Chapter 21: Sweet-lover

2018 Words
I’m always watching you, Ericka. Napatingin ako sa aninong papalapit sa’kin. Agad na napuno ng takot ang puso ko nang marinig ang tawa niya. Mula sa kung saan may narinig pa akong isang tunog. Isang classical music. Hindi ako pamilyar sa title nito pero ang alam ko ay napakinggan ko na siya noon. Unti-unting lumalapit ang anino. Maliwanag sa likod nito kaya tanging silhouette lang niya ang nakikita ko. Matangkad siya at may magandang pangangatawan. “Ericka…” marahan niya pang sabi. Papalapit siya nang papalapit. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. “No!!!” sigaw ko. Agad akong napadilat. Hinihingal akong napatingin sa puting kisameng tumambad sa’kin. “Are you okay, Eri?” nilingon ko si Josh na nakatunghay sa’kin. “A-Anong ginagawa mo dito?” agad kong tanong sa kanya. Lumayo naman ito at saka nakacrossed arms na tumingin sa’kin. “Nahimatay ka sa gate. Mabuti na lang at hinintay kita.” “Ha? H-Hinintay mo ko sa gate?” parang may kung anong humaplos sa puso ko. “Oo. Gabi na kasi kaya hindi kita pwedeng hayaang mag-isang umuwi. Ang sabi pa man din ni ate Euri, may nagbalita daw sa kanya na may gumagalang rapist ngayon sa area malapit sa school.” “R-Rapist?” bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. “Oo! Kaya wag ka ng umuwing mag-isa!” malakas pang sabi nito habang nakakunot ang noo. Teka, galit ba siya? “Bakit ka sumisigaw?” “Wala!” sigaw pa nito. Huminga pa ito ng malalim bago magsalita ulit. “Bumangon ka na at magbreakfast. Ihahatid kita muna sa inyo para makapagpalit ka ng uniform,” kalmado ng sabi nito at saka tumalikod na’t dire-diretsong lumabas ng room. Napapikit-pikit pa ko habang nakatingin sa likod niya. Tinapik-tapik ko pa ang magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko kasi’y nag-init ito bigla. Bumangon naman na ako at saka sumunod sa kanya sa labas. Naabutan naman namin si ate Euri na nagbe-breakfast kasalo ang dalawang lalaki at isa pang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay kuya ni Josh yung isa, si MJ. Sikat din kasi ito sa school, lalo pa’t student siya from Computer Engineering. Napatigil sila sa pagkain nang makita ako. Okay, awkward. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng bahay na pwedeng tulugan ay dito pa ko sa bahay nila Josh nagpalipas ng gabi. Pwede naman niya kong gisingin tapos iuwi sa bahay namin di ba? Tsk. Tsk. “Maupo na kayo Eri, Josh,” utos ni ate Euri kaya kahit parang gusto ko ng mabaon sa lupa dahil sa titig ng mga kapatid niya’y naupo na lang ako sa tabi niya. Umupo na rin si Josh sa tabi ko. Nagsandok na kami ng makakain. “Ehem, siya na ba ang sagot sa mga dasal mo Josh?” nasamid ako bigla sa tanong ng kuya ni Josh. Nakangiti pa ito ng nakakaloko na mas lalong nagpagwapo dito. Pero nah, mas gwapo pa rin si Josh para sa’kin. Teka, ano na naman ba ‘tong sinasabi ko? “Oo nga kuya, ipakilala mo naman sa’min ang girlfriend mo!” banat pa ng isang lalaking mukhang mas bata sa kanya. Pang boy next door ang itsura nito at mukhang habulin din ng chicks. “Tigilan niyo nga si kuya Josh, kuya Vince! Hayaan nating si kuya Josh ang maginitiate na ipakilala siya sa’tin!” sabi naman ng babaeng parang manika sa sobrang cute. She has curled long hair tied in both sides. Napangiti naman ako sa ka-cute-an nilang magkakapatid. “She’s Ericka, Josh’s friend,” sabi ni ate Euri. Awts, friend. “Ericka, these are my siblings. MJ, Vince and Joy.” “Friend? I thought she was his girlfriend?” nakapout pang sabi ni Joy. “Asus! Friend daw,” nakangiti pang sabi ni kuya ni Josh. “Tumigil na nga kayo. She’s not my girl, okay?” seryosong sabi ni Josh at saka tumayo na. Para akong sinampal ng magkabilaan sa sinabi niyang iyon. Bigla din silang tumahimik. Umalis na sa pwesto niya si Josh kaya itinigil ko na din ang pagkain ko at sumunod na sa kanya. Naabutan ko naman siya sa labas ng bahay. Mukhang badtrip. Ganun ba niya ka-hate ang idea na maging girlfriend ako? Parang gusto ko tuloy umiyak ngayon. “I’m sorry,” napatingin ako sa kanya. “P-Para san?” “Masyadong makulit yung mga kapatid ko. Pasensya na,” hindi ngumingiting sabi nito. “O-Okay lang naman sa’kin. Walang problema,” napatungo ako. Bakit parang ang seryoso ni Josh ngayon? Nasaan na yung dating Josh na mabait? “Come on! I’ll drive you home!” nauna na itong maglakad papunta sa garage. Napabuntong-hininga na lang ako at saka sumunod sa kanya. Sa byahe ay tahimik lang kami pareho. This awkward silence is killing me, seriously. Palihim ko siyang sinulyapan pero seryoso lang itong nakatingin sa harap. “Ohh nandiyan na pala kayo!” bungad ni yaya Carol sa’min pagkarating sa bahay. Nakagloves pa ito at may suot na apron. She was probably baking something again. Naamoy ko naman ang mabango at matamis na amoy na iyon. “Wait ya, is that—“ nanlaki ang mata ko nang ngumiti ng maluwang si yaya Carol. Napatakbo naman ako papunta sa kitchen. “Wahhh strawberry cake!” “Mahilig ka sa cake?” nilingon ko si Josh na sumunod pala sa’kin. Sinunud-sunod ko naman ang pagtango sa kanya. “Sinadya ko talaga yang i-bake ngayon para naman mapasaya ka. Medyo matamlay ka kasi nitong mga nakaraang araw,” natouched naman ako sa sinabi ni yaya Carol kaya lumapit ako dito at niyakap ito. “Thanks ya! You’re really the best!” “Ay sus! Itong batang ito talaga! Tikman mo na yung cake!” bumitaw na ko sa yakap ko sa kanya at saka kumuha ng kutsara. Tinikman ko kaagad ang cake. Napapikit pa ko habang ninanamnam ang tamis nito. Yumyum! Pagdilat ko ay muntik na kong masamid nang makita si Josh na nakanganga habang nakatingin sa’kin. OMO! “G-Gusto mo?” alok ko sa kanya sa cake. “Okay lang?” tanong niya pa bago hawakan yung spoon. “Oo naman noh!” Dahan-dahan nitong hinawakan ang spoon at saka tumikim ng cake. Sinundan niya ito ng sunud-sunod na pagsubo kaya napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. “Aba! Mukhang nagustuhan niya ang cake!” natutuwang sabi naman ni yaya Carol. Oo nga, mukhang gustong-gusto ni Josh yung cake. May mga icing pa sa bibig nito kaya hindi ko mapigilang tumawa. Para siyang bata, ang cute. “Ay naku! Ilalabas ko nga pala yung mga nilabhan ko! Sandali lang hija ah?” paalam ni yaya Carol at saka lumabas na ng kusina. Amused na pinanood ko naman si Josh habang patuloy ito sa pagkain. Halos maubos na nito ang buong cake nang tumigil ito at tumingin sa’kin. “Yah! Can’t you give me some drinks?” napakurap-kurap ako nang marinig siyang magsalita. Bakit parang… “Aish! Didn’t you hear me?” he rolled his eyes on me at saka tumalikod. Nagpaskip-skip pa itong pumunta sa tapat ng refrigerator at saka kumuha ng isang bote ng tubig. Binuksan niya ito at uminom mula dito. Napanganga naman ako. Yung boteng kinuha niya, 1.5L na bote yun! Pagkainom ay basta na lang niyang sinalpak ang bote sa loob ng ref at saka bumalik sa harap ko. Naiwan niyang bukas yung ref kaya pumunta naman ako dito para isarado ito. Inilabas ko na din yun boteng kinuha niya at nilagay sa mesa. “This cake is pretty good! I’m really not eating homemade pastries before ‘cause I think they sucks but tasting something this good now makes me think that It’s really not as bad as I thought,” tuluy-tuloy pang sabi nito habang patuloy lang sa pagkain. Binitiwan niya na yung spoon at saka kinamay yung natitirang cake. “Hey! Are you my new noona?” “Ha?” nakaawang ang bibig na reaksyon ko. “Noona? Yaya? My caretaker?” “C-Caretaker?” Oh sh*t. Pamilyar ‘tong pakiramdam na ‘to ei. “Yeah! Didn’t you give this cake for me? It’s not my birthday though but well, thanks!” may pagtaas pa ng kilay na sabi nito. It’s freaking me out. His cuteness is freaking me out, seriously. Ericka, kalma. You need to think properly. “Oh yes! I’m your… noona?” “I knew it!” tuwang-tuwang sabi nito at saka lumapit sa’kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nginitian niya naman ako ng maluwang at saka ko lang narealize kung anong ginagawa niya. Pinunas niya sa’kin yung icing! “Hey! What are you doing?” sigaw ko sa kanya. “Oh? Why? That makes you cute! Aren’t you glad I made you cute?” nakangiti pang sabi nito. What a brat. “What?” Dumila pa ito at saka tumakbo palabas ng kitchen. “Hey!” sigaw ko sa kanya pero tuluy-tuloy lang ito sa pagtakbo. Para itong bata na nakikipaglaro. Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mukha ko. Shocks, ang lagkit. Hinagilap ko kaagad siya sa living room. “You can’t ever catch me noona! Haha!” hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sitwasyon namin o mag-aalala na baka makita siya ni yaya at kung anong isipin sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang tumungtong ito sa sofa at nagtatalon. “Hey! Are you already tired?” tumatalon pang sabi nito. “H-Hey! Your shoes!” sigaw ko sa kanya. Tumingin naman ito sa baba at saka itinaas lang ang isang paa. “Why? I have my shoes, so?” Napapikit naman ako. Ahh alam ko na! “D-Do you want some… toys? Meron ako sa taas!” sabi ko sa kanya. Mukhang napaisip naman ito bigla. “What kind of toys?” “Ahm… robots?” pinaningkitan niya naman ako ng mata. “Remote control cars? Pellet guns?” Mas lalo itong sumimangot. Ano bang toys gusto niya? Dahan-dahan itong bumaba ng sofa at saka naniningkit ang matang tumingin sa’kin. Nakacrossed arms pa itong lumapit sa’kin. “Dolls?” biglang nagliwanag ang mukha nito. Don’t tell me… “Deal! Let’s go!” tumakbo na ito papunta sa hagdan. Seriously? Dinala ko siya sa kwarto ko. Tuwang-tuwang iginala naman niya ang paningin sa buong kwarto. Marami kasi akong mga stuffed toys na nakadisplay dito. Nanghihinang napaupo naman ako sa kama ko habang nakatingin lang sa kanya. Another personality appeared. And it’s a childish, girly, brat. “Yah! Noona! Can I have this bear?” tanong niya pa habang nakaturo sa malaking bear na nasa tabi ng bedside table ko. It’s the gift I received when I was 10 years old. “Sure!” “Really? Wow! You’re an angel!” tuwang-tuwang sabi nito. Hahawakan na sana nito ang bear nang makitang puno pa ng icing ang kamay niya. Nakangiting humarap naman ito sa’kin at saka pinakita ang dalawang kamay. Pumunta naman ako sa C.R at saka nagbasa ng bimpo. Pagkatapos ay bumalik ako sa kanya at saka siya pinaupo sa tabi ko. Nakangiting inabot naman niya sa’kin yung kamay niya. “Noona!” napataas ang tingin ko sa kanya. “What’s your name?” “Ericka,” maiksing sagot ko at saka ibinaba ulit ang tingin sa kamay niyang pinupunasan ko. Hindi ko pa rin magawang tumingin ng matagal sa kanya. Naaalala ko pa rin yung sinabi niya nung nakaraan. Bakit ba kasi ang talas ng memory ko? “I’m Haja! Nice meeting you Noona!” nagulat ako nang bigla niya kong niyakap. Why so… sweet? I’m not a pedophile so layo ka na please? Inilayo ko siya sa’kin at saka siya tiningnan. Nakangiti lang din itong tumingin sa’kin. An innocent smile. Why so cute? Ang sarap niya sigurong gawing keychain! De joke lang. “Haja…” mahina kong sabi. “Hai?” “Ahm… I’ll wipe your face too. Ang amos kasi!” idinampi ko naman sa maputing mukha nito ang bimpo at saka ito pinunasan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mapulang labi nito. “There is a way on how to bring Josh back even when another is taking over this body. Do you wanna know how?” “Noona! May boyfriend ka na?” napakurap-kurap ako nang magsalita siya bigla. “Ha?” “Pag lumaki na ko, can I marry you?” “Ha? M-Marry me?” nauutal ko pang sabi. “Yup! You can take care of me forever!” Parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Why, am I having a proposal from a child? Why?   Hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo pa’t hinawakan niya ang magkabila kong kamay. “Am I not good enough? P-Pag lumaki ako, promise magiging doctor ako tapos magpapagawa ako ng malaking hospital! I’ll make you happy!” Napangiti naman ako. Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak. Maybe I was being too happy to hear it from him. Itinaas ko naman ang kamay ko at saka ginulo ang buhok niya. “Talaga? Then, I’ll marry you kapag lumaki ka na!” “Promise?” Tumango ako bilang sagot. If only he was not just a personality… “Shall I give you a gift?” sabi ko sa kanya. “Really? What is it?” “Close your eyes!” excited naman itong pumikit. If only you’re Josh… I lowered my face to reach for his lips. And as my lips touched his lips, a tear fell from my eyes. “I’m sorry.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD