**** Nauna siya sa pinto na biglang napahinto. Muntik ko ng mabangga ang kanyang likuran. Lumingon siya sa gawi kong inangat ang kaliwang kamay ko. "Where's your ring?" agap niyang tanong. "Ha?" "Your wedding and engagement ring," aniyang sabi muli. "Ah, nasa drawer ko" sagot kong inalala kung saan ko huling inilagay iyon. "Kailangan ko bang sootin iyon?" tanong kong hindi siya umimik. "...okay, okay! saglit kukuhain ko lang" ani kong hindi na siya hinintay na sagutin ako. Mabilis kong inilagay sa aking palasingsingan ang aking wedding at engagement ring. Pagbaba ko ay sinipat ko ang daliri ni Adam na soot din niya ang kaniya. "Magtataka si Mrs. Co kung wala tayo neto" aniyang sabi bago pa ako makapagtanong. Napaangkla ako kay Adam ng pagbaba namin sa kanyang sasakyan. Inabot na

