***** 4 years after... Natawa ako sa simangot at bagot na mukha sa harapan ko. "Bakit kasi hindi ka na lang pumasok sa toddler class mo?" nakangiting tanong ko. Lalo siyang sumimangot. "Nay, pambata lang iyon" aniyang inabot ang ilang medical supplies na inaayos ko. "Kyle, anak, bata ka pa. Baby ka pa nga eh, wala ka pang apat na taon" natatawa kong paalala sa anak ko. "Big boy na ako Nay" aniyang tumayo pang iminuwestra ang tangkad niya. Natawa ako lalo. "Nay! big boy na nga ako!" giit niyang kumunot pa ang noo. "Oo na, sabi mo eh" iling ko. Lumapit ako sa kanyang pumantay ng tingin. "Big boy ka na nga, pero baby pa rin kita" ani kong hinaplos ang ulunan niyang humalik sa kanyang noo. "Nay, nakakahiya na. Wag mong i ki kiss lalo na kapag maraming tao" aniyang muli. "Ikaw talaga

