JOSHUA’S POV
My mind suddenly got activated after hearing my clock alarmed. I stretched my hand to stop it from ruining my day at pagkatapos ay pumikit ulit ako. Yesterday’s memory suddenly popped in my imagination.
Eri’s face while kissing me. Napapikit ako ng mariin. Parang may mga dagang biglang naghahabulan sa tiyan ko. Napabangon ako bigla at napatanggal ng kumot. Pakiramdam ko’y nag-init bigla ang buong katawan ko.
Oh damn it!
Dumiretso ako sa C.R at saka naghilamos. Naalala ko na naman yung gabing nahimatay si Ericka sa may gate ng school.
“Asan na ba si Ericka? Gabi na ah?” For the nth time ay tumingin ako sa relo ko. It was already quarter to eight at mangilan-ngilan na lang ang mga students na naglalakad palabas. Ang sabi niya kanina ay nakalabas na siya ng locker pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Gaano ba kalayo ang building niya papunta dito sa gate?
Lumabas na muna ako ng sasakyan ko at saka lumapit sa gate. Nakita ko naman si Ericka dito na may hawak pang papel.
“Ma’am, okay lang ba kayo? Namumutla na kayo?” rinig kong tanong ni Manong guard dito. Agad akong tumakbo palapit sa kanila. Akmang hahawakan ni manong guard si Ericka nang ilayo ko siya dito.
“Don’t touch her,” madiin kong sabi na mukhang ikinagulat ni manong guard. I don’t know why but I felt like I don’t want anyone to touch her aside from me. Pabagsak na sumandig naman si Ericka sa dibdib ko. Kahit nanghihina ay pilit itong dumilat para tingnan ako. Tatanungin ko pa lang sana kung okay lang ba siya nang mapipi ako bigla sa inusal niya.
“A-AJ?”
She called me AJ. Damn it. Napakuyom ako ng kamao at saka tumingin sa sarili kong repleksyon. Bakit hindi niya ko tinawag as Josh? Bakit AJ ang binanggit niya at hindi Josh? Aish!
Huminga ako ng malalim at saka ko pinakalma ang sarili ko. Biglang nagsumiksik naman sa isip ko yung mga nangyari kahapon sa bahay ni Eri. Damn. Napahilamos ako sa mukha nang maalala lahat ng pinaggagawa ng isa ko pang personality.
“Noona! May boyfriend ka na?”
“Ha?”
“Pag lumaki na ko, can I marry you?”
“Ha? M-Marry me?”
“Yup! You can take care of me forever!” I held both of her hands.“Am I not good enough? P-Pag lumaki ako, promise magiging doctor ako tapos magpapagawa ako ng malaking hospital! I’ll make you happy!”
“Talaga? Then, I’ll marry you kapag lumaki ka na!”
“Promise?”
Oh damn! Did I really do that? Huminga ako ng malalim at saka napapikit.
Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Ericka nito?
Nagpalit ako ng damit at saka dumiretso sa gym ng bahay namin. Huminga ako ng malalim at saka sinimulang suntukin yung punching bag.
Oh sh*t! Okay lang sana kung hindi ko naaalala kung anong mga ginawa nila katulad ng sitwasyon namin before. Pero iba na ngayon. Tama si Eri. I can now recall everything.
Sinuntok ko ng malakas yung punching bag kaya malakas din itong nagswing pabalik. Hinihingal na lang akong napayakap dito.
“Got some problems bro?” napalingon ako kay kuya na kakapasok lang. Mukhang magwowork-out din ito based on his get-up. Oo nga pala, Saturday ngayon kaya wala din itong pasok.
“Nothing,” lumayo na ako sa punching bag at saka lumapit sa water dispenser para kumuha ng tubig.
“I heard you’ve met Bianca the other day?” natigilan ako sa pag-angat ko ng inumin nang marinig ang tanong niya.
“Yeah. I saw her at the park, crying,” I told him emphasizing my words. Nakapameywang na humarap naman ito sa’kin.
“I see…”
“Why did you make her cry?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Umupo naman ito sa bench at saka malalim na humugot ng hininga.
“We… broke up.”
“What?” gulat akong napatingin sa kanya.
“I was such a jerk, that’s why,” sabi nito at saka mapaklang tumawa. Napakuyom naman ako ng kamao.
“What the—“
“I still love her though,” seryosong sabi niya at saka napatungo. Umupo naman ako at saka tumabi sa kaniya.
“Then why did you break up with her?”
Umiling-iling ito. “Her mom told me that she has an offer to study abroad. Ayaw daw pumayag ni Bianca kasi ayaw niyang malayo sa’kin. It was a rare opportunity but she won’t accept it because of me. Ayokong ako pa ang maging dahilan ng hindi pagtupad ng mga pangarap niya. That’s why… I chose to let her go.”
Nakahinga naman ako ng maluwang nang marinig ang paliwanag nito. At least now I know na mahal niya talaga si Bianca. My first love. Tinapik-tapik ko naman ang balikat nito.
“Don’t worry, everything will be fine,” sabi ko sa kanya at saka nauna ng lumabas ng gym. Alam ko namang gusto ring mapag-isa ni kuya kaya hahayaan ko na lang muna siyang solohin ang gym. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at saka naligo. Matapos kong maligo ay nagbihis na ko ng komportableng damit. Wala akong balak umalis ng bahay.
Dumiretso ako sa study room at saka nagbrowse ng librong pwedeng basahin. Sa dulo sa may pinakababa ay may napansin akong parang isang vault na nakalock. Lumuhod ako para makita ito maigi. It looks old maybe because of the visible scratches on its corners. Mukhang hindi rin ito nalilinisan dahil maraming alikabok sa surface nito.
Since curiousity strikes me, I tried to enter some numbers. Mali. I tried entering dad’s birthday. Mali pa din. Sinubukan ko din ang birthday naming magkakapatid pero ganun pa din. Wrong combination. I was about to give up when a four digit number suddenly popped in my head.
5392
Sinubukan ko itong ilagay at maya-maya pa’y nabuksan na ang vault. Hindi ko alam pero parang natuwa ako nang finally ay mabuksan ko ito. May ilang papel ang nasa loob nito, may ilang libro din at saka isang black notebook. Kinuha ko ang lahat ng laman nito at saka inilabas. Una kong binuklat yung black notebook.
Sa unang pahina ay may nakalagay ditong TOYNN, Sean.
Bubuklatin ko pa lang sana ang susunod na page nang biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sinong tumatawag. Unknown number. Napakibit-balikat na lang ako at saka ito sinagot.
“Hello?”
I waited for few seconds pero walang nasagot sa kabilang linya. I was about to end the call when I heard a soft melody on the background. A familiar classical music. Parang may kung anong nasa loob ko ang gustong lumabas. Nanghina bigla ang magkabila kong tuhod. Sumakit bigla ang ulo ko at napahawak pa ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng pagtibok.
What’s happening?
“Josh?” tumingin ako kay ate Euri na kakapasok lang ng study room. Dali-dali itong tumakbo palapit sa’kin. “Are you okay?”
I ended the call at saka ito pinatong sa mesa. Nanghihinang napaupo naman ako sa silya.
“What happened?” nag-aalalang tanong ni ate Euri.
“I don’t know. Someone called me but there’s no one speaking on the other line. I was about to end the call when I heard some… melody? I don’t know. It’s really… weird,” naguguluhan ko pang paliwanag sa kanya. I looked up to see her confused face.
“What kind of melody?”
“I don’t know… a classical music?”
Napansin kong napaisip ito bigla.
“Ate Euri?” mukhang natauhan naman ito bigla at saka biglang nag-iwas ng tingin.
“Kalimutan mo na lang muna yun. Teka, bakit nasa labas ang mga ‘to?” pag-iiba nito sa usapan at saka inayos ang mga inilabas kong gamit mula sa vault.
“Sinong naglabas nito?” narinig ko pang bulong niya.
“Nakuha ko yan sa vault kanina,” I told her as I leaned my back on the chair. Nagtatakang tumingin naman si ate Euri sa’kin.
“You opened the vault? May passcode ‘to ah? How did you open it?” sunud-sunod nitong tanong.
“Bigla na lang pumasok sa isip ko yung passcode,” parang wala lang na sagot ko sa kanya.
“You’re kidding , right?”
“No?”
Okay, I felt like something’s weird is going on here.
“So you were saying na bigla mo na lang naisip ang passcode at nabuksan ang vault even if you’re still Josh?” malakas nitong tanong. Bigla akong kinutuban ng masama.
…even if you’re still Josh.
“What do you mean by that?”
Hindi niya ako sinagot.
“Ate!” She gave me a very serious look. Napalunok naman ako.
“Listen to me, Josh. You should never try to look for these things again,” madiin niya pang sabi. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganito kaseryoso.
“P-Pero bakit?” lakas-loob kong tanong.
“Basta!” Nag-iwas na naman ito ng tingin.
“Ate!” hinarap ko siya sa’kin. She can’t look at me straight. I guess it’s really serious.
“Is it about another personality inside me?” maya-maya pa’y tanong ko. She took a deep breath at saka ako tinitigan sa mata.
“Yeah. I don’t want that personality to resurface again. So just trust me, okay?”
I looked at her worried face. Some part of me badly wanted to know the reason why I shouldn’t see those documents, why I remembered the passcode and why did I feel weird when I heard that melody. I was craving for answers, for explanations. But it seems too impossible for now. The answers were still sealed. Too far from my reach.
I let out a deep sigh.
“Okay,” I told her at saka tumalikod na para lumabas ng study room. I felt my phone vibrate so I immediately looked at its screen. It’s a text message from an unknown number.
From: UNKNOWN NUMBER
Meet me and I’ll answer all your questions.
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Bigla akong kinutuban ng masama. Agad kong tiningnan ang call register ko at katulad ng hinala ko, it was the same number. The one who called earlier. The one who let me hear the melody.
I replied ‘Who are you?’ then after few seconds, a reply came in.
From: UNKNOWN NUMBER
You’ll know later.
Sunod nitong tinext ang address at oras ng meeting namin. Napahawak ako ng mariin sa cellphone ko.
Should I go or not?