again,” napatingin ako sa mga mata nito nang sabihin niya yun. Ano daw? Jerk? Sino naman kayang tinutukoy—teka, hindi kaya si… Josh? Pero hindi naman jerk si Josh!
“Can you please stop smiling like an idiot?” napasimangot ako sa biglaang pagsigaw nito.
“Masama na din bang ngumiti? Ikaw kaya, iligtas ng knight-in-shining armor mo, hindi ka ba matutuwa?” sarcastic ko pang sabi sa kanya. Mukhang nainis naman ito bigla kaya tumahimik na lang ako. Masyado akong nadala ng emosyon ko na nalimutan kong kidnapee nga pala ang papel ko sa kwartong ‘to ngayon.
“Ano ba kasi talagang kailangan mo sa’kin?” malumanay ko pang tanong sa kanya. Ang totoo, nababawasan na ang takot ko sa kanya habang tumatagal. Pakiramdam ko kasi, hindi naman siya masamang tao talaga. Baka may pinagdadaanan lang kaya niya ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon. Baka broken-hearted tapos namimiss ang girlfriend o kaya napag-utusan lang tapos no choice siya, di ba?
I let out a deep sigh. Okay Ericka, you have to congratulate yourself later for being too understanding and too optimistic.
“May utang sa’kin ang lalaking yun, kaya kailangan niyang magbayad,” maya-maya ay seryosong sabi nito.
“Utang? Magkano ba? Ako na lang ang magbabayad!” napaurong ang dila ko nang tiningnan niya ko ng masama. Sabi ko nga, it’s not all about the money.
“We were friends before but he can’t remember it. He can’t remember me as well as the sins he committed.”
Napanganga naman ako sa sinabi nito. So may past pala sila ni Josh? Teka, si Josh nga ba tinutukoy niya? Hindi kaya gay itong kausap ko? Pero sabi niya kanina namimiss niya daw ako kaya niya ‘to ginawa. Pero teka, bakit parang ang gulo?
“I’ll come to you again,” hinawakan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay may kung ano siyang iniwan sa mesang kaharap ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Hindi na ko nakapagreact pa nang maya-maya ay nagbukas ulit ang pinto but this time, pamilyar na bulto na ng lalaki ang pumasok mula dito. Dali-dali itong tumakbo papunta sa’kin at niyakap ako.
“Thank God you’re okay!” bulong niya pa sa tainga ko. Parang gusto na namang sumabog ng puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito. Oh how I missed this guy so much.
He’s here…AJ is here.