Chapter 23: Prime suspect

1567 Words
ERICKA’S POV Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdamang nagvibrate ito. I opened the text message only to find weird characters. FROM: UNKNOWN NUMBER *******? Ano na naman ‘to? Mukhang wala lang magawa sa buhay ang nagsend nito. Napailing-iling na lang ako at saka itinago ang cellphone sa bulsa ko. “Manong Bart, itabi mo na lang muna diyan!” sabi ko sa driver namin at saka nito itinabi ang kotse sa tabi ng bookstore. Saturday kasi ngayon kaya wala akong pasok sa school. Pumasok ako sa bookstore at saka namili ng mga books na pwede kong basahin during my free time. Namili din ako ng mga cute pens at saka dumiretso na sa cashier. Habang nakapila ay nakakita pa ko ng cute cellphone strap. Isang pink at isang blue na teddy bear. Napangiti ako nang bigla kong maalala si Haja. Kinuha ko yung dalawang cellphone strap at saka isinama sa mga babayaran kong books. Come to think of it, hindi ko pa pala natatapos yung book na nabili ko dito last time. Siguro ay sisimulan ko ulit basahin yun from Book 1 para tuluy-tuloy. Isa pa naman yun sa mga all-time favorite books ko. “One thousand two hundred fifty pesos po, ma’am,” nakangiti pang sabi ng cashier. Inabot ko naman dito ang tatlong five hundred bills. Matapos akong suklian ay lumabas na ko ng bookstore. Paglingon ko sa kabilang kalsada ay napakurap-kurap pa ko nang matanaw ang pagbaba ni Josh mula sa kotse niya. Si Josh ba talaga yun? Bakit nandito na naman siya? Teka, don’t tell me imi-meet niya naman yung babae niya? Napasimangot ako nang maalala na naman ang pag-iwan ni Josh sa’kin para i-meet ang kung sinumang babaeng yun. Tinanaw ko kung saan siya pupunta at nakita kong nagmamadali itong tumakbo papunta sa isang narrow alley. “Saan sunod nating destinasyon ma’am?” bungad ni manong Bart. “Teka lang po, may pupuntahan lang ako saglit,” inabot ko dito lahat ng pinamili ko at saka dali-daling tumakbo papunta sa tawiran. Tumawid naman ako ng kalsada at saka pasimpleng sinundan si Josh. Hindi naman sa nangingialam ako, curious lang naman ako kung anong klaseng babae yung gusto ni Josh. Yun lang naman. Kung mas maganda ba siya, mas matangkad, mas classy, mga ganun? Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw ang likod ni Josh. Ngayon pa nga lang parang pakiramdam ko ay may kumukurot na sa puso ko, paano pa kaya ‘pag nakita ko mismo silang magkasama mamaya? Nakita kong pumasok si Josh sa isang lumang building. Bago pumasok ay tiningnan ko muna ang kabuuan nito at pati na din ang paligid. Parang haunted building. Bakit naman sila magmimeet sa ganitong lugar? Teka, hindi kaya may gagawin silang kababalaghan? Halaa…hindi pwede! Agad akong tumakbo papasok at hinanap si Josh. Natigilan naman ako nang makitang napatigil ito sa isang pinto. Nagtago ako sa huling kantong nilikuan niya at saka dahan-dahang sinilip si Josh mula dito. Nakita ko naman siyang ilang beses pang lumunok bago pinihit ang door knob. Ilang sandali pa at narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya-maya pa at dahan-dahan na akong naglakad papunta sa harap ng pintuang pinasukan nito. Huminga ako ng malalim. Nasa loob sila, Ericka! Si Josh at ang babae niya! Hahawakan ko pa lang sana ang door knob nang may marinig akong ingay mula sa loob. Ingay na parang may nahulog na mabigat. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong pumasok sa loob. Medyo madilim sa loob pero maluwang naman ang kabuuan nito. May mga lumang gamit sa loob, mga cabinet at saka mga maalikabok na mga papel. Napanganga ako nang paglingon ko sa isang tabi ay may makita akong isang lalaking nasa sahig, duguan. Sa tabi nito ay nakahiga din si Josh at may hawak pang kutsilyo sa kaliwang kamay. What the heck? “Josh!!” sigaw ko sa kanya. Agad akong lumapit dito at niyugyog ito para gisingin. Inilayo ko sa kamay niya ang kutsilyo at saka napatingin sa katawang malapit dito. The body was probably stabbed by a knife. Did Josh stab him? “Ahh…” ungol ni Josh. Mukhang nagigising na ito. “Josh!” nag-aalala ko pang tawag sa kanya. Unti-unti nitong dinilat ang mga mata at tiningnan ako. “A-Are you okay? May masakit ba sa’yo? T-Tatawag ako ng ambulansya!” nanginginig pa ang kamay ko nang kunin ko sa bulsa ko ang cellphone ko at i-dial ang 911. Narinig ko ang pagring ng kabilang linya. Napatingin naman ako kay Josh na biglang kumapit sa braso ko. He has blood on his hand. Nilipat ko ang tingin ko sa lalaking duguan na nasa tabi niya. Blood that was definitely from this guy. “Hello? This is 911, how may I help you?” rinig kong sagot ng kabilang linya. “Someone has been—“ nabitiwan ko ang phone ko nang tabigin ito ni Josh. Nakakunot ang noong tiningnan ko naman siya. “What do you think you’re doing, ugly nerd?” madiin nitong tanong. Mas lumalim ang pagkakunot ng noo ko sa narinig ko. Pamilyar ang way niya ng pagsasalita kaya napakurap-kurap pa ako bago sumagot. “Third?” Bumangon ito at saka pinindot ang end button sa cellphone ko. Tumingin ito sa tabi niya at saka napamura ng malakas. “Damn it! Someone set me up!” galit na galit na sabi nito. “I-Is he dead?” tanong ko sa kanya at saka dahan-dahang tiningnan ang duguang katawan na nasa tabi nito. Hinawakan naman nito ang leeg ng lalaki. “Yeah, he’s not breathing anymore,” nakakunot ang noong sabi nito. Napadaing ito bigla at saka humawak sa ulo. “May masakit ba sa’yo?” Sinamaan niya naman ako ng tingin. “Obvious ba? Parang may pumukpok na naman sa ulo ko, ang sakit!” sabi pa nito. Parang may kung anong bumaha naman sa loob ko. Napatingin ako sa paligid ng room. Bukod sa pintong pinasukan namin kanina ay may isa pang pinto sa loob ng room. An emergency exit. Agad akong tumakbo papunta dito. Hahawakan ko na sana ang door knob nito nang bigla akong may maalala. Posibleng dito lumabas yung salarin! I should preserve the fingerprints! Kinuha ko yung panyo ko at saka isinapin sa door knob bago ito buksan. Hindi nga ito nakalock. Sa labas ay may hagdang pababa. He had a perfect escape. Huminga ako ng malalim at saka bumalik kay Third. “What are you looking down there?” nakapameywang pa nitong tanong. Kung makapagsalita ito ay parang hindi pa rin nito nagegets kung anong sitwasyon siya nalalagay ngayon. I mean, kami pala. Kung may dadating mang— “Freeze!” sabay pa kaming napalingon ni Third sa may pintuan nang bigla itong bumukas at iluwa nito ang isang unipormadong pulis. May mga backup din itong mga police officers at lahat sila ay may baril na nakatutok sa’min. Nananaginip lang ba ko? Why do I feel like troubles are coming one after another this day? And it’s getting worse every minute. Napahugot ako ng malalim na hininga. Dahan-dahan kong itinaas ang dalawa kong kamay. Gayun din si Third na kahit halata sa mukha ang sobrang pagkabadtrip ay napataas na rin ng kamay. Pumasok na ang mga pulis sa loob ng room at saka ininspect yung duguang lalaki sa lapag. “Confirmed Sir, siya nga po si Mr. Johndon Tuazon,” sabi ng police officer na unang lumapit sa katawan ng biktima. Dahan-dahan namang lumapit kay Third yung bigotilyong officer na mukhang pinakamataas ang ranggo sa kanila. May dinukot ito sa suot na uniform at saka dahan-dahang pinosasan si Third. “Inaaresto kita sa salang pagpatay kay Mr. Johndon Tuazon. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to speak to an attorney, and to have an attorney during any questioning now or in the future.” Hindi ako agad na nakapagreact. Is this really happening? Yung kinakatakot ko kanina na baka mapagbintangan siya ay nagkatotoo na. Tiningnan ko ang reaksyon ni Third. Kalmado lang ito. Ni hindi gumagalaw ang mata nitong nasa malayo lang nakatingin. Bakit hindi siya umaalma? Nagsimula na silang tumalikod at maglakad papunta sa pinto. “T-Teka lang, officer! Wala po siyang kasalanan!” sigaw ko dito. Inilipat naman ng officer ang tingin niya sa’kin. “Dalhin niyo din siya. She was probably an accessory to his crime, an accomplice,” madiin pa nitong sabi. “No way! Wala kaming kasalanan!” sigaw ko sa kanya. Lumapit naman ang isa sa mga officer sa’kin at saka ako pinosasan. Nanghina ako bigla. I looked at Third. He was still quiet. Napapikit ako. Kung meron mang isang taong makakaligtas sa’min sa sitwasyong ito, yun ay… “Hey! Don’t tell me hahayaan mo na lang na akusahan tayo as criminals?” sigaw ko sa kanya. “Sumama ka na lang ng maayos miss!” hinawakan nila ang magkabila kong braso. Napangiwi ako sa sakit. “Al! You can solve the case, right?” Tama ba ‘tong ginagawa ko? Lalabas kaya siya? “Hey Al!” sigaw ko sa kanya. And at an instant, nakarinig kami ng mahinang pagtawa. Tawa na palakas ng palakas. Tawa mula sa kanya. Maging ang mga police officers ay nagtataka ding tumingin sa lalaking hawak nila. “Baliw yata ang isang ‘to Sir!” komento pa ng isang officer. “Al…” halos pabulong ko pang sabi. “Don’t worry, I already solved the case!” malakas nitong sabi at saka nakangiti pang tumingin sa’kin. Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasasabi mo?” nakakunot ang noong tanong dito ng bigotilyong officer. “What I’m saying is, you’re wasting your time with us na dapat sana ay ginugugol niyo na lang sa paghuli sa tunay na may sala,” kalmado pa nitong sabi. Sa isang iglap ay nakalas nito ang posas na nasa kamay nito. Bumagsak ang posas sa lapag na ikinatahimik ng lahat ng nasa loob ng room. “Sorry, but handcuffs really don’t suit my style,” pinatunog pa nito ang mga daliri sa kamay at saka inunat ang mga braso. “So, will you give me some time and hear my deductions, Detective Martinez?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD