*** "Bakit tayo naandito?" tanong kong nagtanggal ng seatbelt. "Nagluto si Nanay Delia ng meryenda, birthday ng bunsong kapatid nila Ruel" aniyang napabaling ako ng tingin sa kanya. "...and may inter- barangay na laban ng basketball ngayon" dagdag niyang binuksan ang compartment. May inilabas siyang karton na may pangalan ng sikat na bakeshop, sigurado akong cake ang laman non. Hindi ko napansin na bumaba siya ng sasakyan kanina, tulog ako sa buong byahe ko papuntang Antipolo. May dala rin siyang regalo na siguro para kay Roan, isang nasa paper bag na hindi ko alam kung anong laman at isang duffel bag. "Ang dami mong dala" puna ko. Nag park siya kung saan kami huminto noong unang punta niya dito. "Sir Adam! Ma'am April!" salubong ng isang tanod doon. Napataas ako ng kilay sa pagkaka

