Let me be the one 9

2421 Words
____ Naging abala ako ng sumunod na mga buwan. Sa University at clinical namin sa mga hospital dagdag pa doon ang ilang extracurricular activities at sorority obligation ( pag adopt sa family nina Mang Roy ) at mga medical missions. Doon umikot ang oras ko sa araw, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang sa amin ni Kent. Naging abala rin ako sa pagtuturo ng aralin kay Alex. Naglaan ako ng oras sa kanya tuwing weekend, natutuwa ako sa pagiging malambing niya. Bunso rin ako pares niya at masarap sa pakiramdam na may naituturing akong kapatid na mas bata sa akin. Rinig ko ang medyo malakas na boses ni Adam pagbaba ko sa aming dining. Nakasapo siya sa kanyang noo habang may teleponong nakalapat sa kanyang tainga. "Babe please..." humina ng kaunti ang kanyang boses. Patalikod sana ako ng narinig kong muli ang mahina niyang mura. "Damn it!" aniyang umaambang hagis ng kanyang cellphone na hawak. Napatalon ako sa gulat, bibihira kong nakikitang nagagalit si Adam. Madalas ay mahinahon siya, kahit minsan may tensyon sa opisina at sa kanilang bahay na nagtatalo ni Tito Levi ay hindi siya nagtataas ng boses. "U-uhm, sorry...k-kukuha lang sana ako ng tubig" dyahe kong turan. "P-pero kung-, u-uhm, mamaya na lang pala" bilis kong balik sana paakyat sa aking kwarto. "No, no, April!" aniyang napahinto ako. "I'm sorry if you had to witness that" aniyang umupo sa bangko sa aming dining area. Maingat akong tumungo sa aming fridge. Sinulyapan ko siyang nakatungo habang hawak ang kanyang telepono na sa kanyang ulo na parang dinadasalan ito. Isang buntong hininga ang iginawad niya. "U-uhm, ayos ka lang ba?" maingat kong tanong. Tumango siyang hindi ako nilingon. "O-okay, aakyat na muna ako" paalam ko. "Wait,-" aniyang muli. Umangat siya ng tingin na halata pa ang kanyang pamumula. Kumuha ako ng tubig sa fridge na inabutan siya. Tinanggap niya iyon. "I'm sorry-" aniyang sinabaran ko agad. "Okay lang, may problema ba?" tanong kong tumango siya. "Si Cindy, we had an argument" aniyang panimula. Nanatili akong nakasandal sa gilid ng sink, napabuntong hininga muli siya na pinaikot ikot ang kanyang baso. "Hindi ako nakasipot sa lakad namin, I was in the meeting, she misunderstood it" aniyang muli. "Uhm, ipinaliwanag mo ba ng mabuti?" "I tried to talked with her, ayaw niyang makinig" si Adam muli na nakatungo. "Nakita niya ako with my secretary na palabas ng restaurant. She thought I am cheating on her"  aniyang muli. Hindi ako umimik na tumango ng marahan. Kahit papaano ay mababawasan ang anxiety niya at nailalabas niya ang kanyang saloobin o problema. Mas kalmado na siya ngayon kaysa kanina. " She was so mad kanina, ayaw niya akong kausapin ng maayos. Pumunta ako sa apartment niya kanina" aniyang parang bigong bigo. "So, nagseselos siya sa sekretarya mo,-" tinig ko. Isang marahang tango ang sagot niya. "May dahilan ba para magselos siya? I mean, may nakikita ba siyang dahilan para magselos siya?" diretso kong tanong. "Ha? Wala! wala! She knows that I love her-" mabilis na sagot niya. "O-okay" tango ko. "Ayaw na ayaw niya sa sekretarya ko, madalas siyang naghihinala na may relasyon kami ni Victoria" si Adam muli. "Ha?" "Yes, pinapili niya ako. Hindi ko pwedeng sisantehin ng ganoon ang sekretarya ko, matagal ko ng sekretarya si Victoria" ani ni Adam na parang gulong gulo. "Pero mahal mo si Cindy?" tanong kong napaangat siya ng tingin. "Yes, of course!" mabilis niyang sagot. "Then, sundin mo ang gusto niya" kibit balikat ko. "What?" "Para sa akin, ganoon lang naman kasimple iyon. Kung mahal mo si Cindy, e di pagbibigyan mo siya sa kanyang hiling" diretsong sagot ko. "But-" "It is still up to you Adam, pero siguro timbangin mo na lang kung sino sa kanila ang hindi mo kaya kapag nawala" sagot ko. Nakaangat  pa rin siya ng tingin na animo'y nag iisip. "Kung mahal mo e di ibigay mo kung anong hiling niya, siguro hindi siya komportable kapag nakikita niya kayo ni Victoria" dagdag ko. "I swear April, kahit kailan hindi kami nagkarelasyon ni Victoria" aniyang nagtaas pa ng kamay na parang nangangako. Natawa ako. "Oo na, naniniwala na ako pero hindi mo kailangang sabihin iyan sa akin" iling ko. Napabuntong hininga siyang muli. "Okay, pag iisipan ko. Probably you're right" aniyang muli. "...and siguro wag mo siyang bibigyan ng dahilan para magselos sa iba" ani ko pang muli. "She knows that I love her, ang tagal ko siyang niligawan at hinintay bago ko siya napasagot" aniya. " Dati siyang nagtratrabaho sa office, she was one of our accountants. I fell in love with her the first time I saw her. Niligawan ko, naging kami. Actually, naipakilala ko na nga siya kina Mommy noon isang beses at nakilala rin siya ni Ate noong nasa head office pa siya nagtratrabaho. Then, medyo stress sa office, nagresign siya. Mas lalo akong humanga sa kanya ng pinatunayan niyang hindi pera o posisyon sa company ang habol niya sa akin" "...medyo may pagkaselosa lang talaga" iling ni Adam. May mga pagkakataon na kliyente ni Adam ang pinag uugatan ng away nila. "Kahit sino namang babae siguro Adam, mabuti at pumayag siya sa sitwasyon natin?" tanong ko. Maigi na lamang at hindi ako kailanman pinag isipan ng masama ni Cindy, "She broke with me that time ng sinabi ko, pero nagkabalikan din kami. I explained the situation that it will just be in the paper, that you and I will part ways kapag okay na yung family natin. I had to explain it to her ng maigi noon, hindi na makontrol ang gulo ng pamilya natin noon. Atleast ngayon ceasefire muna" aniyang napangiti sa huling pangungusap niya. Totoo nga iyon, mas maigi na ang tahimik na sitwasyon ng pamilya namin, kahit ang ilang kamag anak namin ay kapwa lumayo na sa gulo at away.  Si Kuya ay nagpaparehab para sa kanyang therapy sa ibang bansa ganundin ang Tito ni Adam. " I love her April, kung para magkaayos kami ay tanggalin ko sa trabaho si Victoria, then be it" aniyang muli. "Isipin mo ng mabuti, or pwede mo naman sigurong ilipat si Victoria sa ibang department" suhestiyon kong muli. Napangiti siya ng malapad na tumango. "I think I know what to do now" aniyang napatayo. "You're right, ililipat ko na lang si Victoria ng ibang department" mas maaliwalas niyang mukha. "Thank you!" aniyang ambang yakap sa akin. Natawa ako. "Oo na! sige na! sa susunod kapag may problema ka wag mong susubukang mambasag ng cellphone mo ha! ang mahal niyan! sayang eh, latest model pa naman! marami ng taong pakakainin niyan, katukin mo na lang ako sa kwarto at makikinig ako" biro ko. ______ Nagmadali akong palabas ng University, nakailang message si Alex na nasa parking na. "Hindi ka sasama girl?" Si Amy na mabilis akong umiling papalayo. Maghahanap daw sila ng pwedeng  mapag relaxan, napakatoxic nga ng nagdaang linggo. Pulos written exams sa University at oral exams naman sa Clinical sa hospital. Naging maayos nga si Adam at Cindy kinabukasan nun. Nagpadala pa si Cindy na mensahe sa akin, nagpapasalamat sa pagkakaayos nila ni Adam. "May lakad ka?" "Oo may date ako!" biro ko. " Talaga?" nanlaki ang mata niyang hahabol sana. "Sira, me itututor ako" mabilis na sagot ko. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Alex kausap ang driver na susundo sana sa akin. "Ate!" aniyang sinalubong ako. "Bakit ka naandito?" " U-uhm, I-I need your help pero kung busy ka po okay lang kung hindi" aniyang napakamot ng ulo. Natawa akong umakbay. "Okay, ano ba 'yon? alam ba ng Mommy at Daddy mo na pumunta ka dito?" tanong ko. Halos magkalapit lang naman ang eskwelahan namin. Napakamot ito ng ulo. "Natext ko na po Ma'am" sabad ng driver na kasama niya. "Salamat po" tugon ko. "Ikaw talaga, next time magpapaalam ka okay?" Marahan kong haplos sa ulunan niya. Pinauna ko na ang driver na maghahatid sa akin. Nagpahatid naman ako kasama si Alex sa pinakamalapit ng coffeeshop. Pinakita niya ang ilang worksheets at quizzez niya. Mababa nga ang ilan doon. "Uh, nahirapan ka ba uli sa subject na ito?" mahinahon kong tanong. Hindi siya mapakali sandali. " Yes Ate, pero pwede bang wag mong sasabihin kina Mommy o Kuya? ayaw ko ng mag weekend tutorial uli sa school, tapos ayaw ko sa mga teachers doon" pakiusap niyang tumango ako. Hindi naman kami ganoong ka close ng Mommy niya at hindi ko pa rin nababanggit kay Adam ang pagiging malapit namin ni Alex. "Okay, but I want you to study more especially sa subject na ito" turo ko sa ilang mathematical diagrams sa science nila. Tumango siya ng marahan. "Tutulungan kita okay, pwede na nating umpisahan ngayon" ani ko. Tahimik naman ang coffeeshop na kaunti lang ang tao. Pumwesto kami sa pinaka sulok. Madali namang turuan si Alex kung magfofocus lang siya. "Thank you Ate" aniyang yumakap pagkatapos. "Gagawan kita ng exercises pa before your final exam and mock exams okay?Ihahatid ko sa bahay ninyo bukas yung first set, and for the rest of the week pwede mo naman akong i video chat kung may hindi ka naintindihan" ani kong muli. "Thank you po! you're really nice, si Ate Alyna kasi she easily gets mad kapag hindi ko nakuha ang itinuturo niya" aniya. "....and siyempre you are very pretty rin" aniyang namulang nambola pa sa akin. "Binola mo pa talaga ako!" tawa ko. Inaya ko na siyang umuwi na. Hinatid muna nila ako sa condo. ——— "April," Si Ate Alyna na bumungad sa akin. Maaga akong dumaan sa kanilang bahay, naka uniporme din akong pampasok. "Good morning po Ate," bati ko. Inaya niya ako sa loob. Sumalubong sina Tito Levi marahil kapwa nag aagahan din. Nag aya silang tinanggihan ko na. "May maaga po kasi akong duty sa hospital ngayon" paliwanag ko sa aking pagtanggi. "...idinaan ko lang po itong mock exams at study notes  ni Alex" ani kong inilabas ang folder sa aking bag. Kapwa natahimik si Tito Levi at ang kanyang asawa, si Ate Alyna ang umabot ng folder. "Baka naman masyado ng abala si Alex sa'yo. Ieenroll ko na lang siya uli sa weekend tutorial" Si tito Levi muli. "Naku hindi po, ayos lang po" agap ko. Alam ko kung gaano kaayaw ni Alex ang tutorial na iyon, hindi naman ganoon kahirap ang aralin niya. Sanay na ako sa pagtututor. "Sigurado ka April?" Si Tita Maridel. "Opo," sagot kong  nagpaalam na rin agad. "Bakit hindi ka nagpahatid kay Adam?" Si Tito Levi nang nakasunod sila sa akin palabas. "U-uhm, late na po kasing nakatulog si Adam, hindi ko na po siya inistorbo kanina, maaga po kasi ang pasok ko" sagot ko. Ang totoo nun, ay may mga araw na hindi talaga nauwi si Adam sa condo. "Siya mag iingat ka, salamat dito"  Si Tita Maridel na nakasunod sa asawa. Nilingon ko sila ng huling beses pa. ——— " Thank you Ate!" si Alex na kausap ko sa video chat. "Nag improve ba ang worksheet activities mo?" tanong ko. Kasalukuyan akong naghahanda ng aking hapunan. Pagod akong nakauwi galing ng duty. "Opo!, ang galing mo talagang magturo, mas magaling ka pa sa Lab teacher ko!" aniyang nakangiti. "Nambola ka na naman" biro ko. "Promise Ate!" agap na sagot niya. "...pinakita ko nga po kina Daddy, good job daw ako!" aniyang lapad ng ngiti. Madali kong nakagaanan ng loob si Alex. "Very good ka naman talaga, kailangan mo lang magfocus sa pag aaral, so dapat mataas na ang finals mo okay?" "Okay po, kapag mataas ang grade ko, itri treat kita Ate for being my best teacher!" aniyang muli, natawa akong umiling. "Ako anh magtri treat sa'yo, I promise" sagot ko. "Okay po, It's a deal!" himig niyang masayang masaya. "It's a deal" sagot ko ng marinig ko ang pagbkas ng pinto. Sinilip kong si Adam iyon. Bumati siyang sumilip sa aking laptop. "Hi Kuya!" bati ni Alex. Napatingin si Adam sa akin pagkuwa'y kay Alex na bumati rin. Nag usap sila sandali bago nagkapaalamanan. "Didn't know na close na kayo ni Alex" si Adam na kumuha ng kanyang inumin. "Oo, nagpaturo ng assignments," sagot ko. "...and pumunta ka sa bahay the other day?" "Ah, oo! hinatid ko yung mock exams and study notes ng kapatid mo" sagot kong muli. Napatingin siya sa hinahalo kong merienda. Take out lang iyon sa restaurant na ipinainit ko lang sa microwave. "Gusto mo ba?" alok kong umiling siya. "Is that your dinner?" tukoy niya sa ininit kong lasagna. "Pwedeng merienda, pwedeng dinner na rin" nakangiting sagot ko. "Tsk! pwede ka namang umorder sa decent or fine dine restaurant April or sa restaurant ninyo" aniyang muli. Natawa ako. "...kaya hindi ka tumataba" dagdag niyang komento. "OA mo friend, puyat lang ako sa school stuff no, saka sunod sunod ang exams namin, malamang kulang ako lagi sa tulog" sagot ko. "Tsk! anyway, mas okay na 'yan kaysa sa instant noodles" Umiling siyang nag dial sa kanyang telepono. Umorder nga siya sa kalapit na restaurant sa condo. "Bakit ka nga pala naandito?" tanong ko. "May nakalimutan lang ako," aniyang sagot na tumayo na. Bumalik siyang may dalang box. "Ang dami mong dala" puna ko. "Take a look at this," aniyang binuksan iyon. Dalawang designer bag. "Ano sa palagay mong mas maganda?" aniyang tanong. Mga mamahaling bag 'yon, ang presyo nun ay katumbas na ng isang taong tuition ko. "Parehong maganda," puri ko. Mahal ang mga designer bag na iyon pero maganda ang quality. "Anong okasyon?" "Birthday ni Cindy," aniyang muli. "Hindi ko alam kung alin ang mas maganda kaya binili ko pareho, sa palagay mo?" aniyang baling sa akin. "Uhm, pareho ngang maganda!" kahit ako ay lito rin. Nagpalit palit ang tingin ko sa dalawa. "So?" "Since, para sa kanya naman talaga 'yan and hindi tayo makapili sa dalawa, ibigay mo na lang yan pareho" suhestiyon ko. "Ha?" "Oo, magugustuhan and maapreciate niya iyan for sure!" ani kong muli. "You think so?" "Oo naman no! ang gaganda kaya ng bag na mga yan. I mean kahit mahal, yung quality is hindi ka magsisi and syempre yung sa pangalan pa lang!" dagdag ko. "Okay," aniyang ngiti ng malapad. Ibinalik niya ang box at binuhat papunta sa sala. Bumalik siyang muli sa dining. "Uh, I'm sorry na wala pa yata akong nabibili para sa'yo-" aniyang umupo sa tapat ko. "Ha?" "I mean since we got married,-" aniyang pinutol ko. "Adam, wala kang obligasyon sa akin. Masaya akong maayos kayo ni Cindy" sabad ko. "...saka hindi ako mahilig sa ganiyan eh, cash na lang! " biro kong muli.  _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD