***** "Ano okay na?" senyas na tanong ko kay Amy. Huling defense ng para sa research namin. Naging mas abala pa kami ng mga sumunod na buwan. Completions para sa iba, last defense para sa thesis, mga exams na kailangang tapusin. Lahat preparasyon para sa pagtatapos namin. Nag thumbs up siyang nakangiting papunta sa gawi namin. Mabilis siyang tumabi sa akin. "May isang oral revalida pa ako," dagdag niya. Ang sa akin nama'y halos tapos na. Nagbubuno na lang na matapos ko ang duty hours ko. "Kaya iyan" ngiti ko sa kanya. " Thank you Sis, mabuti ka pa tapos ka na" aniya. Tumunog ang telepono kong may mensahe galing kay Adam. Halos magkandahaba ang leeg ni Amelia sa kakasilip. "Tss, ayaw pa pakita. Dati rati naman, hindi ganyan" tuksong reklamo niya. Natawa na lamang ako. "Mauna na ako

