Matapos ang klase ay agad akong dumiretso pauwi ng bahay. Hindi ko na hinintay pa si Josh na sunduin ako. Ayoko muna siyang makita. Baka hindi ako makapagpigil at umiyak ako sa harap niya. Nang makarating sa kwarto ay agad akong dumapa sa kama.
“There’s nothing going on between us. We’re just friends.”
Friends… now I know kung anong pakiramdam ng na-friendzoned. Ang sakit pala talaga.
“It’s not her.”
So it’s true na may babae na siyang nagugustuhan at hindi ako yun. Ang sakit naman. Bakit hindi na lang ako? Napabuga ako ng hangin out of frustration. Posibleng yung babaeng nakita ko kahapon yung babaeng gusto niya. Tinatamad na bumangon ako at saka humarap sa salamin.
Yeah right, I’m just a nerd.
Maybe I was thinking ahead of myself these past few days na nalimutan ko kung sino ba talaga ko at kung anong itsura ko. Sinubukan kong tanggalin ang suot kong salamin.
Ay shemay, ang labo sa paningin!
Ibinalik ko sa mata ko ang salamin at saka itinuloy ang pagtingin sa itsura ko. Too plain. Too common. Bumalik ako sa kama ko at saka padapa akong sumampa dito.
There’s no way he can like me.
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising. Tinext ko kaagad si Josh na wag na kong sunduin dahil may gagawin pa ko. Sinukbit ko na ang bag ko at saka dire-diretsong lumabas na ng bahay. Kailangan ko ng simulan magmove-on.
Fighting Eri! Ah no! Fighting, Ericka!
Since day-off ngayon ng driver namin ay no choice ako kundi ang magcommute papasok. Napapitlag ako nang bigla na lang may bumusina sa likod ko. Tumabi naman ako para padaanin yung itim na kotse pero nanatili ito sa mabagal na pagtakbo. Binilisan ko naman ang lakad pero sinabayan lang nito ang bilis ko. Nagsimula na kong mainis sa kung sinumang driver nito kaya tumigil ako sa paglalakad at nakacrossed arms na tumingin dito. Tumigil din ito sa pag-andar.
“Oi bat mo ko sinusundan?” sigaw ko sa driver. Hindi ko kasi maaninag ang loob nito dahil tinted ang bintana nito. Unti-unti naman nitong ibinaba ang bintana sa driver side.
“Good morning my lady!” nakangiti niya pang bati.
“Rom? What are you doing here?” agad kong tanong sa kanya.
“Ahm nagdadrive palabas ng subdivision at papasok na ng school?” sagot naman nito. Saka ko pa lang napansin na nakaschool uniform ito na may logo na kapareho ng sa school namin.
“Sa E.A ka din nag-aaral?”
“Yup! Gusto mo bang sumabay?” nakangiti niya pang alok.
“Ahh… okay lang ba?” wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanya di ba? Walang malisya. Dahil nerd naman ako at gwapo siya. Ipinagbukas niya ko ng pinto sa passenger seat kaya wala na kong nagawa kundi ang umupo sa tabi niya.
“Lahat ba kayo, sa E.A napasok?” tanong ko sa kanya habang nasa byahe.
“Ahh oo, sinadya naming magpatransfer lahat dito nang magtransfer si boss,” sagot niya. Ang loyal naman nila.
“Oo nga pala, bakit si Camille ang boss niyo?”
“Mahabang kwento,” ngumiti ito ng maluwang. Mukhang wala akong karapatang alamin pa ang kwento ng grupo nila kaya hindi na ko nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa school. Nagpababa na lang ako sa library dahil maaga pa naman. Pinili kong pumwesto sa may mesa sa pinakasulok para tahimik.
Pumunta muna ko sa book section para magbrowse ng mga pwedeng basahin. Naiwan ko kasi sa bedside table ko yung binabasa kong libro kahapon. Nang makapili na ay bumalik na ko sa pwesto ko. May napansin pa kong puting sobre sa ibabaw nito.
San galing ‘to?
Tumingin ako sa mga kalapit na table pero ang pinakamalapit ay yaong table kung saan isang grupo ng accountancy ang nagamit mga tatlong mesa ang layo mula sa’kin. Dahil nga maaga pa ay kakaunti lang din ang tao dito sa loob.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka tiningnan ang puting sobre. Baka sakaling may pangalan o clue para malaman kung sinong nagbigay, di ba? Pero kahit anong gawin kong paghahanap sa paligid nito ay wala akong nakita. Parang yung pag-asa ko na pwedeng magkaroon ng kami, wala.
Napailing-iling na lang ako at saka binuksan ang sobre. Kinuha ko ang nakatuping papel sa loob nito at binasa.
I’m always watching you, Ericka.
Oh sh*t! Ano ‘to? May stalker ba ko? Ahh hindi, imposible. Hindi naman ako maganda kaya paanong magkakaroon ako ng stalker? Isip, Ericka. Isip.
“Huy!” nagulat ako nang bigla na lang may tumapik sa balikat ko. Si Josh pala. “Are you alright? Namumutla ka yata…” hahawakan niya sana ang noo ko pero tinabig ko ang kamay niya.
“O-Okay lang ako!” itinabi ko sa bag ko yung puting sobre at saka tumayo na.
“Aalis ka na agad?”
“Ahh may klase na ko ei!” Naglakad na ko papunta sa book section at saka inilista sa book card yung mga librong hiniram ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kanina, dahil sa letter na natanggap ko. Ngayong biglang dumating si Josh ay hindi ko na alam. Parang nadoble yata ang bilis ng heartbeats ko.
Hindi kaya ako magkasakit sa puso ng lagay na ‘to?
Lumabas na ako ng library at tuluy-tuloy na naglakad papunta sa building ko. I-report ko kaya kay ate Euri yung natanggap kong letter? Pero baka prank lang naman yun tapos maabala ko pa siya. Sige, wag na nga lang!
“Ano p’re balita ko, nafriendzoned ka daw?” napalingon ako sa dalawang estudyanteng nag-uusap sa may hallway.
“Oo ei, langya! Ang sakit! Akala ko pwedeng maging kami tapos may iba pala siyang gusto!” sagot naman ng lalaki. Napasimangot naman ako. Binilisan ko ang lakad ko para lampasan sila. Ang aga-aga, bad vibes sila kuya!
Napanganga pa ko nang may marinig na kumakanta habang nakaheadset. Feel na feel ni ate ang pagkanta.
Why can’t it be… why can’t it be the two of us?
Why can’t we be lovers? Only friends…
Ouch. Nagtakip ako ng tainga at saka binilisan ko ang paglakad. Naman, bakit sila nananadya?
“There’s nothing going on between us. We’re just friends.” Parang nananadya pa na nageecho sa isip ko ang mga katagang iyon.
“Ahhh! Nakakainis!” sigaw ko habang hinihingal pa. Napatingin naman ako sa paligid ko na mga napatingin pala sa’kin dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. Itinakip ko sa mukha ko ang dala kong libro at dali-daling tumakbo papunta sa building ko.
***
Matapos ang lahat ng klase for the day ay tumuloy na muna ko sa locker ko para itabi dito ang ilang books na gagamitin ko sa ilang klase ko bukas. Masyado kasing mabigat kapag inuwi ko silang lahat ngayon. Bubuksan ko pa lang sana ang locker ko nang mapansing may nakaipit dito. Pagbukas ko ay tumambad sa’kin ang isang puting sobre.
Na naman?
Ipinasok ko na muna sa loob ng locker ang mga iiwan kong books at saka ko tiningnan ang sobre. Katulad ng nauna kong natanggap kaninang umaga ay walang kahit anong nakasulat sa labas nito. Napakibit-balikat na lang ako at saka tiningnan ang laman nito.
Stay alone so I can finally approach you.
Biglang nanlambot ang tuhod ko. Okay, this is really not good right?
Napapitlag ako nang biglang marinig ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. It’s Josh. Should I tell him or not?
“H-Hello?”
“Hey Eri, where are you?” I heard his worried voice. Inilagay ko sa bag yung sobre at saka lumabas na ng locker. Medyo madilim na din pala. I looked at my watch. It’s already 30 minutes past seven.
“Kakalabas lang ng locker, why?”
“Sabay na tayong umuwi,” napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinasabi niya. Bakit ba kasi binibigyan niya ko ng reason para gustuhin siya? Nakakainis.
“May dadaanan pa ko ei, mauna ka na lang,” napakagat ako sa pang-ibaba kong labi matapos kong sabihin yun.
“Pero Eri—“
“Bukas nalang, bye,” I ended the call at saka dire-diretsong bumaba ng hagdan. Congratulations Ericka, you’re doing a good job. Pagkalabas ko ng building namin ay nagpatuloy ako sa paglalakad. May ilang building pa kasi ang dadaanan bago makarating sa gate mula sa building namin. Mangilan-ngilang estudyante na lang din ang nakikita kong naglalakad. Napatigil ako bigla nang may mapansing nakasunod sa likod ko. Lumingon ako pero wala akong nakita.
Is it only my imagination?
Pero parang hindi. I swear I heard some footsteps a while ago. Kinapa ko agad ang cellphone ko sa bulsa at saka binilisan ang lakad. Huminga ako ng malalim. Maya-maya pa’y may narinig na naman akong footsteps. Mahina lang pero alam kong nasa likod ko lang siya.
Oh shocks, titingin ba ko? Paano kung masamang tao pala—don’t tell me, siya yung nagpapadala ng mga weird messages? Halaa?
Lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating sa gate. Nabuhayan ako ng loob nang matanaw na ang guard house at ang malaking gate palabas. Agad akong tumakbo papunta dito. Nagtataka pang tumingin sa’kin ang guard nang hinihingal akong tumigil sa harap nito.
“Okay lang ba kayo ma’am?” tanong pa ni manong guard.
“O-Okay lang ako, manong. P-Para kasing may sumusunod sa’kin,” hinihingal ko pang sabi at saka lumingon sa likod ko. Nahuli ko pa ang pagtalikod ng kung sinuman mula sa huling corridor na nilikuan ko. Napahigit ako ng malalim na hininga.
“Teka, kayo po ba si Ericka Basilonia?” Pilit kong pinakalma ang sarili ko at saka tumingin sa kanya.
“Ako nga po. Bakit po?”
“May nag-iwan kasi nito dito kanina. Ang sabi ay pagnakarating ka daw dito sa gate ay iabot ko daw sa’yo,” inabot niya sa’kin ang isang puting sobre. Oh, not again please. Nanginginig ang kamay na inabot ko naman mula sa kanya ito. Agad ko itong binuksan at saka binasa ang laman nito.
It makes me happy knowing that you felt my presence this time, Ericka.
Napapikit ako. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil nahirapan ako bigla sa paghinga.
“Ma’am, okay lang ba kayo? Namumutla na kayo?”
Nanghihina ako. Pakiramdam ko’y umiikot din ang paningin ko.What’s happening?
Nahagip ng paningin ko ang paglapit ni manong guard at pagdulog sa’kin. Pero agad din siyang nawala sa paningin ko nang may kung sinong sumambot sa katawan ko.
“Don’t touch her,” sabi ng boses na may halo pang pagbabanta.
Kahit nanghihina ay pilit kong iminulat ang mata ko.
“A-AJ?”