A/N: Thank you for making it this far. **** Iba ang saya ni Kyle. Malutong ang tawa niya habang nakikipaglaro sa ama. Naglagay ng basketball court si Adam sa tapat ng aming tirahan. Wala sa sarili din akong napapangiti habang pinapanood sila. "Ang galing mo Tay!" si Kyle ng makashoot mula sa malayo si Adam. "Ikaw din naman ah," si Adam na mabilis na kinarga ang anak at dinala sa kanyang leeg na binuhat. "Nay, tingnan mo ako!" si Kyle na may malapad na ngiti. Sa tangkad ni Adam na kinarga pa ang anak ay abot na abot ni Kyle ang ring. Naishoot ni Kyle ang bola, panay ang taas niya ng kanyang dalawang kamay. Nakakatuwa at masarap pagmasdan. "Pasali ako!" boses sa likuran namin. Si Tyrone. "Sige Ninong," si Tyrone na bumaba mula sa pagkakakarga ng ama. "Magkakampi po kami ni Tatay!"

