Let me be the one 10

1913 Words
***** Tinanaw ko ang pag alis ni Adam ng condo. I realized na hindi nga kami normal na mag asawa, we don't celebrate or maalala man lang ang date ng kasal namin, or even holidays, be it noong nakaraang Christmas or New Year. Sumisipot kami pero uuwi rin kami ng condo at magka-kanya kanya ng lakad pagkatapos. Maigi na lang ay atleast magkaibigan kami. He treats me well, hindi naman siya marahas or ungentleman. I value our friendship, at iginagalang ko ang relasyon nila ni Cindy. Masaya ako para sa kanila, kahit papaano ay maayos ang relasyon nila kaysa sa amin ni Kent. Wala naman akong natatandaang inagrabyado niya ako. Hindi rin siya nakikiaalam sa pribado kong buhay at ako rin naman sa kanya. ——— "I'm sorry, I'm late" Si Adam na humalik sa aking ulunan. Inaya ko siya sa gilid ng aming dining room sa bahay. "Pasensiya ka na, hinahanap ka kasi nila Mama kanina" bulong kong hingi ng dispensa. Ito ang isa sa mga pagkakataon na kailangan naming magpanggap na tanggap namin ang bilang mag asawa. "It's okay, maaga namang natapos ang meeting ko" aniyang muli. "Pero si-" ani kong sumabad agad siya. "It's okay," aniyang tugon. "Where are your parents?" bulong niyang tanong muli. Isang family dinner iyon na salu-salo na inihanda ng Ate ko bago tumulak papuntang US sina Mama at Papa. Kailangang bisitahin si Kuya doon. "Nasa lanai, doon naghanda si Ate" mabilis na sagot ko. "Okay, may babalikan lang ako sa kotse" aniyang paalam. Sinundan ko siya ng tingin. "Oh, naandyan na ang asawa mo?" Si Ate na bumalik ng kusina. "Opo, may binalikan lang sa sasakyan" ani ko na siyang pagpasok muli ni Adam sa kitchen. May bitbit siyang mga paper bag, at isang kahon. Mabilis akong tumungo sa kanya para tulungan siya. "Ano itong mga dala mo?" bulong kong tanong. Kinuha ko ang paper bag na mas magaan. Ibinaba niya sa mesa ang dala niyang kahon na may lamang cake. "Eksakto, kasi palpak yung binake kong cake" si Ate na kumuha ng cake slicer. "Mauna na kayo doon April, susunod na ako" Si Ate muli. "Uhm, I got something for your nephew" Si Adam muli. Inangat niya ang hawak niyang paper bag, laman nun ang isang kahon na nay balot ng isang sikat na toyshop, inabot din niya ang para kay Ate. Napaangat si Ate ng tingin sa akin. "Ate, para kay Austin daw" abot ko. Napataas ng kilay si Ate ngunit malugod namang nagpasalamat. "Nag abala ka pa, salamat dito" si Ate muli. "Siya, mauna na kayo kanina pa naghihintay sina Papa. Sumunod si Adam sa akin papunta kina Papa. "Bakit nag abala ka pa?" tanong ko habang nakasunod siya sa akin. "I don't want to come here empty-handed April, nakakahiya naman sa mga magulang mo" sagot niya. Napalingon si Papa sa gawi namin. "Adam" Si Papa. Mabilis na nagmano si Adam sa kanya. Iniabot niya ang paper bag, at ang isa kay Mama. "Kamusta Hijo?" "Mabuti naman po Pa" magalang na sagot niya. Nagmano din siya kay Mama. Malugod namang tinanggap ni Mama ang pagbati niya. "Salamat" Si Mama. "You're welcome po. Pasensiya na po, nahuli ako" hingi ng dispensa ni Adam. Iminuwestra ni Papa ang upuang katabi sa akin. "It's okay hijo, gusto lang naman naming makita kayo bago kami umalis, we will be out of the country for a month" Si Papa muli. "Ganon katagal Pa?" sabad ko. "...papaano si Ate dito?" dagdag ko pang tanong. "May mga kasama naman dito, we'll just visit your Kuya kapag okay yung rehab niya baka bumalik naman kami ng mas maaga" si Mama na sumabad. Bumalik si Ate na dala ang ilang inihanda niya. "Kamusta ang Tito Linson mo Adam?" Si Papa na tanong kay Adam. "He's okay Pa, nagrerehab na rin po, he's recovering" sagot ni Adam na ang tukoy ang bunsong kapatid ng kanyang ama na nakaalitan ni Kuya. "That's good," Si Papa muli na ngumiti. "...kung kailangan niya ng therapist na stay at home, magsabi lang kayo, may mga irerekomenda ako sa US" dagdag ni Papa. "Opo, sasabihin ko po" magaang tugon ni Adam. Kinamusta ni Papa si Dona Isabel. "Kamusta ang BP mo pa?" singit ko. "Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon Anak" ngiti ni Papa. Pansin ko nga rin ang mas magaan at maayos na pangangatawan ni Papa ngayon. "...I'm better, compare noong mga nakaraang buwan. Less stress na rin" ngiti ni Papa muli. Nakagaan ang walang away sa pamilya namin, nakabalik na si Ate kasama ang pamangkin ko, at si Kuya na nagpapagaling sa US. "Mabuti naman po," sabad ni Adam. "...and yung financial statement po-" si Adam muli na sinabaran ni Papa. "Natsek ko na hijo, I'm glad na maayos ang bussiness mo. You are really good sa bussiness venture na hinahawakan mo" puri ni Papa. "Hindi naman po, I guess sinwerte lang" tugon ni Adam. "Baka si April ang lucky charm mo!" sabad na biro ni Ate. "Ate!" Napalingon si Adam sa gawi ko na ngumiti. "Ma'am, gising na po si Austin" ang Yaya ng pamangkin na dala siya. "Naku, sandali" si Ate na nagpunas ng kamay. "Ako na Ate, magbihis ka muna" prisinta ko. Kinuha ko ang pamangkin kong iniupo ko sa aking kandungan. Umikot ang usapan nila Papa sa negosyong hinahawakn ni Adam. Natapos ang dinner na nagpaalam na rin kami agad. "Salamat nga pala sa mga dala mo" pasalamat ko ng makaakyat kami ng condo. "You're welcome April, it's not a big deal" aniya ng mapansin namin kung sino ang nasa pinto. "Ate..." si Adam na bumati kay Ate Alyna. Bumati rin akong humalik sa kanyang pisngi. "Anong ginagawa mo dito?" si Adam na magbubukas sana ng pinto. "Bakit mo tinanggal si Victoria?!" bungad ni Ate Alyna na may mataas na boses. "What?" "Nilipat mo siyang ibang department Adam?" si Ate Alyna  na humalukipkip. Nagkatinginan kami ni Adam. Kinuha ko ang sarili kong susi. "Pumasok muna po tayo" aya kong pumasok si Ate Alyna na hindi na ako tiningnan. Dumiretso siya sa living room. Dumiretso naman ako ng dining para maipaghanda siya ng inumin. "Kung may problema ka sa office Ate, pwede mo akong kausapin doon, you can't just barged in dito sa condo!" iritang sagot ni Adam. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Naupo akong nag dalawang isip ko dadalahin ko na ba ang ginawa kong juice, ayaw kong makialam sa problema nila. "Asset si Victoria sa office Adam! scholar siya ni Daddy and alam mong loyal siya sa family natin at nilipat mo ng ibang department?!" "...what the hell are you thinking?" dagdag ni Ate Alyna. "Watch your mouth Ate! baka nakakalimutan mong ako ang CEO ng kumpanya. I have all the rights to make a call! " iritang sagot ni Adam na alam kong nagpipigil. " Yeah, some  stupid call you made! at ang ipinalit mo sa kanya ay walang kwentang sekretarya!" si Ate Alyna muli. Tumayo ako para awatin sana sila. " Ako ang magdedesisyon Ate, kahit tanggalin ko pa siya sa trabaho, wala kayong magagawa!" "Don't tell me naisip mong tanggalin siya sa trabaho?!" halatang nanggigil ang Ate ni Adam. "Damn it!" Si Adam na hindi ko na napigilang lumapit sa kanila. Humawak ako sa kanyang braso para awatin siya. "Give me one valid reason Adam kung bakit mo siya tatanggalin? Sige nga! para makita ko ang point mo!" sigaw ni Ate Alyna. "Adam..." awat ko kay Adam. Humalukipkip si Ate Alyna na  lumapit pa. Ngumisi siyang nagtaas ng kilay na parang nanghahamon sa taong nasa tabi ko. "Don't tell me dahil sinabi ng girlfriend mo" aniyang nagtaas ng kilay. "Ate tama na po..." awat kong tiningnan lang niya ako saka bumalik ang tingin kay Adam. "I knew it," umiling si Ate Alyna. "Leave Cindy alone Ate, wag mo siyang isali dito" mariing tugon ni Adam. Napailing muli si Ate Alyna na parang nanunuya pa at saka lumabas. Umupo si Adam, inihilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Umupo ako sa kanyang tabi, pakiramdam ko may kasalanan ako sa pangyayari. Nagbigay ako ng suhestiyon na sundin niya ang gusto ni Cindy o ilipat na lamang si Victoria. "Uh, sorry" mahinay kong haplos sa kanyang likuran. "Sorry, ako ang nagsabi sa iyong sundin mo ang gusto ni Cindy" ani ko. Sumulyap siya ng tingin sa akin. "Don't be, it's not your fault. Naisip ko na rin namang tanggalin si Victoria, ayaw ni Cindy sa kanya noon pa man. It's just that nakakafrustrate lang talaga si Ate" aniyang yumuko sa kanyang palad. "I would fire her kung hindi mo sinuggest na ilipat ko na lang" dagdag niya. "...hindi ko lang maintindihan sina Ate. I've been a good son to my parents and brother to them and yet patuloy na nakikialam sa buhay ko" bigo niyang tugon na napabuntong hininga. "So, anong gagawin mo?" kyuryosidad kong tanong. Hindi siya umimik na huminga ng malalim. Bumaling siya sa akin. "Kung ikaw, anong gagawin mo?" balik na tanong niya. "Kung ako? susundin ko ang puso ko Adam. Kung anong makakapagpapalagay sa loob ng mahal ko" diretsong sagot ko. "...I mean kung parati ninyong pinagaawayan si Victoria eh, ilalayo ko siya sa akin. Timbangin mo kung anong mas mahalaga. Pinagbigyan mo na ang pamilya mo sa kahilingan nila na makasal tayo, wag mo hayaang masira pa ang relasyon ninyo ni Cindy lalo na kung dahil lang sa ibang babae" wika ko. Napatitig siyang napabuntong hininga akong tinapik ang kanyang balikat. "It's still up to you, follow your heart. As long as mahal ninyo pareho ang isa't isa-" ani kong tumango siya ng marahan. Inilalagay ko lang ang sarili ko sa sitwasyon ni Cindy. "I love her" mahinang sagot niya. "I know," sagot ko. Nagpaalam akong mauna na sa aking kwarto. ____ Napangiti ako sa ipinadalang litrato ni Alex, ang nakuha niyang score sa kanyang mga test. Nagtipa ako pabalik ng mensahe sa kanya. Kailangan ko nga siyang itreat sa napag usapan naming deal. Inisip ko ang bakanteng schedule ko habang papasok ng bahay ng mabungaran ko ang nasa living room.  "Oh, naandito ka?" tanong ko. Napaangat siya ng  tingin na ngumiti ng tipid. Seryoso siyang tumungo muli.  "Uh, sorry! ang ibig kong sabihin nagulat lang ako na naandito ka" bawi ko. Madalang namang umuwi si Adam, katulad ng ganitong araw na weekdays. "... condo mo nga pala ito" kamot ko ng ulo. Inilapag ko ang aking mga gamit sa countertable. Sumunod si Adam ng nilingunan ko.  "This is your house too April, regalo ito sa atin ni Lola" aniyang tamad na umupo sa dining. Pumahinga ang kanyang dalawang siko sa mesa at ang kamay ay nasa mukha na parang dinadasalan iyon, sa gawa niyang iyon alam kong may dinadala siyang problema. "May problema ba?" tanong kong kumuha ng inumin para sa amin. HIndi siya umimik na napahinga ng malalim. Iniusog ko ang baso na may lamang tubig sa harapan niya. "Si Victoria ba ulit? akala ko ba okay na 'yon?" tanong ko. Noong nakaraang mga buwan ay hindi naman na siya kinulit ni Ate Alyna sa paglipat ng sekretarya niya. Umiling siya. Humawak siya sa kanyang baso na pinaikot ikot iyon. "Adam..." Umangat siya ng tingin sa akin. Huminga siya ng malalim. "How long are we going to stay married April?" diretso niyang tanong na ikinabigla ko. "Ha?" "I want to ask favor from you," aniyang mahinang parang nakikiusap. Tumango akong naghintay sa susunod niyang sasabihin. "...let's annul our marriage" aniyang tumingin ng diretso sa akin. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD