***** Binasa ko ang nakalakip na note sa labas ng paper bag. Please don't forget to take your lunch - AK Take out iyon sa isang restaurant. Hindi ko agad nakuha iyon kanina sa reception. Toxic ako sa ER. "Hmm, mukhang totohanan na!" Si Amy na nakikisilip sa laman ng pinadala ni Adam. Napangiti akong inaya ko siya sa pantry. Nakasunod din sina Lance at Miguel na may dala galing sa cafe ng St. John. "Sakto palang sumabay kami sa inyo!" si Lance ng makita ang binuksan ang lalagyan. "Aw, ang sweet ng hubby mo Sis" si Amy naman. Kasya iyon sa pang-apatang tao. May dessert pang kasama. Nauna nang kumain ang tatlo. Kinuha ko ang telepono kong nagtipa para kay Adam. Thank you - text ko sa kanya. Tumunog ang telepono ko ng agaran pagkatapos kong ma- isend iyon. "Hey," aniya sa kabilang

