****** "Ginulat mo ako!" bulalas kong napahawak pa sa kaliwang parte ng dibdib ko. Halos maibuga ko ang iniinom ko ng mapansin ko ang presensiya niya sa b****a ng kitchen. Nakahalukipkip siyang seryosong nakasandal sa pinto. Tumalikod akong ibinaba ko sa sink ang hawak kong baso. Pumikit akong pinilit kong kumalma sa malakas na t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Nakakalito si Adam. Naduduwag din ako sa tensyon pagitan namin. Parang wala akong gustong gawin kundi tumakbo at lumayo sa kanya. Hindi ako handa sa mga nangyayari ngayon. Lutang pa nga ako sa nangyari kahapon sa parking ng ospital, at eto na naman siya. Isang sampal ang iginawad ko sa kanya kahapon dahil sa halik na iyon. Nagmadali akong bumaba ng sasakyan niyang hindi ko na siya nilingon pa.

