**** Ilang araw na naadmit sa ospital si Tita Maridel. Inilipat din siya agad sa St. John sa Maynila pagkatapos magkaroon ng clearance mula sa Batangas. Nailipat na rin siya sa pribadong kwarto. "April," Si Ate Alyna na pagpasok ko sa kwarto. Dumiretso ako dito pagkatapos ng shift ko. Ngumiti ako bilang tugon. Inilapag ko ang gamit ko sa gilid. Tulog si Tita Maridel ng datnan ko. "Naandito sina Tita Criselda at ang Ate mo kanina. Hinatid ni Adam sa ibaba tapos si Daddy naman may inayos sa discharge paper ni Mommy para bukas" aniyang nasa likuran ko na agad. Nasabihan ko nga sina Mama na nagkasakit si Tita Maridel. Inilabas ko ang ilang papel mula sa aking bulsa. Mga schedule iyon sa check up ni Tita Maridel as out patient. "Kinunan ko na rin po si Mommy ng schedule para sa stress tes

