______ "Hi," bati ko ng madatnan ko siya sa kitchen. Dumiretso ako ng fridge para makakuha ng inumin. "Ano 'yang lulutuin mo?" silip ko sa kanya sa pagpreprepare niya ng kanyang lulutuin. "Menudo" aniyang nagpunas ng kamay. Pansin ko rin na may nakahandang nakabalot sa lumpia sa ibabaw ng mesa. Meron ding atsara sa gilid at inihaw na liempo. "Oh, pinoy theme night ngayon?" tukso ko. Siya ang madalas magluto ng hapunan namin. "May maitutulong ba ako?" tanong kong napatingin lang siya sa akin. "Marunong akong magtalop!"'prisinta ko. May mga hindi pa natalupang patatas at carrots sa mesa. "No, thanks...baka wala ng matira. The last time na ginawa mo iyon, na murder mo ang patatas" aniyang pang iinis. "Sus, ito naman, hindi naman kaya ganoon. Hindi lang ako marunong gumamit niyang pee

