“So ibig sabihin, kayong lahat ay members ng gang na Blaue rosen?” tanong ko sa kanila matapos naming makabalik sa mansyong pinanggalingan namin kanina. Sa wakas kasi ay ipinaliwanag na nila sa’kin kung anong klaseng group itong kinabibilangan ni Josh.
“Right! We’re gangsters my lady! Good gangsters!” may emphasis pang sagot ni Rom na sinundan pa niya ng kindat.
“Pasensya na Eri kung hindi ko nasabi agad,” hingi pang paumanhin ni Josh.
“Ahh o-okay lang…” tiningnan ko naman isa-isa yung mga kasamahan ni Josh. Tatlo sa kanila ay babae: yung boss na si Camille, yung may mahabang buhok na sa pagkakaalala ko ay Jade ang pangalan at si Miggy na mukhang laging busy sa boyfriend dahil panay ang text nito sa hawak na cellphone. Yung mga lalaki naman niyang kasama ay gwapo lahat at mukhang mga basketball players sa tangkad. Syempre nandun si Ephraim at yung pinsan daw niyang may kulay pula ang buhok na si Red, si Alvin na engineering din katulad nila and lastly ay ang cute na si Rom.
Kung hindi pa sa kanila mismo nanggaling na mga gangsters sila ay baka inakala ko ng modeling agency itong napasukan ni Josh dahil sa mga itsura nila. Feeling ko tuloy, isa akong napakaordinaryong nilalang na napadpad sa lupain ng mga diwata. Mga Gods and Goddesses. Siguro requirement sa kanila ang looks bago makasali sa grupo nila. After few moments of day-dreaming habang tinitingnan silang lahat, I let out a deep sigh realizing how absurd my thoughts have gone.
“It’s getting late. Ang mabuti pa ay magsiuwi na kayo,” maya-maya pa’y sabi ng boss nilang si Camille. Come to think of it, bakit kaya siya ang boss nila samantalang may mga lalaki naman sa grupo?
Hmm… siguro, siya ang pinakamayaman sa kanila tapos tinakot niya ang mga ‘to para sumunod sa kanya. Tama! Posibleng kabilang siya sa mafia groups tapos nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamilya niya ang mga pamilya ng members niya. Dahan-dahan kong tiningnan si Camille na nasa harap namin. Agad akong napatungo nang mahuli niya kong tumingin sa kanya.
Mga nagsitayuan na sila kaya pati kami ni Josh ay lumabas na din. Nagpaalam muna kami sa kanila bago sumakay sa kotse.
“Pwedeng magtanong?” basag ko sa katahimikan habang nagdadrive siya.
“Sure.”
“Ahm… bakit ka sumali sa grupo nila?”
“Hmm… mahabang storya. Nung una, ayoko talagang sumali sa grupo nila at pinilit lang nila kong sumali. Pero nang tumagal-tagal ay napalapit na rin naman ang loob ko sa kanila. They’re not bad saka alam din nila kung anong klaseng sakit meron ako,” sagot nito at saka pilit na ngumiti. Napatangu-tango na lang ako.
Nagulat ako nang bigla niya na lang ihinto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa side niya.
“Bakit tayo huminto?” tanong ko.
“Ahh ano Eri… pwede bang ibaba na kita dito? May naalala kasi akong dadaanan ko,” apologetic niya pang sabi. Naguguluhan man ay tumango na lang ako. He looked so bothered, so what can I do right? Tinanggal ko na ang seat belt ko at saka bumaba na ng sasakyan.
“See you tomorrow!” sabi ko pa sa kanya at saka nagwave pa bago nito pinaandar ang kotse. Sakto pala na ibinaba niya ko malapit sa book store na pinagtatambayan ko dati. Napagpasiyahan kong dumaan na lang muna dito bago umuwi.
“Welcome to Rainbow Book Store ma’am!” bati pa ng staff pagpasok ko sa loob. Naglakad naman na ko papunta sa literary works at nagtingin-tingin ng mga libro. May nakita akong itim na libro sa pinakababa na siyang naiiba sa mga katabi nito kaya agad ko itong kinuha at tiningnan.
Dried Lotus III by TheOneYouNeverNotice
Teka, siya yung paborito kong author before ah? Agad kong binuklat ang mga pahina nito. Ito yung huling part ng series na inabangan ko two years ago. Ang alam ko ay limited copies lang ang naipamahagi nito sa mga book stores before kaya paanong meron nito dito?
Since hindi ko pa nababasa ang part na ‘to ay dali-dali ko siyang dinala sa cashier at binayaran ang libro. Napansin ko rin ang pagtataka sa mukha ng cashier nang makita ang book pero hindi ko na lang din ito pinansin pa.
Paglabas ko ng book store ay naglakad na ko papunta sa sakayan. May terminal naman ng tricycle na maghahatid papasok sa subdivision sa malapit kaya wala akong dapat ipag-alala. Medyo kailangan nga lang maghintay ng kaunti dahil may pila pa bago makasakay. Ang tagal na din pala simula ng sumakay ako sa sakayang ‘to. Huling sakay ko dito ay noong araw bago kami magkakilala ni Josh.
Ay naku Ericka, si Josh na naman nasa isip mo? Napailing-iling na lang ako at saka pilit na iwinaksi sa isip ko ang gwapo niyang mukha.
Paglingon ko sa kabilang kalsada ay napakurap-kurap pa ko ng makita si Josh na naglalakad. Naghahallucinate na naman ba ko at nakikita ko ngayon si Josh? May dala pa itong dalawang milk shake mula sa nilabasan nitong coffee shop at kasalukuyang naglalakad papunta sa malapit na park.
Pero ang sabi ni Josh ay may dadaanan pa siya kaya paanong nandito siya?
“Sakay na miss!” napalingon ako sa tricycle driver nang senyasan niya kong maupo na sa loob. Pumasok naman na ko sa loob at naupo sa b****a. May nakaupo na kasi sa tabi ko. Agad namang pinaandar ni manong yung tricycle. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ko si Josh at nakita kong may kausap ito. Babaeng may mahabang buhok.
Who’s that girl?
Kaya ba ibinaba niya ko agad ay para puntahan yung babaeng yun? Hindi ko tuloy maiwasang magtampo. Napasimangot na lang ako at napahalukipkip sa inuupuan ko.
Kinabukasan ay inagahan ko na ang gising ko para hindi ko na mapaghintay pa ng matagal si Josh. Nakakahiya naman kasi, hatid-sundo na nga ako sa kanya tapos paghihintayin ko pa siya. Hindi naman ako ganun kaabusado. And besides, hindi naman niya ko girlfriend kaya wala akong karapatan na paghintayin siya.
Matapos magbihis ay agad na kong bumaba. Naabutan ko pa si yaya Carol na nagluluto ng almusal.
“Ohh mukhang nauna ka naman ngayon sa sundo mo ahh?”
“Ahh nakakahiya naman po kasi na paghintayin ko pa siya ei hindi naman niya ko girlfriend!” pasalampak na naupo ako sa mesa.
“Asus! Trabaho ng lalaki na hintayin ang babaeng napupusuan nila!” sabi pa nito at saka ngumiti ng may halong panunudyo. I know what she’s thinking but I’d rather have her misunderstood kesa pagmukhain kong isa akong kaawa-awang nilalang. Nagvibrate naman ang phone na hawak ko kaya tiningnan ko kung sinong nagtext.
From: Josh
Eri, sorry hindi kita masusundo ngayon.
Napatuwid ako sa kinauupuan ko nang mabasa ang text niya. Inagahan ko pa man din ang gising tapos, hindi naman pala siya dadaan. I frowned and exasperatedly sighed.
“Alis na ko ya!” tinatamad ko pang sabi pagkatayo ko.
“Ohh nandiyan na ba ang sundo mo? Mag-agahan na muna kayo!”
“Ahh hindi po, may emergency daw po kasi sa kanila kaya hindi niya ko masusundo. Wala po kong ganang kumain, pasensya na,” pagdadahilan ko at saka dire-diretsong lumabas na ng kusina. Kinuha ko ang bag ko at saka lumabas na ng bahay.
Nagpahatid na lang ako sa driver namin papunta sa school. Since maaga pa ay napagpasyahan kong magpunta na lang muna sa school garden. Inilabas ko yung librong binili ko kagabi at saka sinimulang buklatin.
It’s about a lonely child who was left alone by her parents in the middle of a stormy night. Depressed by her traumatic past, she became aloof with people and trusts no one. When she turned 10, she was discovered by a computer manufacturer owner as a genius programmer. From that point, she became a threat to different software companies. Sa book 2 nito ay may lumabas na bagong character, si Sean. Katulad niya ay isa din itong batang may malungkot na nakaraan. Nagkakilala sila sa lumang library ng isang ampunan. Naging magkaibigan sila. Pero dahil sa hindi maiiwasang sitwasyon ay nagkahiwalay sila. Doon natapos ang book 2, isang sad hanging ending.
Napatigil ako sa pagbabasa nang may marinig na pamilyar na boses malapit sa’kin.
“What did you say?” Napalingon naman ako dito at tama nga ang hinala ko, si Josh yung narinig ko.
“I… I like you so much!” pulang-pulang sabi pa ng babae. Napaawang naman ang bibig ko habang nanonood sa kanila. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
“I’m sorry… but I already have someone I like,” rinig kong sabi ni Josh. Magkahalong emosyon ang bigla kong naramdaman sa sinabi niya.
“G-ganun ba?” hindi ko maiwasang maawa sa babae. Mukhang pinipigilan lang nito ang papabagsak na luha. Kahit siguro ako ang nasa posisyon niya ay ganun din ang mararamdaman ko.
“Pasensya na talaga…”
“I-Is it someone in our school?” Nanlaki ang mata ko sa tanong nito. Pakiramdam ko ay may biglang nag-uunahang mga paru-paro sa tiyan ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
“Ahm…” mukhang hindi naman alam ni Josh kung anong sasabihin.
No, parang ayoko ring marinig ang sasabihin niya…
“Is it Ericka?” napakurap ako ng ilang beses nang marinig ang pangalan ko. Ako? Oh shemay. Anong kasalanan ko sa babaeng ‘to at kailangan niya pa kong idamay sa heartbreak niya? “I mean, lagi kasi kayong magkasama. And you looked happy when you’re… with her.”
Napalunok ako ng ilang beses at saka dahan-dahang tumingin kay Josh. Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.
“It’s not her.”
Parang biglang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
“T-talaga?”
Ngumiti naman si Josh at saka tumango dito. “There’s nothing going on between us. We’re just friends.”
Napatalikod ako nang marinig ang sinabi niya. Agad kong inilagay ang libro sa bag ko at saka nagmadaling tumayo. “We’re just friends… tss… oo nga naman,” nanlalambot na humakbang ako palayo. May naramdaman akong pumapatak sa pisngi ko kaya napatingala ako. It’s not raining.
Ahh… sh*t… it’s my tears.