****** Lumapat ang labi niya sa akin. Mahinay na mahinay iyon. "A-adam," pigil kong napabuka ang aking bibig ng mas sumakop pa siyang mas madiin pa. Napatihaya akong nakaalalay siya sa aking batok at likuran. Humawak siya sa gilid ng aking pisngi at umanggulo pa para mas makahalik ng ayos. Naging mas mapusok. Halos habulin ko ang paghinga ko sa paraan ng paghalik niya. Bahagyang nakagat niya ang aking ibabang labi kaya napabuka ang bibig kong nagkaroon siya ng pagkakataon na mas makapasok sa loob. Napakapit ako sa jacket niyang suot. Nagkakarera na rin ang t***k ng aking puso. "A- Adam, saglit, s- sandali" ani kong napahawak sa kanyang dibdib para mapatigil. Parang umalinsangan sa loob ng tent, at sa palagay ko kahit ang aking pisngi ay namumula iyon. Pumantay siya ng tingin na ki

