Let me be the one 11

1173 Words
**** Annulment? " M-may problema ba?" kyuryosidad kong tanong. Hindi siya umimik. "Si Cindy ba?" tanong kong muli na tumango siya ng marahan. "I don't want to become unfair with her anymore" aniyang parang bigong bigo. Napatango ako, naintindihan ko ang gusto niya. Ang annulment namin. "Nasa sa iyo iyan Adam, makakaasa kang walang problema sa akin, pero-" ani kong sumabad siyang muli. "Ikaw ba,-" aniyang pinutol ko rin ng agaran. Humawak ako sa kanyang palad. "I am with you Adam, naintindihan kita. Alam kong darating ang araw na ito" wika ko. "...ako din naman, siguro kung darating ang panahong magmamahal ako uli kakausapin din kita" matapat kong sabi. Kung darating ang panahong mapapalita si Kent sa puso ko ay siguro hihinngiin ko rin ito sa kanya. Nagkataon lang na nauna siya. Tumango siyang ngumiti. "Thank you" aniya. Isang sinserong ngiti ang isinukli ko. "Sabi mo nga we are ally sa sitwasyon natin, pero papaano natin aayusin?" tanong kong iniisp ang reyalidad. Ang pamilya namin. "I'll talk with my lawyers tommorow" aniyang mas masigla na kaysa kanina. "Okay," tango ko. "We'll do it discreetly muna, then saka natin ipapaalam sa family natin" aniyang tinanguhan ko. "Okay, sabihan mo lang ako kung pipirma na ako, anytime! anywhere!" biro ko. Natawa siyang tumayo. Naglahad siya ng kamay na tumayo ako. Hinila niya akong yumakap siya. "Thank you" mahina niyang bulong. "You're welcome, witness ako sa kasal ninyo" biro ko pang muli. Natawa siyang lumapat ang palad sa ulunan ko. Para akong bata sa gawa niyang iyon. "Nag dinner ka na ba?" aniyang mas magaan na. "Oo kanina, kasama ang mga kaklase ko" sagot ko. "Maghahanda ako ng merienda baka cup noodles or reheat sa oven na naman ang kakainin mo" aniyang muli. "Huy! doon kaya ako nabuhay nong nagdorm ako ng pre-med ha" mariing sagot ko. "Tsk! kaya pala ang payat mo!" biro niya pabalik na nagsuot na ng apron. Hindi na ako nakipag argumento pa. Pinanood ko na lamang siya, maswerte si Cindy sa kanya. -------- "Nag enjoy ka ba?" "Oo Ate!" Si Alex na akbay ko palabas ng Arcade. "Gagalingan ko pa next time! pero ako na po ang mag tri treat sa'yo next time!" aniyang nakangiti na medyo namumula ang mukha. "Huh?" Natawa ako. "Uh, sabi po kasi ni Daddy, never let the woman pay kapag may date kayo" aniya ngunit namumula pa rin ang mukha. Natawa akong lumebel s aknyang mukha. "Okay Mister, next time ikaw na ang magbabayad sa date natin" tawa kong kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "Okay!" masayang tugon niyang muli. Inaya ko siyang kumain na. "Kuya!" aniyang lumingon nga si Adam. Ngumiti siyang lumapit sa amin. "Magkasama kayo?" aniyang umakbay sa kapatid. "Oo, sa deal namin" tugon ko. "Ha? anong deal?" aniyang muli. "Kapag mataas ang nakuha ko sa exams Kuya!" pagmamalaki ni Alex sa kanya. "Talaga?" "Yup! pero next time ako na nag magtri treat kay Ate April, kasi best tutor siya!" Si Alex muli. Napatingin si Adam sa gawi ko na ngumiti. "Didn't know na hanggang ngayon tinu-tutor mo pa pala ang isang 'to" ani ni Adam. "Okay lang, hindi naman siya mahirap turuan, saka next sem may clinical na ako kaya habnag may oras pa ako, nilabas ko na siya" sagot ko. "Thank you" ngiti niya. "Thank you saan?" "For everything, mabait ka sa akin pati sa kapatid ko" aniya. "Okay lang iyon, masarap magkaroon ng kapatid eh, lalo na't kasing gwapo nito" ani kong kinurot sa pisngi si Alex. Napasimangot naman siyang ginulo ko ang kanyang buhok. "Halina na kayo, ako na ang mag tri treat sa inyo!" aya niya. Pumagitna si Alex sa amin. "Bakit ka naandito?" tanong kong hindi inaasahan na makikita ko siya sa Mall. "May dinaanan lang ako" aniyang pakita sa isang gift bag na ang kulay ay mapusyaw pa sa dagat at may ribbon na puti. Sa pangalan pa lang ay may ideya na ako sa nilalaman nun at kung para saan iyon. "Goodluck!" ani kong tumango naman siya. Pumasok kami sa isang fine dine na buffet  restaurant. Umupo si Alex sa tabi ko na nasa harapan namin si Adam. "Diba you like Japanese and Korean food Ate?" si Alex na baling sa akin. "Ha? Oo" tango ko. "Okay, kukuha ako ng food mo!" aniayng tumayo na agad bago pa ako nakatanggi. Natawa kami pareho ni Adam na tinanaw na lamang. siya ng tingin. "He likes you" komento ni Adam. "Naaliw rin naman ako sa kanya" sagot ko. "...By the way nakausap ko na yung lawyers and pirma na lang natin ang kailangan" aniya. "Okay, dalhin mo na lang sa condo" sagot ko. "So, kelan iyan?" turo ko sa nasa tabi niyang paper bag. "Sa weekend, friday night" aniyang sagot. "Kaya mo 'yan," ani kong nagthumbs up sa kanya. "Thanks" ngiti niyang halata sa kanya ang saya. ---- Pigil ang kuha ko sa telepono kong panay ang tunog. pagod sa maghapong duty sa hospital. Pikit mata ko iyong kinuha, ang alam ko lamang ay madlaing araw na. Halos hatinggabi na ako nakauwi ng condo, ilang oras pa lang ang itinulog ko. "H-hello" antok kong pindot sa aking telepono. "A-april..." boses sa kabilang linya na iniisip ko pa kung kanino. "A-april..." mahinang boses muli naapadilat ako. "Sino 'to? Adam?" ani kong pilit na umupo. Isang malalim na paghinga lamang ang narinig ko sa kabilang linya. Napatingin ako sa aking relo na alas dos na ng madaling araw. "Adam?" ani kong parang nabawasan ang antok ko. Hidi umimik sa kabilang linya na para tahimik na humihikbi. "Adam, okay ka lang ba? Nasa'n ka?" tanong ko. "I-i'm fine" sa kabilang linya. "Nasa'n ka? are you driving?" alarma kong tanong dahil sa boses niyang parang balisa. "O-okay lang a-ako" aniya pa rin. "Saglit, nasaan ka ba? pupuntahan kita! nakainom ka ba?" "No, i"m not drunk, nakainom lang ng kaunti" aniyang rinig ko pa ang huni sa labas ng kanyang sasakyan. "Wag ka ang magdra-drive, pupuntahan kita diyan" alala kong sabi. Alam kong parang wala siya sa tamang huwisyo. Hindi ko mawari kung ano ang nangyari sa kanya. Tahimik sa kabilang linya. "Nasaan ka ba?" tanong kong muli. "I'm on my way to Cindy's apartment" malungkot niyang sagot. "Ha?" nalilito ako, napagtanto kong ito ang araw na dapat magpropropose siya kay Cindy. Nakapirma na ako sa annulment paper namin. Ibinalik ko na iyon sa kanya. "S-she r-rejected me April" aniyang may pait sa kanyang boses. "...s-she even broke up with me" aniyang muli. Hindi ako nakaimik na napaupo sa aking kama. Kahit ako ay nakaramdam ng awa ng lungkot at awa sa kanya. "Adam..." "Papunta ako sa apartment niya. I want to know why! I want to know her reasons! may nagawa ba akong mali na naman?!" aniyang hinanakit. "Adam, calm down. Hintayin mo ako, pupuntahan kita" sagot kong rinig ang isang malakas na tunog sa kabilang linya. Napatda akong halos nabitawan ko ang telepono kong minadali kong saluhin. "Adam! Adam!" Nanginginig ang kamay kong pilit na pinakikingggan sa kabilang linya. Nagmadali akong kumuha ng pwedeng ipantakakip sa aking pajamang soot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD