Chapter 28: Friend from the Past

2160 Words
“B-Bakit ngayon ka lang?” sa wakas ay nasabi ko sa kanya. I heard him chuckle. Lumayo naman ito saglit at tinitigan ang mukha ko. “I’m sorry,” sabi niya pa at pagkatapos ay pinakawalan na ako mula sa pagkakatali sa lubid. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla niya akong buhatin na ikinagulat ko naman. “Hey you don’t need to—“ “Sshh, just let me carry you out of this dark place,” sabi niya habang buhat-buhat ako. Napasandig na lang ako sa dibdib niya. Ang bango niya. I can also feel his heartbeats beating fast too. Siguro ay dahil napagod ito sa pagligtas sa’kin. “Mabuti naman at nahanap mo na siya,” napatingin ako sa nagsalita at saka ko lang napansin na nasa labas na pala kami ng bahay na pinagkulungan sa’kin at nasa harap na namin ang lahat ng myembro ng Blaue Rosen. Nagpababa naman na ako kay AJ at saka nahihiyang humarap sa kanila. “T-Thank you sa pagligtas sa’kin,” pagpapasalamat ko sa kanila. “Wala naman kaming masyadong ginawa,” bale-walang sabi ni Ephraim. “Yeah right, parang nasayang lang ang pag-aalala ko kanina,” sabi pa ni Rom na nakabusangot ang mukha. “B-Bakit? Anong nangyari?” takang tanong ko sa kanila. Ininguso naman ni Jade yung entrance ng mansion na pinagdalhan sa’kin. Napanganga ako nang makitang maraming gangsters na natutulog at nakasalampak sa may sahig. May mga sugat at pasa pa ang iba. “We came here immediately after boss called pero pagdating namin, wala ng kaaway. Napabagsak na ng boyfriend mo lahat. Hindi man lang nagtira!” napapailing na sagot ni Red. Hindi ko naman alam kung paano magrereact. “I already called the police kaya ikaw ng bahalang magpaliwanag sa kanila mamaya,” sabi naman ni Camille at pagkatapos ay tumalikod na ito palabas. Napatingin naman ako kay AJ na napatingin din sa’kin. He just smiled widely at me. Pagkatapos dumating ng mga pulis at damputin ang mga gangsters ay sumama kami ni AJ sa kanila sa station para magbigay ng statement. Ibinigay ko sa kanila yung description nung lalaking tingin ko ay mastermind sa naganap na kidnapping. Pauwi na kami nang mapansin kong masyadong tahimik si AJ. Parang malalim ang nasa isip nito at diretso lang itong nakatingin sa unahan ng sasakyan habang nagdadrive. Ang awkward tuloy, sobrang tahimik. Teka, hindi kaya… nagshift na naman siya ng personality? Galing kami ng station kanina which means… “Al?” tawag ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla itong magpreno. “Bakit bigla kang nagpreno?” sigaw ko sa kanya. I immediately composed myself back after few seconds. Masyado yatang napalakas ang boses ko. “Bigla ka rin kasing natawag ng pangalan! Can’t you see I’m driving?!” masungit na sagot nito at pagkatapos ay pinaandar na ulit ang sasakyan. “So, si Al ka nga?” tanong ko ulit sa kanya. “Yeah,” maiksing sagot nito. Napalunok naman ako ng ilang beses. Kaya pala ang serious mode niya ngayon. Pero teka, ang ibig sabihin… “Your trigger is…police?” gulat kong tanong sa kanya. Napahugot naman ito ng malalim na paghinga. “Maybe.” Napatangu-tango naman ako. That explains it. Naalala ko noong una ko siyang makitang lumabas. There was a car accident that time at may mga pulis din sa paligid. Sunod na paglabas niya ay nang may biglang pumasok na mga pulis sa room na pinasukan ni Josh yesterday. “Where’s Josh’s glasses?” “Ahh here!” hinalungkat ko naman sa pouch na nakasukbit sa’kin yung salaming inabot ni Camille kanina bago kami magpunta ng station. Pagkaabot ay sinuot naman niya agad ito. Mas bagay nga naman sa kanya ang nakasalamin. Nerdy. Serious mode. Cool. “So, did you see his face clearly?” maya-maya ay tanong niya. “The kidnapper?” “Yeah.” “Hindi masyado. Medyo madilim kasi doon sa loob ng room kaya hindi ko masyadong maaninag yung face niya,” sabi ko sa kanya habang pilit inaalala yung itsura ng lalaki.   “Did he mention anything? Anything that we could use as a clue to identify his identity?” Napaisip naman ako sa tanong niya. Bigla namang pumasok sa isip ko yung naging pag-uusap namin ng kidnapper kanina. “May utang sa’kin ang lalaking yun, kaya kailangan niyang magbayad,” maya-maya ay seryosong sabi nito. “Ahh! When I asked him kung ano ba talagang dahilan at kinidnap niya ko, ang sabi niya ay may utang ka daw sa kanya… I mean, si Josh o baka…” Isa sa kanila? Isa sa mga personality ni Josh? “So he was doing it for revenge?” naniningkit ang matang sabi nito habang hindi tumitingin sa’kin. “He also mentioned that he was a forgotten friend. Na pati yung kasalanan sa kanya, hindi maalala ni Josh,” dagdag ko pa. Napahugot ito ng malalim na hininga. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito. Well, sino ba namang hindi mapapaisip sa mga nangyayari sa’min? It’s really stressful. Maya-maya ay inihinto na nito ang sasakyan. Hindi ko namalayang nasa tapat nap ala kami ng bahay namin. Time flies so fast nga naman. “If you feel like there’s something suspicious around you, don’t hesitate to call Josh’s number. I’m sure he’ll come to you right away,” nakangiti pang sabi nito. Tumango na lang ako at saka tinanggal na ang seat belt ko. “Ahm… aren’t you… going to let Josh take over?” nakayuko kong tanong sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya. “Are you asking me to kiss you?” “Ha? H-Hindi ahh!” sigaw ko naman sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang buong mukha ko. Ngumiti naman ito ng maluwang na mas lalong nagpagwapo dito. Aw, shocks. Bumaba ito mula sa driver’s seat at saka ako pinagbuksan ng pinto. Bumaba naman na ako at saka siya hinarap. “I’m planning to investigate further on this kidnapping case so… I won’t kiss you for now. I’m sure magtetake-over naman na si Josh tomorrow automatically when he woke up.” “Ahh… so you’re going back to the kidnapper’s hideout?”  “Yeah. Don’t worry, I’ll kiss you next time,” may pagkindat pang sabi nito. “Halaa wala naman akong sinabing gusto ko ng kiss!” “But I can see in your face that you were asking for it,” tumatawa pang sabi nito bago sumakay sa kotse. “Of course not!” apela ko pa sa kanya. “Bye Miss Ericka!” nakatawa pang sabi nito at saka pinaharurot na ang kotse palayo. “I never asked for a kiss…tss.” Siya naman laging nag-iinitiate ng kiss di ba? Tsk. “Ericka?” Napalingon ako bigla sa tumawag sa pangalan ko. And to my surprise, it was my bestfriend Annika. Agad siyang tumakbo palapit sa’kin at saka ako niyakap. “Oh my God, Annika! Kelan ka dumating?” excited kong tanong sa kanya. After graduation kasi ng highschool ay agad na itong lumipad kasama ng parents niya papuntang States para doon mag-aral ng college. “Kagabi lang! Syempre medyo may jetlag pa kaya ngayon lang ako nakalabas ng bahay! Oh my God, bes! I missed you so much!” may kasama pang tili na sabi nito. Wala pa din itong pinagbago. She was still jolly and very pretty. Kahit sikat siya sa buong campus when we were still in highschool ay napakabait at down-to-Earth nito. Marami ngang nagtataka dati kung bakit sa isang loser na katulad ko pa siya sumasama. “Naku, sa loob tayo mag-usap at hindi dito! Mahaba-haba ang ikekwento ko sa’yo!” kapagka ay iginiya ko na siya papasok sa loob ng bahay. Ikwento ko kaya sa kanya si Josh? Naexcite tuloy ako bigla. Pagkapasok sa loob ay bahagya pa akong nagulat nang makita si ate Euri kausap sina Mom and dad sa living room. They all looked so serious. What’s the meaning of this? “A-Ate Euri?” tawag ko dito kaya napalingon ito sa gawi namin. Halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makita kami. Pero hindi siya sa’kin nakatingin. “Ms. Ramirez?” pinagbalik-balik ko ang tingin kay ate Euri at kay Annika. I felt out-of-place for a moment. What’s with this intense atomosphere? “E-Euridice Rilorcasa? A-Anong ginagawa mo dito kina Ericka?” namumutlang tanong ni Annika dito. Parang bigla namang natauhan si ate Euri at binawi ang tingin dito. “Business matters,” maiksing sagot ni ate Euri at saka hinarap sila mom and dad na kanina pa tahimik. They didn’t even bother greet their daughter na nakidnap na lang at lahat pero wala pa rin silang kaalam-alam. “I’ll go back some other day sir, ma’am,” tumayo na si ate Euri kaya tumayo na din sila mom. “Thank you for giving your time with us, Ms. Rilorcasa. We are hoping for your positive response,” napakunot ang noo ko sa sinabi ni dad. “Give me more time sir. I’ll go ahead now,” matapos magpaalam ay sinulayapan niya lang kami saglit ni Annika at pagkatapos ay nagtuluy-tuloy ng labas ng bahay. “Anong kailangan niyo sa ate ni Josh?” tanong ko kina mom. “Narinig mo naman yung sinabi ni Ms. Riloracasa kanina di ba? It’s all about business,” bale-wala lang na sagot ni mom at pagkatapos ay iniwan na kami sa living room. Walang pasabing sumunod na din dito si dad. Great. I’ve been totally ignored by my beloved parents! Pabagsak akong naupo sa sofa. “O-Okay ka lang ba bes?” I looked at Annika. Muntik ko nang malimutang may bisita nga pala ako. “Pasensya na sa naabutan mo ah? Medyo stressful pa rin kasi ang atmosphere dito sa bahay kapag nandiyan sila mom,” I apologetically told her. “Hindi pa din ba nagbabago sila tita sa’yo?” Mapait akong napangiti sa tanong nito. “I’m used to it. I don’t think they have any plans to change, anyway,” sagot ko sa kanya. Pilit naman itong ngumiti. Annika knew everything about me dahil sabay kaming lumaki at nagkaisip. We went on the same school both in elementary and highschool. “May mga new friends ka na ba sa school? Baka naman nagpapaka-loner ka na naman ah?” napangiti ako sa nakitang concern at sincerity sa mukha nito. “Okay naman sa school. May mga friends naman ako at masaya naman silang kasama,” sagot ko sa kanya. I was actually referring to Josh’s friends. Sa department ko kasi, wala kong masyadong nakakausap kasi mga serious mode ang mga tao at may mga kanya-kanya ng circle of friends. I don’t have enough confidence to join any of that circle. “Eh boyfriend? Meron na ba?” “Ha? B-Boyfriend?” And an image of Josh suddenly popped in my imagination. “There’s nothing going on between us. We’re just friends.” “Hindi ko alam,” parang may naramdaman na naman akong kirot sa loob ko sa sagot kong iyon. “Oh my God! It’s complicated?” natitilihan nitong tanong. “I don’t know—“ “But you like him?” Do I? “Tinatanong pa ba yun?” mahina kong sabi. “Ihhhhhhhh!” napalayo ako sa sigaw nito. Napatingin-tingin naman ako sa paligid namin at napangiwi ako nang makitang papalapit si yaya Carol na nangingiti habang may dala-dalang tray ng juice at cookies. “Ano ka ba bes? Wag ka nga tumili! Nakakahiya baka marinig ka ng mga kapit-bahay!” “Bakit, kapit-bahay niyo ba yung crush mo? Pwede ko bang silipin?” “What? Hindi noh!” tanggi ko sa kanya. “Ay ganon? Akala ko pa naman, yung kapit-bahay niyong gwapo yung crush mo!” kinikilig pa nitong sabi. Kahit kelan talaga,may pagkakalog ‘to. “Pero teka, ang alam ko matandang balo yung nakatira sa kabilang bahay. Anong sinasabi mong gwapo?” “Ha? Nakita ko kanina bago ako bumaba ng kotse! There’s a cute guy next door, promise!” I looked at her with a very serious face. “Bes, hindi kaya… nakita mo yung lalaking nagmumulto sa kabilang bahay?” Bigla itong natahimik at saka namutla. I knew it. Madali pa din siyang matakot. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng palihim. “M-May nagmumulto ba sa kabilang bahay? Oh my God! Come to think of it, naka-all white nga siya nang makita ko!” halata sa mukha nito ang takot. “Kalimutan mo na nga yan! Baka guni-guni mo lang yun! Matanda na yung nasa kabilang bahay noh!” natatawa ko pang sabi sa kanya at saka dinampot yung juice na ibinaba ni yaya Carol. “Oo nga pala bes, paano mo nakilala si… Euridice?” maya-maya ay tanong nito. “Si ate Euri?” “You’re calling her ate… close ba kayo?” “Ate siya nung… special someone ko,” ibinaba ko yung baso at saka sumandal sa sofa. “Yung crush mo? S-Sino sa kanila?” she lift her glass to take a sip. I bit my lower lip before saying his name. The name of the guy I like. “It’s Josh. Joshua Rilorcasa,” ramdam ko ang pagbaha ng init sa buong mukha ko. Even mentioning his name can make me feel this way. I cupped my face so as to cool it down. Tiningnan ko naman si Annika na hindi na nagsalita. Parang bigla itong namutla. “Annika? Are you okay?” Parang nagulat naman ito sa pagtawag ko kaya bigla nitong nabitawan ang hawak na baso. “Oh my God! S-Sorry!” “It’s okay! Ipalinis na lang natin!” Tumakbo agad ako para tawagin si yaya Carol. Pagbalik namin sa living room ay nakaupo na sa sahig si Annika. She was holding bits of crashed glass and her hand is bleeding. “Annika! I told you it’s okay!” sigaw ko sa kanya at saka siya inalalayan patayo. Nakatulala lang ito at parang wala sa sarili na umupo sa sofa. Kumuha naman agad ako ng first-aid kit at saka ginamot yung sugat niya sa kamay. “Ericka…” “Oh?” “Can you… divert your feelings for Josh to someone else?” Natigilan ako bigla sa sinabi nito. “A-Anong sabi mo?” Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. Pakiramdam ko ay unti-unting sumisikip ang paghinga ko. “I came back for Josh. He’s my first love.” And as I hear those words, I felt like my world suddenly stopped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD