***** Nakamasid ako sa labas ng aming bintana. Hindi ako makatulog sa mga nangyari. Iniwan ko si Kyle at Adam na tulog na. Hawak ko ang tasa kong napatingin sa liwanag ng bituin. Tinitimbang ko ang mga pangyayari. Hindi ko naman pwedeng ipagkait si Kyle kay Adam. Masaya ang anak kong nakilala na niya ang kanyang ama. Nakakagaan sa dibdib ngunit marami pa ring bumabagabag sa aking isipan. "April!" boses sa likuran kong na gulat ako sa marahas na pagbukas ng pinto. Nakayapak si Adam na mukhang litong lito. Lumamlam ang mata niyang natigilan saglit ng makita ako. "Adam," ani ko. "M-may kailangan ka ba?" dagdag na sabi ko. Napahinga siya ng malalim na napahilot sa kanyang batok. "W-wala, wala...N-nauuhaw lang ako" aniyang tingin sa maliit naming hapag kainan. Dumiretso ako doon na s

